Can Love Forget ?

1.7K 49 35
                                    

A/N: Sorry for the late UD guys, Anyways malapit na sya matapos kaya Itatry ko na syang habaan .
Last 4 chapters na lang guys befor the finale uy di to kasama sa last Four chapter ha.
Nakakatuwa at nakakalungkot na matatapos na sya.

At oo nga pala HAPPY 54.3K READS guys thankyou thankyou po sa inyo.

BRIX POV

May pilit na gumigising sakin. Nararamdaman ko na naiyak sya , at nagmakakaawa , hindi ko alam kung sino sya pero gustong gusto kong gawin ang pinapakiusap nya.

Mister ko , Happy Birthday , andito silang lahat oh . Gumising ka na please, miss ka na nila.

Yan yung mga salitang binitawan nya kaso bakit biglang nawala . Nasan na sya , bumalik ka !!! puro kadiliman lang ang nakikita ko .

Kaya pinipilit kong lumaban , kailangan kong makita ang pinaggagalingan nang boses na yun . Kailangan kong malaman ,para sakin ay parang napakahalaga na sundin ko yung sinasabi nya.

May unti unti akong liwanag na natatanaw . sinusundan ko ito at pilit na hinahabol.  Malapit na ko sa liwanag may babaeng nakatayo dito . Napatigil ako para alamin kung sino ang babae pero hindi sya lumilingon sakin , hanggang sa pumasok sya sa loob . Kailangan ko syang sundan.

Nagising ako sa maliwanag at nakakasilaw na liwanag.

Para akong pagod na pagod at uhaw na uhaw.

Nakarinig ako nang mga pagsinghap at pagsigaw sa paligid ko .

Di ko alam pero pinilit kung umupo sa kamang kinalalagyan ko . Mukha akong nasa isang kuwarto nang
pero may mga dekorasyon. May mga lobo pa at pagakain ,merong din tarpaulin na may nakalagay na .Happy Birthday .

Nakita ko rin ang ibang mga kaibigan ko dito at kasama sa team . Pero may mga mukha din akong hindi kilala. Sino naman tong mga to .

Maya maya lang ay bumukas ang pinto . At may lumabas na babae.

Lumapit sakin sila mama at papa habang naiyak , niyakap nila ako nang mahigpit , at may binubulong silang salamat sa diyos .

Umalis sila sa harapan ko at tumingin sa babae .

Can LOVE ForgetWhere stories live. Discover now