CHAPTER 6 - SUDDEN CONFESSIONS

Start from the beginning
                                    

Nakapikit lang ako habang buhat niya ako. Pinihit na nila ang pinto. Ang maingay na bibig nila ay tumahimik ng makita kami.

Agad naman silang nagbow sa aming lahat. King and Queen eh.

Ibinaba ako ni kuya. Naglakad ako sa pwesto nila Lhander. Umupo na ako sa katabing upuan niya.

"Bakit buhat ka ni Yron?" Bulong sa akin ni Lhander. Napapout na lang ako. Tinatamad talaga ako eh.

"Tinatamad akong magkwento." Saad ko at umubob sa desk ko.

"Anong nangyari?" Rinig kong bulong nila sa likuran.

"Tinatamad siya eh." Simpleng saad ni Kuya. Tinatamad talaga ako ngayong araw.

Pumasok na ang prof at hindi na ako nag-abalang tignan at bumati. Subukan niya lang guluhin ako. Makakatikim siya sa akin.

*ring*

Nagbell na. Nakaub ob pa rin ako rito. May tumapik tapik sa akin.

"Hoy Ella. Tayo na diyan." Hindi ko siya pinansin. Tinatamad talaga ako eh.

"Ako na." Rinig kong saad ni Lhander. Naramdaman ko ang pag-angat ko. Nag-angat ako ng tingin. Binuhat niya ako pabridal style. Ang puso ko. Bakit ganito? May sakit ba ako sa puso?! Omg. Ayoko pang mamatay.

"Pfft."

"Anong tinatawa tawa mo diyan Apoy?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala." Saad niya. Nakarating na kami sa Cafeteria. Ibinaba na niya ako. Umub-ob naman ako sa lamesa. Hays. Bakit ba ako tinatamad ng ganito?

"Kain ka na." Saad ng nasa tabi ko. Sino pa ba? Edi si Apoy.

"Tinatamad akong kumain." Bored na saad ko at nag-ayos ng upo.

"Hays. Kambal naman. Bakit ba ang tamad mo?" Napapout na lang ako sa sinabi niya.

"Wala ka ng magagawa doon Mavi." Mavi ang tawag ko kay Yron kapag nakatrip ako.

May humawak naman sa mga kutsara at tinidor na nasa tray ko. Si Lhander na naman. Sinubuan niya ako. Syempre kakainin ko no. Tinatamad kasi ako.

"Alam ko na hindi ka tao Kris." Saad ni Irene in a serious tone. Nagising bigla ang katawan ko at himalang hindi na ako tinamad. Baka malaman nila na may magic kami.

"B-bakit?" Nauutal na saad ni Kris.

'Kris huwag kang papahalata.' Saad ko sa kaniya through telepath.

"Kasi Bagay ka, bagay tayo." Saad ni Irene. Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Shit.

"Humihirit ka na naman Irene." Saad ni Azul sa kaniya.

"Crush kita Kris." Saad ni Irene. Nagulat naman si Kris sa pag-amin ni Irene.

"Why so straight forward Irene?" Saad ni Xandra pero hindi niya rin pinansin.

"Crush mo ba ako?" Tanong niya kay Kris. Tumingin naman sa akin si Kris with matching 'tulungan mo ako' look.

"Apoy gusto kita." Saad ko na nagpabigla sa kanilang lahat. Nabulunan si Yron ganoon na rin sina Isha at ang iba pa. Nakita ko ang nagsmile si Kris sa akin.

'Thank you bestfriend!'

'May bayad 'to Kris. Huwag kang magsaya diyan. '

Success naman na natulungan ko si Kris, napunta na ang atensyon nila sa amin pero napaamin ako ng wala sa oras. Nyeta.

May gusto talaga ako kay Lhander. Love at first sight ata ang tawag dito. Ang gaan ng feeling kapag siya. Parang matagal ko na siyang kilala. Pero natatakot na ako ngayon. Napaamin ako ng wala sa oras. Baka sabihin niya na hindi niya ako gusto. Hays. Malamang hindi ka niya gusto! Kakakilala niyo pa lang eh.

"Mahal kita Hiyas." Nagulat ako sa sinagot niya and the next hing I know hinahalikan na niya ako. Nagulat ako. Hindi ko inaasahan ang sagot niya.

Hindi ko alam kung seryoso siya pero ang sinasabi ng puso ko ay oo. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na humahalik pabalik sa kaniya.

'Omo!'

'Ang leader ng Colorful Death at ang Queen!'

'Ang sweet!'

"Shit! SPG!" saad ng mga kaibigan ko at kunwaring nagtakip ng mata.

"THE TWO OF YOU GET A ROOM!" Saad naman ng nga kaibigan niya at kunwaring nadidiri.

Napahiwalay ako dahil sa mga bulung bulungan at dahil sa sinabi ng mga kaibigan namin.

Ang saya ko ngayon. Ang saya ng puso ko. Pero hindi pala kami pwede. Tao siya. May kapangyarihan ako. Inshort hindi ako normal.

"Isha tayo na next." Ngiting asong saad ni Kyle kay Isha. Inirapan lang siya ni Isha at napapout naman si Kyle.

"Ikaw ba Liana?" Tanong naman ni Kuya Jake kay Liana.

"Anong ako?" Napaface palm na lang kami. Why so slow?

"Kambal baka naman gusto mo ng umamin kay Kirra?" Ngiting asong tanong ko kay Yron.

"H-Huh? W-Wala naman." Tss.. nahiya pa si Kambal eh.

"Zion at Azul. Nananahimik kayo diyan?" Gatong ni Irene sa dalawa. Napayuko na lang ang dalawa sa hiya. Bakit hindi pa kasi magaminan. Alam ko na may Sandy na si Zion pero alam ko rin na pareho nilang hindi na mahal ang isa't-isa  parang kaibigan na lang ang turing nila sa dalawa.

Hays. Nagkaaminan na.

dreamhope_s

MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)Where stories live. Discover now