Namula at lalong nagsalubong ang kilay ni Ms. De Guzman.

     "Hindi ka pumasok ng isang linggo at ngayon na naisipan mong pumasok may gana ka pang sumagot. You know what? I can drop you in my subject o kaya ibabagsak kita. Kayang-kaya ko gawin iyon kung gugustuhin ko."

     Di man lang nabagabag si Angela sa sinabi ni Ms. De Guzman. She just shrugged her shoulder and said...

     "Fine drop me, but Ma'am sana mai-refund nyo ang binayad ko sa school na'to. Sabay tayo pumunta sa admin then I'll tell them na I want to leave this university because of the professor who want to drop me out, dahil lang sa di ako nakapasok ng one week, even though I have a valid reason for that." She said while smirking. "Sasabihin ko na kukunin ko na ang binayad ko for the whole two years."

     Nanlaki ang mga mata niya at ng ilan pang estudyante sa narinig.

     Binayaran na nito ang whole two years? Ibig sabihin hanggang sa graduation na. Samantalang sya itong semester lang ang bayad.

     Malamang magagalit kay Ms. De Guzman ang management ng school kapag binawi ni Angela ang bayad nito.

     Mukhang gets naman ni Ms. De Guzman ang sinabi ni Angela, hindi agad ito nakasagot tumalim lang ang tingin sa dalaga. Then...

     "Maupo ka na Fuentebella kung di mo alam may exam kayo, you can take your exam. Wala akong pakialam kung one week kang absent, I don't care kung di mo natutunan ang lesson ko for the past days. I won't give you any special lesson, project or exam dahil kapag bumagsak ka sa exam na ito, bagsak ka na sa subject ko!"

     Nagkaroon ng bulungan sa loob ng room.

     "That's so unfair." Gusto niyang sabihin, di ba pumasok na si Angela sa kalagitnaan ng sem, tapos ngayon absent pa ito ng one week imposibleng may masagot ito sa exam.

     "Quiet." saway ni Ms. De Guzman sa mga nagbubulungan.

     "You only have one hour to finish your exam, if I were you sisimulan ko na Ms. Fuentebella." sabay abot kay Angela ng test paper.

     "Thank you." Angela said with matching tilting her head na ikinainis naman lalo ng professor.

     Naglakad na paupo si Angela ngunit nakakailang hakbang palang ito ng muling magsalita si Ms. De Guzman.

     "Kailangan din nakasulat ang formula at solution sa test paper dahil kahit tama pa ang sagot mo kapag wala iyon I considered it wrong."

      Hindi naman ito nilingon ni Angela, sumagot lang ito ng okay pagkatapos ay nagpatuloy na sa pag-upo.

      "Hi." bati nito sa kanya habang umuupo.

      Nginitian naman nya ito.

      "Go back answering now."

      Nag-aalala na patingin-tingin sya kay Angela habang pinagpapatuloy ang pagsagot.

      After thirty minutes, nagsasagot parin sila ng exam at wala parin tumatayo para magpasa ng test paper.

       Bawat tingin nya kay Angela ay sumasagot ito pero panay naman ng hikab, bakas ang pagka-inip sa mukha.

      Hindi lang din sya ang patingin- tingin dito sa gilid ng mga mata niya nakikita niya si Dylan na patingin-tingin din sa dalaga. Iyon nga lang blanko ang mukha ng binata kaya hindi niya mabasa ang iniisip nito.

      Nakikita din nya si Brena na tumitingin ng palihim sa katabi nya, tulad ni Dylan wala ding expression ang mukha nito.

      Tanging si Reina lang ang tumitingin kay Angela na may kasamang pag-irap na sa tuwing nahuhuli naman ni Angela ay ginagantihan nito ng ngisi.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Where stories live. Discover now