Falling For You

2K 73 35
                                    

Maligayang pagbabalik sakin . Magdiwang hahahha alam ko na tuwang tuwa kayo na nagupdate ako . Maraming salamat sa mga taong patuloy na nagbabasa nang kwento ay pasensya na talaga kung di ako nakapagud nang nakaraan.

PAKIBASA YUNG A.N. SA DULO.

SHANEN POV.

Hindi madali ang mag-aral at may anak na inaalagaan nang sabay. Buti na lang talaga may katuwang kami sa pag aalaga si nanay azon, pilipina sya at matagal nang taga alaga ni david .

Sa wakas ay nakapagtapos na rin ako mahirap pero kinaya ko.

Speaking of david napakabait nya at thankfull ako sa kanya. Dalawang taon na rin ang nakalipas mula nang mamatay si maggie alam kung alam na rin nang mga kaibigan namin sa pinas , na wala na nga si maggie at asawa nito . Wala pa rin silang balita sakin kung asan ako at kung ano nang nangyayari sakin . Natawag ako sa pamilya para kamustahin sila at pag nagtatanong sila about sakin ay tipid ang sagot ko .

"nanay yuy specing out " turan sakin nang anak ko .

"really baby?" nakingiti kong tanong dito .

"yup nanay . we need to be fast kasye daddy is weting na po " sagot nya sakin na paramg excited .

Kaya binilisan ko na lang ang pagbibighis sa kanya . Ako kasi ang nagpaligo sa kanya dahil yung ang gusto nya . Pinagbigyan ko na lang dahil especial na araw nya ngayon.

"ayan baby pulbo na lang at tapos ka na " at pinilbuhan ko na sya .

"ayan manbango na ang baby ko . Paamoy nga sa kili-kili. " itanaas nya naman ang kili kili nya at inamoy ko to , hagikgik na parang nakikiliti ang maririnig mo sa kanya.

"oh ineng mag-ayos ka na at mukhang nagaayos na rin si david nang sarili nya. " SabI sakin ni nanay azon sabay kuha kay leandro.

Pumunta na nga ako sa kuwarto para magayos . Ilalabas kami ngayon ni david dahil birthday nga nang bata.

Parang kailan lang ayaw pa bumitaw sakin nang anak ko pero ngayon ay tatlong taon na sya . Ambilis nang panahon .

Pinili ko na lang mag suot nang Spaghetti sando na kulay black na pinatungan ko nang checkered blue na polo at maong pants at isang pares nang simpling 3 inch  navy blue lace hills. Nilugay ko na lang ang hanggang gitna na nang likod kung buhok. l

Lumabas na ko nang kuwarto at nakita kong masayang naghaharutan si david at leandro kung titignan mo ay para silang tunay na mag-ama sa ayos nila.

Napatingin sila sakin at parehas na ngumiti.

"Lets go ? " nakangiting tanong sakin ni David.

Lumapit ako sa kanila.
"yeah" Pagtugon ko sa tanong nya.

"Then lets go "turan muli ni david.

Nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko. Tinignan ko ang nakahawak nyang kamay sakin . Dahil dun napahinto kami sa paglabas nang bahay . Tinignan ko sya.

Mababakas mo sa mata nya ang kaba ngunit may saya dito. Ngumiti sya sakin.

Ngumiti din ako Pero inalis ko ang pagkakahawak nya sa mga kamay ko.

Tumingin mulI ako sa kanya kung kanina ay saya ang makikita sa mata nya, ngayon ay lungkot pero nakangiti sya pinapakita nyang ayos lang

"sorry " nakayuko kong sabi.

"dont be" kinabig nya ko at hinalikan sa ulo.

Hindi sa nagaasume ako . Pero ang paghawak nya sa kamay ko at pag halik palagi sa ulo ko ay may nais na ipahiwatig. Ayoko man bigyang malisya o kung ano paman  ang ginagawa nya .Pero alam kung may kakaiba dun . At natatakot ako sa maaring mangyari dahil hanggang ngayon may bakas  parin nang takot ang nangyari sa amin ni brix at di ko alam kung handa na ba ako pumasok sa isang relasyon. Natatakot ako na baka maulit muli ang sakit. Diko alam kung ano ang mang yayari dahil alam ko na may puwang parin sa puso ko si brix .

Can LOVE ForgetOn viuen les histories. Descobreix ara