CHAPTER 3 - MEETING DIAMOND AND PEARL

Start from the beginning
                                    

Mabuti na lang at pinagdala ko sila ng mga armas. Ako na ang kumalaban kay kuyang unggoy. Wala naman siya sa lakas ko. Iniilagan ko ang bawat suntok at sipa niya. Tumalon ako papunta sa likod niya habang hawak ang ulo niya. Itinwist ko ang ulo niya at nahimatay siya. Bawal kasing pumatay rito.

Binuksan ko ang pinto at agad sila pinadapa. May naghagis ng whip sa amin. Tinignan ko siya with my cold expression at tila natakot siya. Lumapit ako sa kaniya at umaatras siya. Ayoko pa naman ng ganiyan. Inilabas ko ang kunai ko at pinatamaan siya sa binti. Napadaing naman siya sa sakit. Pinagsisipa ko siya. Sinuntok ko siya sa mukha at sa batok. Ilang sandali lang ay nahimatay na siya.

Ilang sandali lang ay may lumabas na mga armadong gangster. Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad habang iniiwasan ang mga bala. Ng maubos na ang mga bala nila ay pinatumba na namin sila. Inilabas ko ang baril ko at pinatamaan sa may bandang balikat ang kalaban ko. Lumapit ako sa kaniya at sinuntok siya sa batok.

Mayroong babaeng lumitaw sa harapan namin na pumapalakpak habang tumatawa.

"Ako si Tulips. Ang leader ng Satan Flower na rank 3 sa buong Underworld. Nakapasa kayo sa test. Nasa Rank 39 na kayo ngayon. Conratulations napakagaling niyo. Halikayo sa registration office." I know her and her gang. Kilala sila sa pagiging tuso. Sinundan na namin siya papunta sa office na sinasabi niya. Nagbow naman si Tulips sa lalaki.

"King." Saad niya. Sinenyasan ko na magbow sila. Mataas ang posisyon niya kaya baka mapahamak kami kapag hindi kami gumalang. Wala akong alam sa King and Queen. Limited lang ang mga info's na lumalabas. Ganito talaga kapag mataas ang posisyon mo. Tagong tago ang nga identity at maswerte ka na lang kung makilala mo ang nga matataas.

"Maupo kayo." Saad ni King. Ramdam mo ang authority sa boses niya. Nakakapangilabot. Kung nasa Enchant world lang kami mas malakas kami sa kaniya pero kapag nandito. Siya ang nangunguna.

"Ako si Diamond. Ang King at ang top 2 sa Rank 1 na gang. Which is ang Deadly Royal Stones." Saad niya. May ibinigay siyang papel sa bawat isa sa amin. Sinagutan naman namin iyon at ibinigay sa kaniya.

"Colorful Death huh. Nakakatakot.... Maging kayo rin. " Saad niya.

"Ok. Kung gusto niyo pang tumaas ang rank niyo gabi gabi may nagaganap na battle rito. Mamayang gabi rin meron. Makakatanggap rin kayo ng email kung mayroong importanteng magaganap rito." Saad niya.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin. Sa itsura niya magka-age lang kami.

"Zyron po." Saad ko ng may paggalang.

"Kamukha mo ang kapatid ko. Magkamukha rin tayo. Possible ba na kakambal ka namin? " Saad niya at ngumiti. Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya.

"Siguro po. Hehe. "

"Sana magkasundo tayo. " I just nod and smile at the same time.

"By the way, papasok kayo sa Morson University. School for gangsters. Kailangan na doon nag-aaral ang mga gangster. Ayos na ang mga papeles niyo. Pinapaayos ko na iyon kay Amethyst." Saad niya.

"Who's Amethyst po?" May paggalang sa pagtatanong ni Irene.

"My twin. And ang Queen ng underworld. She is also my gangmates. Ang top 1 sa gang namin." Saad niya. Napatango na lang kami.

"Mauna na ako. Kitakits tayo sa school. Ah, oo nga pala. Ipapahatid ko na lang kay Pearl ang nga uniforms niyo. She is also my gangmates." Saad niya at umalis na. Hindi naman pala siya ganiyan kacold. Ngumingiti rin pala siya. May hawig pa naman siya sa kapatid ko. Hays. Naalala ko tuloy si Kambal. Sana bumalik na siya.

***

*ding dong*

"Irene tignan mo nga iyong nagdoorbell." Saad ni Xandra.

MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)Where stories live. Discover now