XXV.

140K 5.3K 2K
                                    

Gemma

Pair of crimson red eyes are staring back at me. Muntik ko nang makalimutan na hindi pala isang ordinaryong nilalang 'tong kaharap ko. Nagsimula akong umatras pero umabante rin siya.

"Luc..."

Hindi ko alam kung anong nangyari. After our dinner date, umuwi kami at nagpahinga na pero nauhaw ako kanina kaya bumaba muna ako dito sa kusina pero ito ang naabutan ko. He seems so lost at may mga nagkalat pang basag na baso sa sahig.

Gusto kong matakot dahil parang wala siya sa sarili niya ngayon. Gusto kong tumakbo. Gusto kong lumayo. At gusto kong umalis pero hindi ko kaya. Huminto ako sa kakaatras at kinalma muna ang sarili ko.

"Luc?" Nilapitan ko siya habang nakatitig ako sa mapupula niyang mata.

Bigla niyang hinawakan ang braso ko at napangiwi ako sa sobrang higpit.

"Anong nangyayari sa'yo?" I hold his cheek at iniharap ko siya sa akin. Nagtataka lang ako kung bakit siya biglang nagkaganito.

He closed his eyes at pagbukas niya, bumalik na ulit ito sa normal. Napatingin siya sa akin lalo na sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko at agad niya itong binitawan.

"Fuck! Did I hurt you?" His face was full of horror, searching for any bruise on my body. Mabilis akong umiling. "H-Hindi...You were lost. What happened?"

"Thank goodness." Hinila niya ako sa bewang at niyakap. Mas lalo akong nagtaka pero hinayaan ko na lang siya. I run my hands through his hair and whispered something to make him calm. "Hush. I'm here." I said over and over again. I felt him kissing my hair at medyo lumuwag na yung yakap niya sa akin. He's relaxed now, hindi gaya kanina na sobrang tensed yung katawan niya.

"Is there something bothering you?" Tanong ko.

"It was just a nightmare." Tinignan ko siya sa mukha. Hindi na ako nagtanong pa at hinila ko na siya pataas sa kwarto. He didn't let go of me hanggang sa makapasok kami. "You just need some rest, baka stress lang yan."

"Okay."

"Luc!" Hinila niya ako pahiga sa kama at idinantay niya ang ulo niya sa dibdib ko habang nakayakap sa bewang ko. "Luc?"

"Ssh. Goodnight baby." His voice sounded so husky and tired. Wala pang limang minuto, naramdaman ko na ang pagsteady ng hininga niya. It means nakatulog na siya, well I thought vampires don't sleep?

Silly, don't live up with the stereotypes Gemma.

Nilaro laro ko yung buhok niya na medyo humahaba na. Naglaro yung daliri ko papunta sa ilong hanggang sa baba niya. He looks like an angel while sleeping.

Maybe that was a very bad dream he had para mawala siya sa sarili niya ng ganon. Bigla akong napatingin sa labi niya at dahan dahan kong itinapat doon yung daliri ko. Gosh para kong pinagnanasahan ang tulog but who wouldn't? Sino ang hindi magnanasa kay Luc? The thought of other girls gawking at him stir something in me. I don't like it.

Hinalikan ko siya sa noo at idinantay ko ang baba ko sa ulo niya. "Goodnight, Luc."

****

I stretched my arms at kinuha ko yung unan dahil nasisilaw yung mata ko sa sinag ng araw. Ugh! Kinapa kapa ko yung space sa tabi ko at doon ko lang binuksan yung mata ko. He's not here. As if on cue, may naamoy akong mabango sa labas. Something na iniihaw? Umalis ako sa kama at pumunta sa balcony at halos mapamura ako sa nakikita ko.

Nasa sea side si Luc na nagiihaw habang wala siyang saplot sa pang-itaas. Only his joggers. Gulo gulo pa yung buhok niya habang tinatangay ng hangin. I felt my throat dry. Para bang nanonood ako ng live commercial mula dito sa kinatatayuan ko. Pero agad ding napawi yung ngiti ko nang may lumapit na babae sakanya. What in the world--

Married to UnknownOnde histórias criam vida. Descubra agora