Naisip tuloy nya kung aware din ba ito sa sulyap nina Dylan at Brena? Kay Reina lang kasi ito nagpapakita ng reaksyon.

      Ten minutes pa ang lumipas muling napaangat ng tingin ng lahat ng tumayo si Angela.

     "Tapos ka na?" gulat na tanong nya.

     Walang emosyon tango lang ang sagot   nito sa kanya.

      Lumapit ito kay Ms. De Guzman na nagulat din habang inaabot ang test paper ni Angela.

      Hindi na talaga siya makapaniwala huling nagtest si Angela, ngunit ito pa ang naunang matapos. Plus the fact na absent ito ng one week.

     "Hmp...malamang na hinulaan niya lang ang sagot." si Reina na sadyang ipinarinig kay Ms. De Guzman at kay Angela ang sinabi, na sinagot lang ni Angela ng ngisi naupo ulit ito, sumandal sa upuan at sa kauna-unahang pagkakataon ay tinignan nito si Dylan.

     Her blue eyes is cold, her face is emotionless.

      Si Ms. De Guzman naman wala sa oras na nagcheck ng test paper.

      (=_=)...o_O...(o_o)...(O_O)

      Lahat sila ay nakatingin kay Ms. De Guzman kaya kitang-kita nila ang pabago-bagong expression ng mukha ng kanilang professor.

      Mula sa poker face then pagkagulat hanggang sa hindi makapaniwala na reaksyon.

     Tumingin ito kay Angela na nakatingin parin kay Dylan pagkatapos ay nilipat ulit ang tingin sa test paper.

      Hindi makapaniwala si Ms. De Guzman habang nag c-check ng test paper ni Angela.

      Kumpleto ang sagot nito pati formula at solution at kahit ano pag check ang gawin niya ang mga sagot ni Angela Fuentebella ay...

     ...tama...lahat.

     "P-perfect." ang wala sa loob na sabi niya na narinig ng lahat.

     "Perfect...i-ibig sabihin tama lahat ng sagot nya?' Hindi rin makapaniwala ulit ni Brena.

******

     Mula sa pakikipagtitigan kay Dylan, binalingan ni Angela ang mga klasmeyt nya na nakangangang nakatingin sa kanya.

     "Malapit ng mag time hindi kayo matatapos sa pagsagot kung titigan nyo lang ako." malamig na sabi nya.

     Tila naman nagising sa pagkakatulog ang mga ito at bumalik sa pagsasagot.

     Hindi nya na ulit tinignan si Dylan, hindi rin sya lumabas kahit tapos na syang mag-exam.

     Ipinatong nya ang ulo sa mesa paharap kay Maelyn na tipid na ngumiti sa kanya na ginantihan nya rin ng matipid na ngiti.

      Ramdam pa rin nya ang titig ni Dylan sa kanya. Hindi na nya ito nilingon, baka hindi sya makapagpigil, lumapit sya rito at yumakap ng mahigpit.

      Five days sya sa ospital pero ang pakiramdam nya pagod na pagod sya at tila sa isang gera galing. Nang gabi nabaril sya at tumilapon sa motor nya, sa damuhan sya bumagsak, ilang minuto sya nawalan ng malay at nang muli sya magmulat ng mga mata ay nakahiga pa din sya sa damuhan.

      Kahit masakit ang katawan pinilit nyang kunin sa bulsa ang cellphone at tinawagan ang mga kaibigan nya.

     Fifteen minutes sya naghintay, tinitiis ang sakit na nararamdaman and when they arrived hinayaan nya muli na lamunin ng kadiliman ang diwa nya. At ngayon nga heto sya pumasok na sa kabila ng pagtutol ng mga kaibigan nya, because ...

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن