chapter 9

307K 2.3K 128
                                    

Chapter 9

SYDNEY'S POV

Maaga akong pumasok kasi maaga din akong nagising kanina.

Hindi din naman ako nakatulog ng maayos kasi sa tuwing makakaidlip ako, magigising din naman agad ako. Hindi ko kasi maiwasang isipin yung Michell Santos na yun.

Hindi na rin kami nagkita ni Andrei kanina. Tulog pa kasi siya nung umalis ako. Bahala siyang malate sa office. Napagod siguro siya sa dinner nila nung Michell na yun.

PSH!

Hindi ako bitter ha.

Wala naman akong pakialam kay Andrei at Michell na yun. MAGSAMA SILA FOR ALL I CARE!!!!!

Naputol ang mga iniisip ko ng biglang umupo sa tabi ko ang dalawang bruha.

Nakakatawa yung mga hitsura nila. Halatang may hang-over pa.

Itinungo agad nila ang mga ulo nila sa desk. Matutulog siguro.

"Bakit pumasok pa kayo?" tanong ko sa kanila.

"Siyempre hindi ka namin pwedeng iwan na mag-isang nagdurusa sa pag-aaral." sabi ni Kayla

"Sus. Hindi ka naman nag-aaral Kayla." sabat ni Tricia.

"Ang yabang mo Tricia ha." sabi ni Kayla

"Totoo naman. Hindi ka naman nag-aaral. Pumapasok ka lang. Minsan nga hindi ka pa pumapasok." sabi ni Tricia.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Where stories live. Discover now