Epilogue

7.7K 158 6
                                    

Napatakip ng bibig sina Eunice sa kanilang nasaksihan,hindi sila makapaniwala sa nangyari

"A-anong nangyari?"nanginginig na boses ni Drea

"Bat umabot pa sa ganito"tulalang sambit ni Rain habang may namumuong luha sa kanyang mga mata

May narinig silang humahagulhol sa madilim na parti

"Huwag kang matulog pakiusap,wag mo kaming iwan"

"M-mahal n-na m-mahal k-ko ka-yo"

"Shit!"mura ni Ash agad silang tumakbo at lumapit kung saan may umiiyak at may duguang nag-aagaw buhay


----
2 Years Later

"Miss ko na siya"malungkot na sambit ni Sandrah

"Walang araw na hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko noon.Kung sana pinaniwalaan ko siya hindi sana nagkaganito,kasalanan ko 'to"

"Huwag mong sisihin ang 'yong sarili Grey"naluluhang sambit ni Vetrice

"Wala kang kasalanan,lahat tayo may nagawang hindi tama noon pero sa tingin niyo ba magugustuhan niyang makita tayong sinisisi ang mga sarili natin sa pagkawala niya?-Hindi"mahabang litanya ni Charles

Lahat sila hindi mapigilang hindi umiyak .Nasa garden sila kung saan paboritong tambayan ni Yannie.Ito ang araw na nawala siya

"Lahat naman yata tayo nangungulila sa kaniya"naluluhang sambit ni Patricia

"Pag nakikita ko si Ate Sandrah naalala ko si Ate"naluluhang sambit ni Rain pero dinadaan niya sa tawa ,pilit na napangiti si Sandrah

"Wala ng kabuhay-buhay ang paligid,patunay talaga 'to na wala na siya"napabuntong hininga si Eunice
Hindi nila matanggap dahil sa maikling panahong nakilala nila sa Academy si Yannie naging parte na din ito sa kani-kanilang buhay

"Alam niyo bang dito ko siya unang nakita *chuckles*tawag niya pa sakin baliw ,may pagkasungit siya actually kaya gustong-gusto kong inaasar siya"kahit si Troy umiiyak na

"Ako ine-englishan ko pa siya nun sa training room,nung una ko siyang nakita I know that she's a kind,brave,and a strong woman,I thought nga girlfriend siya ni Grey but I was wrong they're just friends lang pala "pilit ngumiti si Elize

"Ako ang nauna!"sigaw ng kararating na si Snoowy kasama ang kakambal niyang si Cloud na hingal na hingal dahil sa kakatakbo

"Andaya mo kasi"napakamot ng ulo si Cloud.Hindi kaagad nila napansin na tinitingnan na sila ng mga kapwa nila prinsesa't prinsepe tsaka nila Patricia at Rain.Nagkilitian pa ito, napakalakas kung tumawa si Snoowy kaya napangiti ang kaninang lumuluha na si Troy

"Ulap anong nangyayari sa inyo?"tanong ni Rain.Agad silang napahinto at lumingon sa kanila

"Mag-ayos ka Snoowy"mahinang sambit ni Cloud "Ah nandyan ka pala Ulan ko"dugtong nito at lumapit kay Rain

Napatingin ulit sila kay Snoowy na sumasayaw habang kumakanta

"Ano ba 'yan"reklamo ni Luke

"Anong nangyayari sa kaniya Ulap ko?"tanong ni Rain.Isang taon na sila ni Cloud

"Masaya lang siya Ulan ko"sabi nito at humalik sa pisnge ni Rain

"Lampo"bulong ni Mark,sinamaan siya ng tingin ni Rain ,nagpeace sign nalang si Mark

"Nandito siya"kumakantang sambit ni Snoowy

"Ano?"takang tanong nila bukod kay Cloud

"Aray!ano ba?!"sinamaan niya ng tingin si Troy dahil binato siya nito ng bulaklak sa mukha

Mystique Academy:finding the lost powerful princess [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon