Bonding

3.8K 97 2
                                    

Hi guys ito na po yung next chapter ,hope you like it .

Shanen point of view

Naging mahaba at masaya ang lumipas na dalawang buwan ngayong sem nasa kalagitnaan na kami ng sem . Naging maayos naman kaming magtotropa ,ayun lumaki na ang tropahan namin dahil kabilang na nga samin ang basketball team ,masaya kaming lahat. Si brix at mark lagi pa ring nagbabangayan pag nasa tabi ko sila pero alam kong magkaibigan na talaga sila, tumataas lang ang tensyon pag dumikit ang isa sakin . Ngayon kasama ko si kuya pupunta kami sa MOA dahil usapan ng buong tropa na mag gagala kami ngayon at manunuod ng sine,well about kuya ang janine grabe nasa ligawan factor na sila,at lagi nang nasa bahay si janine at rence ,minsan si kuya ang laging nasa bahay nila janine, di mo mapaghiwalay yung dalawa.

"Lagot talaga ako nito kay janine eh ,ang tagal mo magayos " sermon sakin no kuya

" sira ka ba ngayon na lang ulit ako nakapagayos kaya matagal tsaka blinockmail ako ng janine mo na pag di ako nagayos ililibre gagawin ko assignment nila "sagot ko

"Ganun ba si babe talaga siraulo kaya mahal na mahal ko yun eh "

"Ew ang corny mo ha "

"Ang arte mo ,cge gusto mo tawagin ulit kitang baby" sabi ni kuya

" sige nga try mo ,takot mo lang kay janine"

Kinausap ko kasi si janine na wag na kong ipatawag ng baby kay kuya ,dahil nga nakakilang ang laki ko ,pumayag naman at sya daw bahala,kaya simula nyun di nya na ko natatawag nang baby ,oo nga pala boto sa kanya si mama ,napakagandang lahi daw excited na daw sya magkaapo.
Speaking of mama napromote na sya sa hotel na pinagtatrabahuhan nya ,Gen. Manager na sya taray diba . kaya yung ,maliit na dress boutique namin na pinapatinda sa bestfriend ni mama nakasyosyo nya din ay malaki na hahahha.

" uy ayun na  si janine at rence kuya oh san na yung mga tropa mo ?"

"Nasa arcade daw sila naghihitay ,puntahan na lang natin" sagot nya sakin at bumaba na nga ako. Nang sasakyan .

Pagkakita sakin nung dalawa eh tuwang tuwa .Habang hinihintay namin si kuya mag park nang sasakyan.

"Wahhhh namiss ko yang ganyang look mo" sabi ni rence

"Minsan nakakainsecure ka na ha yung tipong bakit ganyan ka mas maganda ka pa sakin" turan ni janine.

"Tigna nyo oh yung lalake mukang tanga nakatingin sayo " sabay senyas ni rence sa kaliwa ko .

Hahaha yung guy sinisipat kung babae ba ko oh hindi hahaha ,may nakita din akong mga lalaking makatitig sakin ay para akong huhubaran .

Well Im wearing an Off shoulder top na longsleeve yung uso ngayon plain na nude color ,  atbwhite short na hapit sakin pinartneran ko ng brown na belt at isang Nude color na flat sandals na mahaba ang strap laces hanggang gitna ng binti ko alam nyo yung parang greek sandals parang sa spartan ganun. Basta overall parang english Indian yung peg ko na may pagka modern .

"Oh ayan na si kuya tara na "

Naglakad na nga kami papasok ng mall well syempre yung iba napapatingin samin mga artistahin ba naman kasama mo , plus ako pa . Hahhahahaha chossss

Malapit na kami sa arcade nang pinauna ko sila kuya dahil may nakita akong magandang kwentas ,tela lang sya at maganda yung design butterfly yung palawit,sa isip ko mamaya ko na lang bibilhin.

Brix point of view

Nasa harap kami ng arcade hinihintay namin sila captain pati si shanen namiss ko ang honey ko .Well totoo nyan alam kong may feelings na ko kay shanen pero ayoko lang palalain dahil sa girlfriend ko ok na ko sa ganto yung umaakto kaming super close na mapagkakamalan mong kami ,kaso may asungot si mark ,ewan ko ba kay shanen  ,kitang kita naman nang lahat na may gusto sa kanya si mark ,sya lang di nakakapansin well mahina si mark duwag ata eh . Buti na lang .

Can LOVE ForgetWhere stories live. Discover now