Chapter 2

117 6 12
                                    

Fretzie's P.O.V

"Vince..."

Nagtuloy-tuloy sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan pa ang mga ito. Tadhana nga naman! Masyado itong mapaglaro at higit sa lahat, gustong-gusto nitong nasasaktan tayo.
Why do I have to see him again? Why do I have to meet him like what happened couple of years ago?

Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha habang nakatingin siya sa babaeng tumawag sa kaniya ng babe. Ang laki ng pinagbago niya. His facial features became sharp and manly. His shoulders became broad and I noticed his well-built body and I can say that he changed a lot. Sobrang laki ng pinagbago niya. Halos hindi ko na siya makilala. Nag-gym ba siya?

Pero mukhang hindi niya ako nakilala, hindi niya ako nilingon nung mag-angat ako ng tingin. Kaya naman hindi niya nakita ang mukha ko. Pero imposibleng hindi niya makilala ang boses ko. Talagang bang limot na niya ako?

"Excuse me Miss? Are you just going to sit there? Aren't you going to say sorry? Hello?! Binangga mo ang boyfriend ko, tapos tutunganga ka lang diya?! And why are you crying? Ha! I think you're crazy!"

Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang tinig na iyon ng babaeng kasama niya ngayon. Boyfriend? May kapalit na agad ako? Ganon nalang iyon?

"Babe, don't shout at her. It's not her fault, okay? I wasn't not looking that's why we bumped into each other."

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mas lalong maluha ng marinig ko ang tawag niya sa babae. So I was the only who hasn't move on yet? I guess I shouldn't have come back here.

Nagitla ako ng maramdamang kong inalalayan ako para makatayo. Hindi ko naman magawang mag-angat ng tingin dahil ayokong ipakita ang mukha ko sa kaniya. Para saan pa? Mukhang wala na rin naman sa kaniya dahil may girlfriend na siya.

"Are you okay?" Ramdam ko ang pag-aalala niya sa paraan ng pagtatanong niya, pero hindi ko na iyon magawang bigyan ng pansin dahil sa bigat ng nararamdaman ko sa dibdib.

Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to. Kung bakit kailangang makita ko siya ngayon. At kung bakit kailagan masaksihan ko pang may iba na siya. Karma ko na ba ito?

"Hey miss? May masakit ba sayo? Do we need to bring you to the hospital?"

Meron! Masakit yung puso ko! Wala na yatang makakagamot sa sakit na ito eh? Napailing naman ako dahil sa naisip ko. Nababaliw ka na Fretzie.

"Are you sure?"

"Babe let's go! She looks fine. Hayaan mo na siya. Don't waste time for stupid people like her!"

Hinila siya ng girlfriend niya palayo kaya hindi na siya pumalag pa. Doon ko lang nagawang iangat ang ulo ko at pagmasadan siyang maglakad papalayo kasama ang ipinalit niya sa akin.

"So that was your first love. Nice pick." Napatalon ako dahil sa gulat ng may nagsalita sa likod ko. Nangunot ang mga kilay ko ng makitang si Thunder iyon.

"W-what the hell are you doing here?! Don't tell me, you followed me here?!"Hindi niya ako pinansin dahil nakatuon ang atensyon niya kina Vince na hindi pa naman kalayuan sa amin.

"Nice pick, but in the end, he hurt you like other men do."

"Anong bang pake mo?! Wala kang alam! So stop acting like you know everything! Because you don't!"

Dinuro ko pa siya dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko. Biglang umurong ang mga luha ko at ang sakit na nararamdaman ko ay napalitan ng galit. Galit dahil kung makapagsalita siya ay alam niya lahat ng nangyari sa amin ni Vince.

First LoveWhere stories live. Discover now