Identical Twins

4.4K 118 5
                                    

Iniisip ko parin yung sinabi sa akin ni Ash ,nasa kwarto ako ngayon while yung dalawa nasa kabilang kwarto

Napag-isipan kong pumunta sa training room baka sakaling mailabas ko ang magic power ko ,nagpaalam muna ako sa dalawa nag pumilit pa silang sumama pero sinabi kong wag ng sumama kasi hindi naman ako magtatagal kaya napapayag ko sila

Nasa hallway ako ngayon at tinutungo ang training room,ano ba ang dapat kong gawin

Hanggang sa dumating ako sa tapat ng pintuan nitong training room yun parin ang napakalaking tanong sa aking isipan,napabuntong hinga ako tsaka binuksan ang napakalaki g pintuan at pumasok ,sinirado ko muna ito then tingnan ang napakaluwag na training room ,napabuntong hininga ulit ako

"Paano ko ba 'to sisimulan?"tanong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa gitna ,umupo muna ako at nag-isip kung ano ang unang gagawin ,wala namang katao-tao dito sa loob ,ako lang mag-isa

Isip.isip.isip.isip.isip

Dapat maghanap pa ako ng impormasyon sa libro kung ano ang kayang gawin ng isang prinsesa ,if ever ako yun ,tama ang sinabi ni Ash ,ngayon gagawa ang ako ng kilos o hakbang para may mapatunayan ako sa lahat,tumayo ako

Nagteleport ako,kung saan saang banda ako napupunta dito sa loob ng room ,inenjoy ko muna 'to

Sunod kong ginawa ay nagfocus kailangan kong maipalabas ang magic power ko

Nagtry akong gumawa ng mga matutulis na bagay failed parin nagtry akong gumawa ng fire ball jusq ano ba 'tong ginagawa ko >.<

Pumikit ako at nagfocus kinukuha ko lahat ng init na nagmumula sa paligid ,nakapikit parin ako hanggang sa unti-unti ko ng naramdaman na umiinit na ang palad ko ,anong gagawin ko unti-unting itong pumuporma na hugis bilog ,palaki ito ng palaki hindi ko alam kung ano ang gagawin ko

"Itira mo yan sakin!"seryosong pasigaw niyang sabi ,malayo siya sakin

"Nagbibiro ka ba!?"pasigaw kong tanong ang init na shit

"Itira mo na"ang kulit mo talaga Ash ah edi ok ititira ko pero

"Baka masaktan kita"sabi ko

"I trust you"he said ,nirelease ko ang malaking fire ball na ginawa ko papunta sa kaniya ,napaupo ako shit namumula ang kamay ko ,nakita kong gumawa si Ash ng barrier para sakin kaya nang sumabog na ang nirelease ko Hindi ako naapektuhan ,napapikit ako sa napakalakas ng impact ng pagsabog ,naisip ko siya kaya napatayo ako at pinipilit na makalabas sa barrier na gawa niya , makapal ang usok sa paligid kaya Hindi ko siya makita

"Ash?!"tawag ko sa kaniya nag-aalala ako

"Ash?!"tawag ko habang naglalakad at umuubo

"I'm proud of you"ramdam ko ang mainit na hininga niya sa batok ko

Nakahinga naman ako ng maayos ng mawala na ang makapal na usok,at alam kong maayos siya

"I miss you so much" tumindig ang balahibo ko ng marinig ko yun unti-unti kong naramdam ang kamay niya na pumapalibot sa waist ko ,Hindi ako makagalaw ,anong pinagsasabi niya

"Nakikita mo yun?"tinuro niya kung saan siya nakatayo kanina habang pinipilit niyang itira ko sa kaniya ang ginawa kong fire Ball,napatakip ako ng bibig

"Ikaw ang may gawa niyan"paanong ako?sirang-sira pati mga upuan nasunog ,nagkaroon ng maluwag na butas sa lupa hindi naman masyadong malalalim,
yung pader nasira din kaya kitang-kita ko ang mga studyante at mga guro na nagkakagulo

"Ako na ang bahala dito magteleport kana papunta sa dorm mo"sabi niya

"Kalat ko 'to kaya ako ang lilinis"humarap ako sa kaniya

Mystique Academy:finding the lost powerful princess [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon