"Miss, magkano ang relo na to?" tanong ko.
"7300 po ma'am. Pero, sinisiguro ko po na sulit yung bayad niyo diyan. Tsaka konti lang po talaga ang nagtitinda ng ganyang relo kaya bilhin niyo na ma'am. Siguradong matutuwa ang boyfriend niyo diyan."
ANG MAHAL NAMAN!
5000 lang ang nakurakot ko kina Kayla.
Pero gusto ko talaga siyang bilhin.
Alam ko kasi na babagay siya kay Andrei.
Tsaka ang galing magsalestalk nung babae e, magugustuhan daw kasi ng "BOYFRIEND" ko.
Gusto ko sanang sabihin na hindi boyfriend kundi ASAWA ang pagbibigyan ko.
NO CHOICE!
Kelangan kong bawasan yung ipon ko.
AISH!
"Sige Miss, I'll take this one." sabi ko.
**********************************************************
Kahit medyo mahal at nabutas yung bulsa ko, ngiting ngiti ako nung lumabas ako sa tindahan nung relo.
Excited na kong ibigay yung regalo kay Andrei.
Nakakahiya na rin kasi na lagi na lang siya ang nagbibigay.
Habang bitbit yung paperbag na pinaglgayan nung binili, nags-sway sway pa yung kamay ko habang naglalakad papuntang exit ng mall.
Uuwi na sana ako kaya lang nakaramdam ako ng gutom.
Sakto! Nagcracrave pa naman din ako sa fries. MCDO!
أنت تقرأ
You are My Home (PUBLISHED under LIB)
عاطفيةI was 16 back then when I married you. You were 18. Kahit bata ka pa lang, successful ka na agad. Ikaw na agad ang nagpapatakbo ng kompanya niyo. Samantalang ako, sakit sa ulo ng mga magulang ko. Kaya nga siguro ako ipinakasal sayo par...
chapter 14
ابدأ من البداية