6. Shot ♡♡

Magsimula sa umpisa
                                    

*****

     After one week...

     Iilan nalang ang estudyante sa School Ground at lahat ay napapatingin kay Angela na naglalakad.

     Ten minutes ago pa ng tumunog ang bell at hindi man lang sya nag- abala na magmadali.

     Its been one week ng pagtangkaan ang buhay niya at ngayon lang siya pumasok.

     Patuloy ang pagtingin sa kanya ng iilang estudyante.

     "Anong nangyari sa kanya?"

      "Bakit puro galos sya?"

     "Hmp malamang napaaway yan. Dapat di na pumasok, tiyak na iinit na naman ang ulo ni Reina nyan."

     Ilan lang yan sa mga naririnig niya na hindi nya pinagkaabalahan na pansinin.

     Pinagpatuloy nya lang ang paglalakad, taas ang noo and oblivious in her surrounding.

     Sa hallway wala ng mga estudyante.

     Fifteen minutes na syang late sa klase ni Ms. De Guzman. At nang makarating na sya sa harap ng pinto, walang katok-katok na binuksan nya iyon.

     Lahat ng mga mata napatingin sa kanya, kabilang si Dylan na bahagyang nagulat lalo na ng makita ang itsura niya.

     Si Maelyn na kanina pa masakit ang ulo dahil sa pagsagot sa exam ay kabilang sa nanlaki ang mga mata.

     "G-gela." bulong nya pa.

     Isang linggo na di nagpakita sa University si Angela akala niya nga hindi na ito papasok. Ilan beses din na nagtanong si Dylan sa kanya, habang si Reina kapag hindi kaharap ang binata ay sinasabi sa lahat na tinuruan niya ng leksyon ang dalaga, pinabugbog at sa takot na daw nito ay ayaw ng pumasok.

     Hindi sya naniniwala, kahit maikling oras palang nya na nakilala si Angela, alam nya na hindi ito ang tipo na matatakot na lang basta-basta. Nadagdagan nga ang respeto nya rito ng tulungan nito sina Daniella na kaibigan din nya, yeah... friend nya ang mga ito obvious naman kung bakit hindi ba.

     Kaya hindi na sya nagulat na pumasok na ulit ang dalaga ang talaga kinagulat nya ay ang itsura nito.

     May mga galos ito sa pisngi, noo at baba. May pasa sa kaliwang cheekbone at may benda sa kanang braso.

     Medyo haggard din ang itsura nito at maputla na para bang kulang sa tulog at pahinga.

      Para tuloy gusto na nya maniwala na pinabugbog nga ito ni Reina.

     Ngunit nabura rin sa isip nya ang isiping iyon. Nang magkatinginan kasi ang mga ito ay nginisihan nito si Reina iyong ngiti na walang takot, bagkus ay nang-aasar pa nga.

     At nang kay Dylan naman sya mapatingin. Nangunot ang noo niya dahil nakita nya ang pagsasalubong ng kilay ng binata, ang pagkuyom ng mga kamao nito habang pinagmamasdan ang itsura ni Angela. Tila ba galit na galit ito sa nangyari sa kaibigan nya.

     Napapaisip tuloy sya sa reaksyon na iyon ni Dylan.

     "Well...well Ms. Fuentebella buti naman naisapan mong pumasok na." Sabi ni Ms. De Guzman using her terror voice na kapag naririnig niya ay nagpapakaba at nagpapanginig talaga sa kanya.

     Obvious na hindi ganon ang epekto kay Angela.Bakas ang boredom sa mukha na tinignan lang nito amg guro nila.

     "And you are fifteen minutes late."

     "Tss... Obvious naman, hindi ko naman sinabi na fifteen minutes early ako Ma'am."

      Kahit kinakabahan di niya napigilan na lihim na matawa sa sagot na iyon Angela.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon