12

1.1K 31 1
                                    


Nasaktan din siya nang malaman niyang hindi pa rin nakaka-get over si Vince kay Maxine dahil sa pagsunod-sunod nito sa babae para kausapin ito tungkol sa relasyon ng mga ito. Minsan ay umuuwi itong lasing. Hindi tuloy niya maiwasang malungkot. Mahal pa rin nito si Maxine! Naging busy din ang babae dahil kali-kaliwaan mga guestings at interview nito noon. Pero siguro ay nakabuti na rin ang nangyaring ito dahil tutulungan niya si Vince na kalimutan na nang tuluyan ang babae, dahil alam niyang masasaktan lang si Vince kapag patuloy nitong minamahal si Maxine na may iba nang mahal. And after two weeks ay napag-alaman nilang lumipad papuntang States ang babae para sa bakasyon kasama nito ang buong pamilya nito at si Audry pagkatapos ay tutuloy na din daw ito sa Brazil para sa pag-e-ensayo nito sa pageant.

At kaninang umaga nga ay nag-disguise siya para magpunta sa isang drugstore para bumili ng dalawang piraso ng pregnancy kit saka siya nagmamadaling umuwi. At ayon nga sa dalawang PT na binili niya, positive ang resulta.

Nanghina ang mga tuhod niya sa nalaman at tila tumigil ang pag-ikot ng mundo niya. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin. Hindi siya makapaniwala na may maliit na bata ang nabubuhay na rin sa loob ng sinapupunan niya. Pakiramdam niya ay ganap na talaga siyang babae.

Nang mga sandaling 'yon ay siya pa lang ang nakakaalam ang tungkol doon. Hindi pa niya alam kung kanino niya unang sasabihin dahil medyo naiilang siya. Mag-iipon muna siya ng lakas ng loob para maipagtapat 'yon kay Vince, pang-eight AM to four PM ang shift nito at isang oras na lang ay uwian na nito, pero baka mahuli na naman ito sa pag-uwi na madalas nangyayari sa nakalipas na isang buwan.

Pakiramdam niya ay ang laki na nang nagbago sa kanila ng binata. Dati ay masayahin ito, makulit at nakakaasar, pero nawala na ang mga 'yon at sobra na niya itong nami-miss. Dati rin ay nasasabihan niya ito ng mga sekreto niya kahit puro walang kuwenta lang pero ngayon ay hindi na niya masabi ang gusto niyang sabihin dahil hindi siya pinapansin nito—titingin lang ito sa kanya saka din siya lalayasan.

Paano pa niya masasabi ang tungkol sa pagdadalang tao niya? Hindi tuloy niya alam ang gagawin niya. Napabuga na lamang siya ng hangin saka mabilis inasikaso ang requirements ng approved manuscript niya pagkatapos ay naghanda na rin siya nang lulutuin niyang dinner.

Every weekends ay dumadalaw ang parents nila ni Vince sa condo at kung minsan ay siya naman ang dumadalaw sa mga ito, isinasama niya si Vince ngunit madalas itong tamarin pero alam naman niyang ayaw lang siyang makasama nito.

Mukhang mauudlot yata ang pag-take niya ng HAAD exam dahil next month na 'yon at sa dami ng mga nangyari sa kanya sa nakalipas na buwan ay nagulo ang mundo niya. Mukhang sa susunod na lang uli siya magte-take o maganda rin siguro ang suhestyon ni Vince sa kanya noon na ipagpatayo na lang siya nito ng Pharmacy nito—'yon ay kung 'yon pa rin ang gusto nito para sa kanya at kung may pakialam pa rin ito sa kanya.

Nakapagluto na siya no'n nang dinner nang dumating ang asawa niya. Binati niya ito ngunit tumango lang ito sa kanya at nagtuloy-tuloy sa kuwarto nila. Ang weird nga e, dahil sa iisang kuwarto lang sila nakatira ngunit sa sofa ito natutulog. Minsan na niya itong sinabihan na tabi na sila ngunit ayaw nito o kung siya naman ang mag-offer na siya na lang sa sofa ay nagagalit ito sa kanya, kaya hindi na lamang niya ito kinukulit. Nami-miss na tuloy niya ang pagiging mapang-asar nito at makulit at ang tawagan nilang unggoy at pandak na gorilya. Haaay!

Nagkakausap naman sila ni Vince ngunit mas madami pa rin 'yong moment na tahimik ito at hindi siya pinapansin. Minsan ngumingiti naman ito pero dahil 'yon sa mga pinanood nito, nami-miss na niya ang masayahin niyang kaibigan. Pero natutuwa na rin siya dahil nagkakasabay silang kumain kahit panay ang kuwento niya at tumatango-tango lang ito at sabay silang nanunood ng TV at movies.

"K-Kain ka na." imporma niya dito.

Tumigil ito sa pagpasok sa kuwarto at bumaling sa kanya. "Tapos na ako." sagot nito, bago tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto.

Napabuga na lamang siya ng hangin saka mag-isang nagtungo sa hapag-kainan at kumain doon nang mag-isa, malungkot ang ganitong set up pero hindi pa rin siya nawawalan nang pag-asa na balang araw ay magiging maayos din ang lahat. Pagkatapos niyang kumain, magligpit ng mga kinainan at naghugas ay mabilis din siyang sumunod sa kuwarto ngunit agad siyang napatalikod nang makita niyang galing sa banyo si Vince at nakatapis lang ito ng tuwalya sa ibabang bahagi nito.

"V-Vince, may sasabihin sana ako sa 'yo." Aniya.

"Puwede ka nang humarap." Imporma nito, kaya mabilis naman siyang humarap sa lalaki.

Napalunok siya nang mariin. Pakiramdam niya ay mas nakakakaba pa ang pagtatapat na gagawin niya dito kaysa no'ng labasan na ng resulta ng board exam; pakiramdam kasi niya ay medyo tumagilid siya dahil nakatulog siya ng twenty minutes habang nag-e-exam dahil nang kinagabihan ay dilat siya ng beinte kuwatro oras but thank God, she passed the exam!

Ngayon ay dinadagsa siya ng maraming kaba pero sana man lang ay hindi gano'ng magulat si Vince dahil expected naman na 'yon pagkatapos nang may mangyari sa kanila. May pagkamagugulatin kasi ito at may dalawang beses pa nga nang may event sa school nila at nagulat ito ay nahimatay ito, mabuti na lang at naroon siya para damayan ito.

"Ano 'yong gusto mong sabihin?" tanong nito, palibhasa ay napako na lamang ang mga mata niya dito. Nami-miss na kasi niya ang lalaking ito sa totoo lang.

Huminga siya nang malalim saka napabuga ng hangin. Kinalma na muna niya ang kumakabog na puso niya saka tumikhim para humugot ng lakas ng loob. "V-Vince, I'm pregnant." Kinakabahang pagtatapat niya. Nakita niya itong natigilan dahil sa sinabi niya kapagdaka'y napansin na niya ang pamumutla ng mukha nito habang nakatitig lang sa kanya na parang lutang o kung ano. "A-Are you okay? Namumutla ka." Aniya. Nagulat ba ito sa ibinalita niya? Akmang lalapitan niya ito ay bigla na lamang itong nawalan ng malay-tao. Nanlaki ang mga mata niyang mabilis itong dinaluhan.

#VinceandLeyaForever (COMPLETED)Where stories live. Discover now