1st Page

2K 88 10
                                    

Dear Diary,

Ampota, ba't ko ba ginagawa 'to. Parang tanga. Tangina. Sayang 'tong notebook na binili ko kaya itutuloy ko na talaga. May nakita akong babae kaninang umaga. Transferee. Grade 11 siya. Grade 12 ako. Ang ganda niya, diary. Di siya payat, di din siya mataba. Sakto lang. Nakaglasses siya. May bangs. Di kahabaan ang buhok. Di din bagsak. Lagi siyang nakangiti sa nga kaibigan niya. Buong hapon ko siyang nakita. Mapa-library man, sa canteen, sa grounds o sa basketball court. At eto pa, doon sa apartment ko din siya nakatira, diary!

Diary, anlakas ng tibok ng puso ko. Parang bobo pakinggan pero crush ko 'yung babaeng 'yun.

Nahuhulog,
Poging Elcid

Diary Ng PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon