11:11

92 0 0
                                    

It's my first story to be ever written. Sana magustuhan niyo :)

______________________________________________________________

Naniniwala ka ba sa wishing star?

Na pag nakakita ka raw nun sa kalangitan, pumikit ka, mag-wish, at matutupad?

Ilang wishes na kaya ang natupad ng mga wishing stars?

Ilang tao na kaya ang nakakita at nag-try?

Ilang tao na kaya ang naloko at umasang matutupad ang wish nila?

Eh alam mo ba yung 11:11?

Kada makikita mo ba ang 11:11 sa orasan eh, nag-wiwish ka?

Uto-uto ka rin ba kagaya ni Ashlee? Hopeless romantic?

Matupad kaya ang hiling niyang mahalin nang buong puso?

O buong buhay siyang aasa at mabibigo?

______________________________________________________________

ASHLEE's POV

*beep... beep... beep... beep...* -sabi ng digital alarm clock

Kinapa ko ang side table ko kung saan nakalagay ang alarm clock at ang salamin ko. Sinuot ko agad yung salamin para makita ko yung oras. Kaso hindi pa ako makadilat nang maayos dala ng puyat sa pag-abang ng oras kaya yung kanang mata ko na lang muna ang minulat ko.

"5 o'clock pa lang naman.. 10 minutes pa.." sabay snooze ng alarm at tinanggal ko salamin ko.

*beep... beep... beep... beep...*

Napakunot noo ako. "Hala? Kakapikit ko lang ah?"

Bumangon ako't sinuot ang salamin ko saka pinatay ang nagwawalang alarm clock. Pagkasarado ng pinto ng kwarto...

"ASHLEE!! Timpla mo ako ng kape!!" utos ng Lola ko mula sa 2nd floor ng bahay.

"OPO!!" pasigaw kong sagot, sabay kamot ng ulo.

Dumiretso na ako sa kusina para mag-init ng tubig. Grabe, antok na antok pa ako. Bumabagsak pa mata ko. Ewan ko ba.. Pero nakasanayan ko na naman ang mag-stay up to 11:11pm to wish for something i really believe in. Parang dasal bago matulog. Ilang months ko na tong ginagawa..6? 7 months? Simula nang umuso sa school yung 11:11 na yun.

Ako nga pala si Ashlee Manalo. 2nd year high school student sa Sta. Clara High School. I admit, i'm nerdy. I look nerdy. Meron akong braces, at medyo makapal ang salamin ko dahil may astigmatism ako. Nasa section 1 ako at nasa honor roll. I have my one and only BSF (best sister forever) na si Rowie. Siya ang tinuturing kong kapatid. Only child lang kasi ako. My mom works abroad kaya si Lola ang nag-aalaga sa akin. Boring ang buhay ko kaya sa pag-aaral at pangangarap ko na lang binubuhos lahat.

*hoooooooooot* -tunog ng takore

Binuhos ko na ang sachet ng 3-in-1 coffee sa cup, naglagay ng mainit na tubig, at saka hinalo. Umakyat agad ako ng hagdan at inilapag ang mainit na tasa sa kahoy na lamesa.

"Eto na po," sabay baba ko ng hagdan.

Diretso ligo na ako. Di uso almusal kasi walang magluluto kaya binabaunan na lang ako ng pera. Nasanay na rin naman akong hindi nag-aalmusal kaya okay lang.

Pagkabihis ko ng uniform na pagka-init init dahil sa kapal ng tela ng blouse at skirt ay pinagpawisan agad ako. Buti na lang at dumating na yung service ko na kahit papaano, may aircon yung service ko -- bukas na bintana. Lagi akong sa tabi ni Mang Dino sumasakay para makaiwas sa mga mapanglait na tingin ng mga ka-service ko.

6am ako sinusundo. First trip eh. 7:30 pasok namin sa school. Araw-araw ganito ang routine. Gising-snooze-gising-sigaw ni Lola-timpla ng kape-ihatid sa taas-maligo-magbihis-sumakay ng service-pumasok ng school-makasama si BSF-magaral ng mabuti-magrecite-magwish pag 11:11am na. Kaya nakakasawa na rin. Ang boring ng buhay. Kaya sa wish na lang talaga ako umaasang magiging masaya. Isa lang naman ang hiling ko eh. Ang may lalaking dumating sa aking buhay na mamahalin ako nang buong puso.

"Charot! Ang drama mo na naman teh kay aga-aga! Ilang buwan ka nang nag-wiwish di naman natutupad!" sabi ni Rowie, sabay bukas ng malaki niyang pamaypay.

"Eh bakit ba? Ngayon pa ba ako titigil eh nagawa ko na nga nang matagal? Tsaka naniniwala kasi ako na darating din siya malapit na! Tiwala lang! Good things come to those who wait!" pandidiin ko sa kanya.

"Good things come to those who wait.. Eh anim na buwan ka na yatang nag-wewait at nag-wiwish asan na ang good things mo?!" sigaw ni Rowie. Ang tinis talaga ng boses nito. "Kaya ka inaasar ng mga classmates natin eh, napaka-hopeless romantic mo!"

"Hay nako, kainin mo na lang nga yang lunch mo!" sumimangot ako, nagpout, saka sumandal sa pader.

"Alam mo kashi Ashlee.." sabay lunok, "ang nerdy mo kasi!"

"Alam mo ba yung don't talk when your mouth is full?" tinakpan ko yung bibig niya, "alam ko naman yun matagal na."

Tinanggal niya yung pagkakatakip ko sa bibig niya, "yun naman pala eh! Eh bakit di mo i-try na mag-ayos ayos naman kahit kaunti? Lagi kang nakalugay tapos full bangs ka pa eh ang init init! Change hairstyle! Grade school pa yan ah?" sumubo siya ng isang kutsarang kanin na puro sarsa ng caldereta.

Nilapag ko yung kutsara't tinidor ko sabay harap kay Rowie, "are you calling me ugly? Huh, miss Rolinne WILFREIDA Garcia?!" diniinan ko talaga yung Wilfreida.

Bigla niyang tinakpan bibig ko, "wag mong sabihin yung second name ko!! Nakakainis ka!!"

Nagcross arms siya at nagpout. Ayaw na ayaw niya kasing naririnig yung Wilfreida. Obviously, galing yun sa tatay niya. And she hates her dad for that.

"Hahahahaha!! Oo na.. Sorry! So.. sabihin mo yung totoo.." iniharap ko siya sakin, "panget ba ako?"

"OO! Panget ka kasi tinawag mo akong... sa second name ko!!"

"Hahahahahaha!! Asar na asar siya eh!"

"Alam mo namang ayaw na ayaw kong naririnig yun eh! Anyway, di kita sinasabihang panget! Maganda ka naman eh.. Mana ka sakin eh. Isa lang talaga problema mo na kailangan mong ayusin..."

"Talaga?! Ano?"

"Yung buhok, salamin, braces, and being hopeless romantic COMBINED."

"Grabe ka naman!! Di ba nga sabi ko sayo malapit nang tanggalin tong braces ko? Ilang months na lang daw.. Tsaka nacocorrect na yung astigmatism ko unti-unti.."

"Wala ka kasing time mag-ayos sa sarili kaya di ka tuloy nagugustuhan.."

"At nawiweirduhan silang lahat sakin dahil sa pagtingin ko sa orasan." 

"Tamaaaa!"

"OMG OMG OMG, itago mo ako.. Sila Nick dumadaan!!"

"Asan?!? Asan!!"

"Hi Rowie..." sabi ni James in a pa-cute manner. Teammate ni Nick sa basketball. Sabay isang malakas na HAHAHAHAHAHA galing sa buong tropa nila.

"Oh, bakit nagtatago pa si Miss 11:11?! Hahahahahaha!!" sabi ni Art na may kasama pang hampas sa mga kaibigan niya.

"Gagi, tara na nga!" sabi ni Nick.

Haaayy.. Napatulala lang ako habang tinitignan ko siya palayo kasama ang mga kaibigan niya.. Ang cute talaga niya! Lalo na pag nakangiti.. Minsan lang ngumiti yun eh.. Crush ko siya matagal na.. Pero walang nakakaalam bukod kay Rowie. Siya yung tipo ng dream guy ko.. kaso mukhang malabong mahalin niya ako. Sino nga bang magkakagusto sakin? Buti pa si Rowie napapansin nila.. Ako.. Hi or hello wala. Geek. Nerdy. Weirdo. I'll be forever alone in.. wait, kaya nga ako nagwiwish diba? Kaya mo yan Ash! Maniwala ka lang!

11:11Where stories live. Discover now