XXX.

119K 5K 2K
                                    

Gemma

"Ano ba yan. May nangyari na naman ba kaya ganyan na naman yung muka ng mga costumers natin? Kita mo 'tong isang 'to. Pinaglalaruan lang yung kanin, nag order ka pa? Sayang lang din naman." Nilingon ko si Krisy na ngumunguya ng chippy sa tabi ko.

"Palagi bang may nangyayaring ganon dito?"

"Hindi naman palagi pero nagsimula lang ulit yan kagabi. Ewan ko ba." Bumalik na ulit kami si trabaho pero mukhang lahat yata kami ay walang gana. Mabilis na kumalat ang balita kaninang umaga at lahat ng residente dito sa probinsya ay nagdodobleng ingat na. Pero yung mga iba ay ayaw maniwala.

"Miss ganda!"

"Psst Gem. Kanina ka pa tinatawag ni kuya pogi. Tulala ka na naman."

"Ha?"

Napalingon ako sa entrance at nandoon nga yung lalakeng unggoy na nakashades pa at todo porma.

"May problema ka?"

"Oo." Tapos tinuro niya yung dibdib niya. "Ang lakas ng tibok eh. Ganda mo kasi."

"Ral!"

"Oy! Easy! Chill! Eto naman di mabiro. Lagi ka nalang seryoso. Ngiti naman diyan, ganito gayahin mo ako." Nilagay niya yung daliri niya sa magkabilang gilid ng labi niya at hinila pataas. "Ganyan."

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Ouch." Hinawakan na naman niya yung dibdib niya at umarte.

"Bahala ka nga diyan." Hinila niya agad yung braso ko. Medyo nagulat ako kaya agad kong hinila yung braso ko. Bakit ganito? Bumalik na naman yung pakiramdam na parang may nanonood sa bawat kilos ko?

"P-Pasensya hindi ko sinasadya."

"Ayos lang." Tumalikod ako at inasikaso yung ibang costumers habang siya ay umupo sa isa sa mga table at mabuti na lamang nandoon si Krisy para asikasuhin siya.

Nasa kusina ako nang kinikilig na lumapit sa akin si Krisy.

"Bes tinatawag ka ni Wil sa labas!"

"Wil?"

"Este William."

"William?"

"Ano ka ba? Si kuya pogi! Enebe bilis!"

"Teka nga lang. Bakit daw?"

"Gustong humingi ng sorry kaya bilis, labas na. Pabebe nito."

Wala akong nagawa kaya nilapitan ko si unggoy na nakangiti habang nakalapag na dalawang plato na nakalapag sa kanyang table at kubyertos.

"Bakit?"

Hindi niya ako sinagot. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at hinila yung isang upuan at tumingin sa akin.

"Please take a sit."

"Anong trip mo?"

"Halika na! Eto naman, sige ka gagawa ako ng sce--"

"Eto na nga diba? Huwag na huwag ka lang gagawa ng kalokohan dito." Napangisi siya saka umupo na rin at nagsimula siyang maglagay ng kanin sa plato na nakalagay sa harapan ko.

"Ano 'to?"

"Kanin?"

"Isa."

"Dalawa?"

Tumayo ako at hinila niya naman agad ako paupo.

"Joke lang! Oh ayan peace offering ko yan sa'yo. Tignan mo nga oh binigay ko pa yung chicken legs para sayo kahit na yan yung pinakapaborito kong parte ng manok." Nakapout pa siya na parang bata. Hindi pa rin ako makapaniwala na itong isip bata na 'to ay isang babaero. How come?

Married to UnknownWhere stories live. Discover now