13

1.3K 35 0
                                    

"MABUTI NAMAN at gising ka na Vince, ginulat mo naman ako sa pagkakahimatay mo kanina. Ang bigat mo pa naman buti malakas ako. Ngapala tumawag ang mommy mo kanina at nasabi ko ngang nahimatay ka kaya nagmamadali silang nagpunta dito kasama si Kier. Actually, pupunta din naman daw sila dito ngayon para dalhan tayo ng baked macaroni na paborito mo. Nag-alala talaga sila sa 'yo dahil sa pagkakahimatay mo pero sinabi ko sa kanila na siguro ay nagulat ka lang sa ibinalita ko sa 'yo na ibinalta ko na rin sa kanila." mahabang sabi ni Leya sa asawa. At sobrang tuwang-tuwa ang mommy nito at si Kier pati na rin sa mga magulang niya tungkol sa ibinalita niya.

Kaya nga maghahanda daw ang parents nila ni Vince ng mini-party sa bahay nila sa weekends para i-celebrate ang magandang balitang 'yon. Pero sa kanila lang yata maganda ang balitang 'yon dahil para kay Vince ay hindi, wala pa kasi itong kibo o reaksyon sa mga sinabi niya o baka gulat pa rin, inabot ng dalawang oras na pagkawala ng malay nito.

"Ini-invite din tayo sa weekends sa bahay dahil maghahanda sina mommy Dorothy at mommy Marlyn." Aniya, na tinutukoy ang mga mommies nila.

Dahan-dahan itong umupo sa kama saka bumaling ang atensyon sa kanya. "T-Thank you pala kanina." Anito, saka ito nag-iwas ng tingin na parang biglang tinubuan ng hiya kaya napangiti siya."H- How do you feel?" muling sabi nito.

Saglit siyang napakunot-noo sa tanong nito ngunit dahan-dahan din siyang napangiti. Concern ba ito sa kalagayan niya? "I-I'm okay, ikaw?" aniya.

"B-Buntis ka 'kamu, tapos binuhat mo ako papunta dito sa kama? Paano kung may nangyari sa baby..." tila nag-aalala ito para sa kanya kaya muling nasiyahan ang puso niya.

Umiling-iling siya. "Ang mahalaga ay okay naman kami ni baby at walang nangyari sa amin. Masaya din ako dahil okay ka na."

"I was shocked."

"Alam ko." Aniya. Katahimikan ang namagitan sa kanila habang nakatitig lang ito sa kanya, hindi tuloy niya maiwasang mailang sa mga titig nito dahil nakaka-distract ang magagandang mga mata nito, actually, ang buong presensya nito. "Ahm, k-kain na tayo doon sa baked mac na dinala nina tita Marlyn kanina." Nabubulol na sabi niya.

Nauna na itong tumayo sa kanya at bago ito naglakad palabas ng kuwarto ay narinig niyang sinabi nito na... "She's also your mommy now." Kaya muli na naman siyang napangiti. Grabe na ito.

NASA HARAPAN ng TV sina Leya at Vince, nanunod ng romcom movie habang kumakain ng masarap na baked mac na gawa ng mommy ni Vince. Hindi uli niya matanggal sa kanyang mga labi ang ngiti dahil ramdam niyang sooner ay maaayos din ang kung anumang gusot na ito sa pagitan nila. Naisip niyang wala naman nang pagpipilian si Vince dahil narito na ito at kailangan na lang nitong harapin at tanggapin ang lahat. Susubuakn niyang baguhin ang puso nito para sa kanya para more than friends na maging level niya sa buhay nito.

"I-Ilang weeks ka nang buntis? K-Kailan mo nalaman? Nagpa-check up ka ba?" nabubulol at sunod-sunod na tanong ni Vince sa kanya na nasa TV naman ang mga mata ngunit ramdam niyang nasa kanya naman ang buong atensyon nito.

Napangiti siya nang tipid. "Hindi ako sure e, mga four to five weeks siguro kaya niyaya ako ni mommy Dorothy na magpa-check up bukas bago siya pumasok sa work. At kanina ko lang din nalaman ang tungkol dito." Aniya.

Tipid naman itong tumango sa kanya. "K-Kung gusto mo ihatid ko na lang kayo ni tita—I mean ni mommy Dorothy sa hospital tapos hintayin ko na rin kayong matapos." Anito.

Hindi siya agad nakaimik dahil unti-unti pa niyang dina-digest ang mga sinabi nito hanggang sa unti-unti din niyang nakukuha. "A-Are you sure?" nagtatakang tanong nito.

#VinceandLeyaForever (COMPLETED)Where stories live. Discover now