Ivan Ramirez

7 1 0
                                    


Sa araw na to as usual puro lesson na naman... Kabagot actually napapatunganga nalang talaga ko.

Sa kalagitnaan ng lesson namin sa social studies ay pumasok ang adviser namin.
Ano kayang meron? Pumapasok lang naman siya sa kalagitnaan ng lessons kapag may importante siyang ia-announce...

"Class, it may be a little late. But you have a new classmate."

Nagsimula silang magbulungan...

"Babae kaya? O lalaki?"

"Sana lalaki para may bago tayong susundan hihi"

"Psh. Sana babae nalang yung chicks at mabait di tulad nyo ang aarte haha"

"Class, quiet! Here he is please introduce yourself..."

"OMG lalaki nga! Panalo bes!"

"Shhhhh!"

Dahan dahan naman pumasok yung lalaki. Akala mo talafa eksena sa isang perfect high school. Tss. Makapagbasa nga muna ng libro "kuno". Sigurado naman pagpi-piyestahan lang yan ng nga babae dito. Nakakabagot naman kasi, wala si Nymie. Wala kong katabi dito, argh!

"Ehem. Good Morning guys! I am Ivan Ramirez and I hope we'll all be close!"

Teka... Pamilyar boses niya ha? Kaloka to, parang kilala ko siya ah. Pero wala pa rin akong pake...

"Oh. You may now sit beside that student."

Napatingala ako. Fudge. E, ako lang naman ang walang katabi dito. Sa tabi ko lang may vacant seat!

Diretso kong tiningnan si Maam sa mga mata... At hindi pinansin yung lalaki.

"But Maam, Nymie's seat is here. She's just absent today."

"Don't worry I will arrange ypur seats later on."

"Ah, okay po Maam."

Yumuko akong muli para magpatuloy sa pagbabasa. Pero may nagsasabing tingnan ko siya.

Napanganga nalang ako habang papalapit siya sakin. Grabe effect niya huh tinatangay ako.

Kasi naman, siya lang naman yung lalaking nakita ko sa mall after kong mapanaginipan si "Mysterious Guy"! What a small world nga naman talaga oh.

Nakangiti siya sakin nang malawak habang naglalakad papalapit. Lahat ng atensyon ay nasa kanya at nagbulungan naman ang mga kaklase ko habang sinusundan siya ng tingin papunta sa upuang nasa tabi ko.

"Suwerte naman ni Belle huhu."

"Loka 'to, di pa final yan malay mo 'pag in-arrange na seats natin makatabi mo siya o kaya malapit lang siya satin... Yieeee!"

"Ang guwapo talaga te. Pang out of this world. Ka-inloveee!"

"Ngayon, alam mo na ang pangalan ko. Classmates pa tayo hehe. Isn't it fun?"

Di ko talaga alam kung ano ang sasabihin sa kanya matapos niya kong kausapin. Hindi pa din ako makapaniwalang nasa harap ko siya all though hindi siya artista, na-starstruck akong bigla.

Paano ba naman kasi iba ang itsura niya noon kaysa kapag naka uniform... Lalo siyng guma-guwapo eh.

"Uy? Haha, ikaw pala si Belle?"

"U-uh y-yeah! Belle Sarmiento! Sorry bangag lang hehe. K-kamusta?"

"Sobrang okay naman haha, Na-miss kita..."  

Bigla nalang may nag-ingay na fourth year students sa labas kaya di ko masyadong narinig yung huli niyang sinabi.

"Buti naman at ano?"

"Wala hahaha."

Maya maya lang break time na din. 10:30 AM 'yon yung first break time namin. Nag-volunteer naman akong samahan siya para ilibot siya sa buong campus at syempre isabay na din siyang mag-lunch."

"Ang laki naman pala ng school mo, sabagay malaki din naman ang school ko..."

"Ah, eh, matanong ko lang bakit ka naman lumipat pa kung gano'n?"

"May pakay kasi ako sa school na 'to e"

"Let's just say na may ina-admire akong babae at nung malaman kong dito siya nag-aaral ay nagpalipat na kaagad ako dito. Kahit medyo late gusto kong malaman at subukan kung magkakaroon ako ng chance sa kanya." 

"Ay ganun? Haha ang effort ah grabe."

"Naman gusto kong maging worth it ang highschool life ko at mangyayari lang 'yon kung makakasama ko siya."Kitang kita mo talaga sa mga mata niya yung kinang. Siguro nga kahit ang bata pa niya ay nararanasan na niya ang mga bagay na yan ako kasi never e. Ako nga daw ang ultimate "alien" ng klase. Kasi daw wala kong nagugustuhan yung tipong mababaliw sa kilig, ganon. E, sa pagaaral lang naman nakatuon palagi ang atensyon ko.

"Ah oo nga pala tara naman sa cafeteria kain muna tayo... kung gusto mo kahit snacks lang muna kasi may break time din tayo ng 1PM. Pero kung gusto mong mag-lunch na sige okay lang naman."

"Eh ikaw ba? Maglu-lunch ka na ba or snack lang?"

"Maglu-lunch na ko, sanay na kasi ako eh kasi ganun din ginagawa ng classmates ko."

"Sige, ako din. Para mamaya kakanin nalang ako ng snacks."

"Sige tara na sasamahan na din kitang um-order."

Talaga naman oh. Ang haba pa ng pila today. Kinalikot ko muna ang phone ko habang naghihintay na umusad ang pila.

Finally, nakakain na din kami ni Ivan. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ang lungkot ko samantalang si Ivan ang saya sa unang araw niya dito. Feeling ko tuloy panira ako ng mood naming dalawa e.

Paano ba naman kasi hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita si "Mysterious Guy".

Hanggang uwian ay hindi ko siya nakita. Mailap siya today...Pero gusto kong abangan ang balak ni tadhana bukas......














I First Met Him In My DreamsWhere stories live. Discover now