XXXII.

115K 4.8K 864
                                    

2nd update after the disaster. Still I updated 2 in a row for today. You've got to love me for the things I do for you guys tehee. Proceed reading.

Gemma

"Oh my god! The fuuuuuuuuuuck? How dare you spill my drinks on this dress? Do you know how much does this costs? Huh?! I ordered this freaking dress from Paris at ganito lang ang gagawin mo? Ha?!"

"Sorry ma'am." Dali dali kong kinuha yung tissue at akmang ipupunas ko 'to sa dress niya nang sipatin niya ang kamay ko.

"Ugh. Don't touch me!" Paulit ulit akong humingi ng tawad. Tulala na naman kasi ako kanina at hindi ko napansin na nasaisagi yung kamay ko at tumilapon yung drinks sa damit ng mestisang kaharap ko.

"I said get your filthy hands off me! Wala ka bang tenga o sadyang hindi ka lang makaintindi ng english?!"

"Hindi ko po talaga sinasadya."

"Talaga lang!" Inirapan niya ako at napansin niya yung isang drink na nakalapag sa tabi niya at walang sabi sabi niya itong hinablot at itinapon ang laman nito sa mukha ko. Napasinghap ako sa ginawa niya.

"Ayan, nababagay yan sa'yo!" Hindi pa siya nakuntento at minura ako ng malutong bago umalis.

Napatingin ako sa paligid at mukhang nakahakot kami ng ibang atensyon dahil sa ginawa niya. Ibinaba ko na lamang yung ulo ko saka dali-daling pumunta sa wash room. Naghilamos ako at kinuha ko yung spare clothes ko sa locker room. Sanay na ako sa mga ganitong eksena kaya hindi na bago sa akin 'to.

Lumabas na ako sa wash room at bumalik sa trabaho na parang walang nangyari.

"Uy girl." Sita sa akin ni Myra. Katarabaho ko dito sa club.

"Anong nangyari dun sa mestisang chararat na 'yon at nag ala bismod kanina?" Nagkibit balikat ako. Sa totoo lang konti yung naibuhos sa damit niya kaya hindi ko alam kung bakit ganon na lamang kalaki yung galit niya sa akin. Oh well, rich kids.

"Over ha? Ay teka nga pala, ayokong makiusisa pero pansin ko lang kanina ka pa nakatulala diyan. May problema ka ba?"

Ganun ba ako kahalata?

"Wala. Ayos lang ako." Patuloy ako sa paghalo ng mga drinks at binigyan ko siya ng isang ngiting pilit.

"Okay? Sabi mo eh." Bumalik na siya sa working place niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa ginagawa kong drinks. Ewan, feel kong mag experiment ngayon ng bagong specialty. Inihahalo ko lang lahat ng gusto kong ihalo hanggang sa muntik na akong mapatalon sa gulat nang may magsalita sa harapan ko.

"Can I try that shot Ms..." Tinignan niya saglit yung name tag ko. "...Gemma?"

Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa lalaking nasa harapan ko.

I was slightly take aback. His blue eyes reminded me of him. Napatingin ako sa kabuuan nh mukha niya at hindi ko maitatangging gwapo siya. His eyes are dark blue complimenting the shirt he is wearing. His nose were sharp pointed along with his well defined cheek bones and sharp jaw. And his lips, talaga bang mapula ito? Talo niya pa ang babaeng naka lipstick pero natural yung sa kanya. Siguro napakaraming babae ang nahulog at naghahabol sa lalaking ito. Boys like him are charming enought to captivate a woman's heart. Too much that I'm starting to think it's creepy. Ewan ko ba pero kakaiba ang pakiramdam ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Um. This shot is not intended for sale sir. I could make you another shot if you would want."

"I saw you mixing those stuff earlier." Pinapanood niya ako? "It looks so interesting..." He look at me straight in the eye. I started to shiver. "...maybe a sip won't hurt?" I didn't miss the micheivous smile on his lips na mabilis niyang itinago. Is it me? Or parang may double meaning yung sinabi niya?

Married to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon