Chapter 3

149 9 4
                                    

Fretzie's P.O.V

Nanatili akong tahimik habang naka-upo. Naiisip ko ang mga sinabi ni Prism sa akin. Nagtagal sila ng dalawang taon? Ganon niya ba kamahal ang ipinalit niya sa akin? Ganon nalang ba kadali sa kaniya ang humanap ng kapalit?

Ganon nalang ba kabilis mawala yung nararamdaman niya para sa akin? Or did he even loved me?

"Uy! Natulala ka diyan?!" Nagitla ako sa biglang pagpitik ni Prism sa harapan ko.

Nilingon ko siya pero hindi ako nagsalita. Nanlulumo ako sa mga narinig ko. Parang nagsisisi ako na bumalik pa ako dito.

Muli akong nagpalunod sa mga isipin ko at nagmukmok sa upuan ko. Muli kong inalala ang mga bagay na sinabi niya sa akin.

Mga pangyayari sa pagitan namin at ang hindi kapani-paniwalang break up dahil wala iyong dahilan. Naghiwalay lang ang mga kaibigan namin, naki-uso naman ang loko. Tsk!

"Uy! Cassey! Uy!"

"H-Ha? B-bakit?" ininguso niya ang harapan kaya naman napalingon ako doon.

Napansin kong nakatingin sa akin ang lahat pati ang teacher namin. Nagtataka naman akong napalingon kay Prism at nangunot ang mga kilay ko.

Hindi ko napansing nagsidatingan na pala ang mga classmates namin. Maging ang Lecturer ay nakapasok na rin pala sa kwarto. At nakapagpakilala na pala silang lahat. Ganon ba ako kalutang para hindi mapansin ang mga pangyayaring iyon?

Adik na ba ako? Tsk!

"Introduce yourself teh! Lutang ka masyado eh." Natatawang aniya.

Napapahiya naman akong napatayo habang nakayuko at pumunta sa harapan. Doon pa lang ako nag-angat ng tingin at inilibot iyon sa mga kaklase namin. Kahit hindi ko sila tanungin ay kita ko ang pagka-disgusto sa mga mata nila.

Ganon ba kapangit ang tingin nila sa akin? Tusukin ko mga mata niyo eh!

Pero napansin kong wala siya sa mga naka-upo sa harapan ko ngayon. Nangunot naman ang noo ko at mas lalong nilibot ang paningin ko. Baka nalampasan ko lang siya. But to my dismay, he really is not around.

Akala ko ba classmate namin siya? Bakit wala pa siya?!

"A-ahh, I'm Fr--err Cassandra Park. I'm 16."

Astang babalik ako sa upuan ko ng biglang bumukas ang pinto at masyadong malakas ang kalabog na naidulot non. Naagaw nito ang atensyon ng lahat. Sabay-sabay naglingunan ang kaklase ko sa may pintuam.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang pumasok. Salubong ang mga kilay at nakasimangot. Nakatiim ang mga bagang at nakakuyom ang mga kamay. Kapansin-pansin ang sugat niya sa gilid ng labi at putok din ang isang kilay niya.

What happened to you? Are you alright?

Hindi ko maiwasang mag-alala. Lalo na't mukhang galit siya. Nanlilisik kung tumingin sa mga kaklase naming tumitingin sa kaniya. Pabagsak siyang umupo sa isa sa mga upuan sa likod. A seat away from mine.

Tinapik ako ni Miss kaya naman bumalik na ako sa upuan ko. Hindi ko maiwasang pasadahan ulit ng tingin ang kabuuan niya. Magulo ang uniform at mukhang sariwa pa ang mga sugat sa mukha niya.

"Mr. Yu! Why are you late?! Don't you know that you have to come to class on the right time?! And what happened to your face?! Nakipag-basag-ulo ka nanaman ba?"

Nanaman? Does that mean, hindi na bago sa kanilang nakikipag-away siya?! Vince! What the hell is wrong with you?!

Hindi siya sumagot at sinenyasan niya lang ang teacher na magturo. Nakita ko ang pagkabigla ng guro pero hindi na ito nagsalita pa.

First LoveWhere stories live. Discover now