Special Chapter # 2

Start from the beginning
                                    

"H-Hindi ah!"

"Please open this door."

Napakagat labi ako. Dali dali kong pinunasan yung luha ko kaso nagulantang ako pagkatingin ko sa salamin. Pulang pula yung pisngi ko, yung ilong ko, yung mata ko.

Ang pangit ko na!

"H-Ha? Later tumatae ako." Oh my god. Ano?

"Kahit na."

"Siraulo ka ba? Tumatae nga ako!" Nahihiya na ako, bwisit na bampirang 'to.

"Nicca," He sighed. "I know you're lying. Please open the door babe. Let me in."

"No way." Ngayon ko lang nakita kung gaano kasagwa ang hitsura ko. Jusme. Ano nalang sasabihin niya?

"Bakit?"

"Basta mamaya nalang! I need space." I cringe.

"If you won't open this door-"

"Ano? Sisirain mo? Subukan mo Luc Hamilton hinding hindi kita patatawarin." Panghahamon ko. Mas bumilis yung tibok ng dibdib ko dahil hindi 'yon malabong mangyari.

Sa awa ng Diyos, naghintay ako ng ilang minuto at wala namang sumira ng pinto. Mukhang umalis na siya kaya ibinalik ko yung tingin ko sa salamin.

"Babe."

"Anak ng!" Napalingon ako at nasa harap ko na nga si Luc habang may hawak na susi.

"An--"

"Hush." Pinaikot ikot niya yung susi sa daliri niya. "Hindi ko sinira yung pinto. No need to get angry babe."

Nagmukha akong timang sa kinatatayuan ko.

Nauna akong lumabas at sumunod naman siya sa likod ko. Hindi ako nagsalita at hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Humiga nalang ako sa kama at isinubsob ko yung mukha ko sa unan.

Naramdaman ko naman yung kamay niya sa bewang ko.

"I know there's something wrong and I am surely at fault. Sorry babe. Forgive me?" Nakadantay yung ulo niya sa balikat ko. Medyo nakikiliti ako dahil tumatama yung hininga niya sa leeg ko.

Gosh bakit nga ba ako naiinis sa kanya? Dahil lang sa..sa..

Oh god. Mas lalo kong lang ibinaon yung ulo ko sa unan. Wala akong pake kung hindi ako makahinga.

"What the hell? Are you trying to kill yourself?" May humila sa akin mula sa pagkakabaon ng ulo ko.

"What?" Naiirita kong sagot. Kill myself agad? Hindi ba pwedeng siya muna unahin ko?

"Halos hindi ka na makahinga diyan sa posisyon mo. What if maapektuhan din yung anak natin?"

I stop at napahawak sa walong buwan ko ng tiyan.

"Don't ever try to do that Nicca." Medyo galit pero nag aalala niyang sermon sa akin.

Kasalanan ko na naman ulit. Alam kong maliit lang 'yon na bagay pero paano nga kung maapektuhan yung baby namin? I'll be the worst mom ever.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now