I'll Be Dreaming of You Tonight 🎶🎵 (Part One)

18 3 0
                                    


Nakakapagod mag ikot-ikot sa mall, but one thing's for sure... Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nawawala sa isipan ko. Ewan ko ba parang gusto ko siyang makita ngayon dito sa mall sa hindi ko malamang dahilan.

Makalipas ang mahigit isang oras ay umaasa pa din akong makikita ko siya today hahaha, napaka imposible pero maaari ding mangyari.

Pumunta muna kami sa isnf clothing store called "Oxygen".

And as usual Pau's gonna freak out because there's a sale!

"Hey Belle! OMG there's a sale let's look for something to buy!"

"Ah next time nalang I dont want to spend my money on clothes and besides kakabili ko lang pala when I went out with mom and dad... So... ikaw nalang ah? hehe"

"Ahhha naman!"

"Hahahaha I'm just gonna go buy ice cream for us." Alangan naman kasing ako lang tapos hindi ko sila ilibre hehe kuripot man ako pagdating sa kaibigan minsan bumibigay din ako.

Lumabas na ko ng store and at this time magiisip na naman ako niyan. At siya na naman ang pumasok sa isip ko, grabeh tinamaan na ba ko? Baliw na ba ko?

"Hindi pa, mukha namang matino ka pa ah?"

What the fudge?! may sumagot lang naman eh ang alam ko sinabi ko yon sa isip ko ah?
Nakayuko pa din ako kasi habang naglalakad nakatingin lang ako sa tiles pero aware pa din naman ako kung may mababangga ako e!

At sa pagkakadinig ko lalaki yung sumagot.

Inangat ko naman yung ulo ko para makita yung sino yung sumagot... Isang lalaki na parang ka age ko lang? At infairness muntik na kong mapangiti kasi naman ang guwapo niya mygosh! haha. Pinigilan ko lang talaga ang sarili pero grabeh!

"Hahaha gulat na gulat ka naman sorry kung epal ako pero kasi narinig ko yung sinabi mo." sabi niya with a smile hihi ang cuteeeeee! Emegeshhh.

Na awkward-an naman ako sa pangyayari.

"Ah hehe okay lang, nasabi ko ba talaga ng malakas?" Sabi ko naman with an awkward smile.

"Hehe oo eh, sabi mo pa nga 'Baliw na ba ko?' Hahaha." Habang nagsasalita siya nakangiti pa din siya, hihi.

"Hahaha. Ahh ako nga pala si Belle," tsaka ko naman inabot yung kamay niya para makipag-shake hands. 

"Ah sige nice meeting you Belle ah? Alis na pala ko, bye!"
tsaka siya ngumiti nang napaka-lawak at paatras na naglakad habang kumakaway.

Tsk. Di siya nagpakilala! Di ko manlang napansin, sana magkita pa kami ulit. 

Bumalik na ko sa realidad at bumili ng apat na ice cream in cone. Dalawang vanilla and dalawang chocolate.

Pagbalik ko naman tapos na silang bumili, si Pau lang naman ang nakabili ng damit, tsk fashionista talaga to.

"Oh guys ice cream oh!"

"Yaaaayyy alam na alam mo naman yung flavors na gusto namin."

"Ako pa ba? Eh nakakasama ko naman kayo sa galaan kahit dati hahahaha"

Di ko naman talaga kasi bestfriend lahat sila, sa katunayan wala akong tinuturing na bestfriend sa kanila. Si Prudence lang ang bestfriend ko since grade one kami, nakakalungkot lang dahil magkaiba na kami ng school, pero dapat talaga dun din siya sa school ko.

"Ah btw guys dumidilim na ang tagal na din natin dito, uwi na tayo?"

"Sige sige sabay sabay na tayo."

Umuwi na si Pau while natira kami nila Alex.

Papunta din kasi sa mall yung mom ni Alex, nagpahintay naman siya natatakot daw siya kasing mag-isa. Hahaha ewan ko ba sa babaeng yun, eh sa tingin ko naman walang mangyayaring masama sa kanya sa mall.

After 15 minites umuwi na din ako kasabay si N.

Magkalapit lang ang bahay namin at kahit ngayon palang namin mas nakilala ang isa't-isa ay para bang matagal na kaming magkakilala. Weird no? Hahahaha napakadaldal naman kasi ng babaeng ito. Eh for sure kung transferee ako mauuna pa siyang batiin ako.

Naglakad lang kami dahil pareho na kaming sanay, naglalakad lang din daw kasi siya pauwi.

Nagkuwentuhan pa din kami at sa kasamaang-palad nga naman ay nabitin ako sa usapan namin. Ganon yata talaga kapag masarap kausap ang kasama mo.

Paguwi ko siya (yung lalaking napanaginipan ko) pa din nasa isip ko, ewan ko ba ang dami ko nang ginawa pero ayaw niyang umalis e.

Saktong nasa harap na ko ng gate namin nang bumukas ang pinto. Napatingin naman ako dun, si Mommy nakasilip at nakangiti sakin.

Biniksan ko yung gate at pagkasara ko, I smiled back at her.

Dumiretso ko sa pinto at niyakap siya then ki-niss sa cheeks.

"How's your day, Belle?" She asked.

"It was fine, I had a great time with my friends." Alam niyang umalis ako cause she called when we arrived at the mall.

Then she asked me kung gutom ako pero sabi ko hindi pa naman. Dumiretso na ko sa room ko at binuksan yung aircon. Nakakapagod grabeh.

Pagdating ng 9:00 pm hindi pa rin ako makatulog, siya pa rin naiisip ko...ARRGHHHH Bakit ganun? Huhuhu

So I went out of my room, I just felt like doing something para makalimutan ko na siya. Fudge, this is hard.

When I went out I still can't get Him off my mind, and what I had dreamt of.

Humiga ako sa sofa sa living room at nagisip-isip.

After a few minutes a heard footsteps going downstairs and to where I am.

"Oh bakit? Hindi ka ba makatulog?"

"Oo mommy eh. I'm still wondering kung bakit ako nanaginip ng ganon."

"Nanaginip ng ano?"

Then I told her everything.

"Hindi ko rin alam, cause I haven't experienced that before." and she chuckled.

I was really amazed at ngayon ko lang na-realize na kanina pa pala malawak ang ngiti sa labi ko.

Umiinom siya ng coffee at binaba ito sa lamesa sa harap ko, umupo naman siya sa katabing couch kung saan ako nakahiga.

Tahimik lang kami pareho nang maisip kong i-search ang tungkol dito sa panaginip ko... pero bago ko pa magawa naagaw ng atensyon at pandinigko ang isang kanta.

I opened the radio earlier dahil nga sa mahilig ako sa old songs ay binilhan ako ni dad nito.

Kahit medyo old school na sa panahon ngayon na mas lalong umuunlad ang technology, but I still love stuffs like this and retro stuffs even though I am born in late 2000s at ngayon bigla nalang nagplay ang
"Dreaming Of You" by Selena. Di ko alam pero parang sadyang tinamaan ako sa lyrics, nakatulala lang ako habang pinapakinggan ang kanta hanggang sa matapos ito.






I First Met Him In My DreamsWhere stories live. Discover now