5

1.1K 30 0
                                    

NAPAUNAT ng mga braso si Leya saka napangiti nang sa wakas ay naipadala na rin niya sa editor niya sa Precious Corporation ang third book sa kanyang trilogy. Pagkatapos ng tatlong na araw na tuloy-tuloy na pagsusulat sa wakas ay natapos din niya at isa na 'yong achievement para sa kanya sa katamaran niyang 'yon. Sana katulad ng dalawang naunang libro niya sa trilogy ay pumasa agad 'yon, dahil kapag naging revision ang resulta niyon ay baka mawindang siya.

Ngayon nga ay makakapag-review na muna siya sa Pharmacy books niya. May natanggap kasi siyang email mula sa Pearson VUE—ang examination center—na in three months daw ang isa sa pinakamagandang time para mag-take ng exam para makapag-review pa siya nang mabuti. Ramdam niyang para sa kanya ang pag-a-abroad, hindi pa man siya nakakapag-abroad ay ini-imagine na niya ang ginhawang maidudulot niyon hindi lang para sa kanyang sarili kundi para na rin sa parents niya. Hindi sila gano'n kayaman pero hindi naman sila mahirap, gayunpaman ay gusto niyang mas guminhawa ang pamumuhay nila.

Simula kasi no'ng bata pa lang siya ay nakita niya kung gaano kade-dedicated sa pagta-trabaho ang parents niya para magkaroon lamang sila nang magandang buhay at para mabigyan siya nang magandang kinabukasan—at siya naman ang babawi ngayon.

Habang nagre-review siya sa kanyang mga aralin ay biglang kumalam ang sikmura niya kaya saglit muna siyang napatigil sa kanyang binabasa para magtungo sa kusina, hindi pa man niya nakakalahati ang kanyang binabasa ay nagutom na siya agad.

Pagbukas niya ng ref ay walang siyang makitang pagkain doon kaya bumalik na muna siya sa kuwarto niya para kumuha ng pera niya, bibili na lamang siya nang makakain sa malapit na sari-sari store sa kanila.

"Ngayon ka lang yata lumabas sa bahay n'yo, Leya, ah." nakangiting bati sa kanya ng isang matandang kapitbahay nila pagkalabas niya sa bahay.

"Opo, busy po kasi ako." nakangiti namang sagot niya, saka na siya magalang na nagpaalam dito para dumiretso sa sari-sari store. Naabutan niya doon si Red na anak ni Mang Kanor na may-ari ng tindahan.

"Leya, ngayon lang uli kita nakita." Nakangiting sabi nito.

Ngumiti naman siya dito. "Busy ako sa pagre-review." Imporma niya na tinanguan naman nito. "Pabili nga ng chuckie 'yong malaki na at dalawang cream-O cookies." nakangiting sabi niya. Mabilis naman itong tumalima sa sinabi niya "Wala ka yatang trabaho ngayon, Red?" Tanong niya sa lalaki.

Bumaling naman ito sa kanya at ngumiti. Nurse kasi ito sa government hospital kung saan siya dating nagtrabaho. Matanda ito sa kanya ng isang taon, matangkad din ito na katulad ni Vince at hindi rin maitatangging chick magnet ngunit kasalukuyan daw itong single dahil hiwalay na ito sa three years na girlfriend nito, ayon sa tatay at nanay nito nang makausap niya ang mga ito a month ago.

"Graveyard shift ako, Leya." Nakangiting imporma nito sa kanya. Saka inabot sa kanya ang mga binili niya dito at akmang iaabot niya ang isang daan niya dito ay mabilis itong umiling. "Treat ko na 'yan sa 'yo." Nakangiting sabi nito.

Mabilis naman siyang umiling-iling. "Naku Red, dalawang beses mo na akong nililibre dito sa tindahan n'yo at hindi kayo kikita kapag lagi akong libre sa tuwing bibili ako." aniya.

"Hindi naman kami malulugi dahil sa 'yo, e, kaya okay lang 'yon, Leya." Nakangiting sabi nito.

Hindi na rin bago sa kanya ang malaman na may crush daw ito sa kanya ayon kay Vince dahil nang minsang magkausap ang mga ito ay panay daw ang tanong ni Red tungkol sa kanya.

May mga nanligaw naman sa kanya during high school and college days na binasted niya—siguro ay nakitaan siya ng mga lalaking 'yon nang kagandahan na hindi niya makita sa sarili niya ngunit naaalibadbaran siya sa mga lalaking nagkakagusto sa kanya o may pagka-masokista siya dahil gusto niya ay siya lang ang nagkakagusto.

"Hindi Red, magbabayad na ako ngayon, kaya please suklian mo na ako dahil nagugutom na ako." aniya.

Napakamot naman ito ng ulo bago rin kinuha ang bayad niya at saka 'yon sinuklian pagkatapos ay nagpaalam na siya sa lalaki. Sakto namang naglalakad siya no'n pabalik sa bahay nila nang marinig niya ang busina ng sasakyang nasa likuran niya na noon ay papasok din sa loob ng Star village.

"'Uy Leya, lumabas ka yata ngayon sa lungga mo!" boses pa lang nito ay kabisado na niya kahit pa nasa malayo ito, si Vince.

Lumingon siya dito saka sumubo sa cream-O cookie niya. "Oo, nagutom ako wala kasing pagkain sa ref." puno ang bibig na sabi niya. Sinasabayan ng sasakyan nito ang paglalakad niya. "Galing ka kay Maxene?" aniya. Pang-four to twelve midnight kasi ang alam niyang shift nito.

"Oo, nag-lunch kami kanina at nanood ng sine. Magiging abala na kasi siya next week and the whole month dahil sa pag-e-ensayo sa paglahok niya sa Bb. Pilipinas." Imporma nito.

"Ah okay." Walang ganang sagot niya saka sumipsip sa chuckie niya.

"Gusto mo bang manood ng practice nila?" anito.

"Hindi na, ikaw na lang." aniya.

"Sige na, wala kasi akong kasama, e." ungot nito.

"Kaya mo na 'yan, malaki ka na!" aniya. "Oh, pwede mo rin namang i-invite 'yong mga co-nurses n'yo." Aniya.

"Busy ka ba sa pagre-review mo sa HAAD exam?"

"Oo."

"Huwag ka na kasing mag-exam doon, ipagpapatayo na lang kita ng Pharmacy mo dito sa bansa at sabay nating i-manage." Nakangiting alok nito.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Ayaw mo lang akong mangibang bansa dahil wala ka nang makukulit. Try mo din kasing makipagkulitan kay Kier." Natatawang sabi niya.

"Alam mo namang suplado 'yong kapatid kong 'yon, e." natatawang sabi din nito. May pagka-emo kasi ang batang 'yon palibhasa ay opposite nito ang kapatid nito.

"Eh, di 'yong parents na lang ni Max ang imbitahin mo para makasama mong manoood ng practice." Aniya.

"Busy sa business ang mga 'yon at baka nga hindi pa makanood sa pageant, e." anito. Businesspeople kasi ang mga magulang ni Maxine at katulad niya ay unica hija din ito.

"Ang sabihin mo nahihiya kang imbitahin sila dahil hindi ka bet ng daddy niya." natatawang sabi niya. Ipinakilala na ni Maxine si Vince sa parents nito at ayon sa kaibigan niya ay napaka-stiff ng parents nito lalo na ang daddy nito sa kanya at mukhang hindi siya gusto para sa unica hija ng mga ito—pang-third boyfriend ito ni Maxine.

"Oo na," naiiling na sabi nito. "Mauna na ako, punta na lang ako mamaya sa bahay n'yo bago ako magpunta ng duty. May ipapahiram akong magandang movie sa 'yo." Anito.

"Ano?"

"Later." Anito, saka na pinaharurot ang sasakyan nito. Napailing-iling na lang siya, sa kaguwapuhang 'yon ni Vince ay inaayawan pa rin ng parents ng girlfriend nito, kung alam lang sana ng parents ni Maxine na the best si Vince.

Napakunot-noo siya nang makita niyang umaatras pabalik ang sasakyan ni Vince sa kanya. "May nakalimutan kang sabihin?" tanong niya nang matapat na ito sa kanya.

"Sabay ka na sa akin." Anito.

Muntik na siyang matawa. Nakalayo na nga ito at malapit na sa bahay ng mga ito pero bumalik ito para lang isakay siya. "Lakas ng tupak mo, unggoy!" natatawang sabi niya.

"Buti nga naalala pa kita, pandak na gorilya." Natatawang sabi naman nito.

Kaya sa huli ay sumakay na rin lang siya para wala nang sali-salita pa. Mabilis din nitong inagaw sa kanya ang chuckie na iniinom niya saka ito uminom doon at humingi sa cream-o na hawak niya. Pakiramdam tuloy niya ay nag-indirect kiss sila dahil sa iisang straw na ginamit nila—pero hindi lang naman kasi ito ang una dahil madaming beses na nitong ginagawa 'yon sa kanya kahit pa nga may ubo at sipon siya noon—hindi ito nandidiri sa kanya na ikinatutuwa naman niya, mabuti na lang at miminsan lang itong nahawa sa sakit niya, ang OA pa naman nitong magkasakit dahil daig pa nito ang buntis na maraming cravings.

#VinceandLeyaForever (COMPLETED)Where stories live. Discover now