2

1.3K 32 0
                                    

"Ang baho mo!" instead ay sabi niya. Mas lalo tuloy siyang kiniliti sa batok. "Hindi ka pa nagba-brush! Bitiwan mo ako!"

Inamoy naman nito ang hininga nito. "Mabango naman, ah. May something sa ilong mo, Leya, palibhasa mas malapit ang ilong mo sa bunganga mo." Natatawang sabi nito.

"Excuse me, nag-mouthwash ako kanina, 'no!" aniya. "Kung hindi mo ako bibitawan manghuhuli ako ng butiki at ihahalo ko sa pancake mo sa susunod." Banta niya.

Mabilis naman siyang pinakawalan nito. "Ang dugyot!" nandidiring sabi nito. Palibhasa ay ayaw nito sa mga skinny na hayop o 'yong katulad ng butiki, sa laki nitong tao ay takot ito sa butiki at palaka.

Natawa tuloy siya. "Oh, di ako ang panalo!" natatawang sabi niya.

"'Yon ang akala mo!" anito, saka siya mabilis nitong binuhat at basta na lang initsa sa malaking kama nito. Tumawa ito na parang sa isang makapangyarihang hari ng kasamaan. Akmang babawi siya ay mabilis na itong nakapasok sa loob ng banyo.

Nakangiting napailing na lamang siya saka siya napabuga ng hangin. Ang laki din talaga ng tupak ng kaibigan niyang ito, e, pasalamat ito dahil tanggap niya ang lahat dito. Muli niyang dinama ang puso niyang hanggang nang mga sandaling 'yon ay hindi pa rin tumitigil sa kakaibang pagtibok niyon ngunit napailing-iling na lang siya para balewalain 'yon. Takteng puso nagpapaandar na naman!

Nang hindi pa rin kumakalma ang puso niya ay nag-inhale-exhale siya nang ilang beses but it's still useless. God! Fine, oo na, she had feelings for her best friends since high school pero hindi na niya matandaan kung kailan exact siyang nagkagusto sa binata.

He was so approachable way back, very friendly and fun to be with. Hindi na nga niya namalayan na nagkaka-crush na siya dito, basta isang araw hindi na normal ang pakikitungo ng puso niya sa lalaki lalo na kapag nakatitig ito sa kanya o may ginawa itong nagpabilis ng tibok ng puso niya. He is really sweet and gentleman kaya mas lalo pang nadadagdagan ang pogi points nito sa kanya.

She never had a boyfriend and he has tons of ex-girlfriends. Guwapo kasi kaya lapitin ng chicks at sino ba namang aayaw kung magaganda na rin mismo ang lumalapit dito, aayaw pa ba ito? Pero ang weird dahil kay Maxine lang niya ito nakitang sobrang in love. Ngingiti-ngiti 'yan sa sulok mag-isa at napapa-hum kapag masayang-masaya. Kaya hindi rin niya maiwasang masaktan.

But she's okay, she's trying to be okay. They're best friend at tanging doon na lang ang label nila para sa isa't isa. Kayang-kaya niyang i-control ang puso niya para hindi na siya mas lalo pang mahulog kay Vince at gagawin niya ang lahat para hindi nito kailanman malaman ang tunay niyang damdamin dito. She's very secretive when it comes to her feelings.

Sinubukan din naman niyang huwag mahulog sa lalaki at kontrolin ang pusong at sa iba na lang magkagusto since may mga nanliligaw din naman sa kanyang mga lalaki ngunit hindi talaga kaya ng powers ng puso niya—lalo na kung nakikita niya lagi si Vince na nakangiti sa kanya, ginagawan pa siya nito ng mga pabor tulad nang; pagbili nito ng mga pasalubong na chocolates, mangoes at kung anu-ano pa at syempre pa lagi silang magkasundo sa movies at panonood ng basketball.

Akala niya no'ng makapag-graduate sila no'ng high school ay mawawala na ang damdamin niya dito since pagkatapak niya ng college ay madami ring guwapo sa University na kapwa nila pinag-aralan, ang kaso gano'n pa rin, nadagdagan pa yata dahil mas lalo silang naging close dahil sabay silang pumapasok at umuuwi at kung nahuhuli siya sa klase dahil sa activities nila ay hinihintay pa siya nito.

He had girlfriends way back in college; apat ata o lima pero wala siyang kinaselosan sa mga 'yon kahit na madalas niyang nababalitaan na isa siya sa mga rason kung bakit nauuwi sa hiwalayan ang mga naging relasyon ng lalaki, nagseselos nga daw kasi ang mga babae sa kanya dahil sa closeness nila ni Vince. Well, wala naman siyang magagawa, si Vince naman ang lumalapit sa kanya kahit sinubukan din niyang minsan ay dumistansya dito.

Ang sabi pa nga nito sa kanya na huwag siyang magpapaapekto sa mga babaeng gusto siyang palayuin dito dahil kung totoong mahal ito ng babae—pati siya na bestfriend ay tanggap siya. At sa mga naging karelasyon ng lalaki, tanging si Maxine lang ang ramdam niyang nakatanggap sa sitwasyon nila bilang mag-best friend ng binata. Kung sabagay, ano ba naman ang ikaka-insecure ng babae sa kanya, she's almost perfect samantalang siya ay punong-puno ng imperfection.

She's petite, payatot negra unlike Maxine na diyosa at bagay na bagay kay Vince. Hindi nga niya alam kung paano sila naging best friends ng binata o sadyang dahil sa pareho nilang pagkahilig sa parehong mga bagay dagdag na ang pagiging magkapit-bahay nila.

Siguro ay mananatili na rin hanggang kabilang buhay ang damdamin niya para kay Vince at never siyang magco-confess ng damdamin dito. Ayaw niyang may mabago sa kanila ng binata, kung anuman ang meron sila nito ay gusto na lamang niyang manatili 'yon. Sapat na sa kanyang mahalin ito ng palihim kaysa malaman nga nito ang tungkol sa damdamin niya pero mawala naman ito sa buhay niya o mabago ang anumang meron sila.

Muli siyang napabuga ng hangin hanggang sa may naisip siyang magandang plano para makabawi sa kaibigan. Nanghuli siya ng butiki sa pader at hinintay niya itong lumabas ng banyo at nag-abang sa tabi ng pintuan, halos makatulog na siya sa paghihintay dahil sa tagal nitong maghilamos o maligo and after forever of waiting ay bumukas na din ang pintuan ngunit hindi na niya nagawa ang balak niyang paglalagay ng butiki sa likuran ng damit nito nang makita niyang nakahubad ang upper body nito kaya lantad na lantad ang magandang pangangatawan nito na mala-Derrick Ramsey.

Nanlalaki ang mga mata niya saka siya napalunok nang mariin habang nakatitig sa katawan ng lalaki—mayroon itong malaking tattoo sa kanang dibdib nito na ipinalagay nito two years ago na may kahulugang bible verse—mabuti na lang at hindi pa siya napapansin nito. Madalas na rin niya itong nakikita ang upper body nito at katulad nang dati ay iba pa rin ang pakiramdam na dulot niyon sa kanya.

Pero kung kasalanan ang pagtitig sa magandang katawan nito ay hihingi na lang siya nang paulit-ulit na sorry. Hindi niya namalayan na nahulog na pala ang butiki na maluwag niyang pagkakahawak at nawala ang pagkatulala niya sa katawan ng binata nang marinig niya itong sumigaw at tumalon-talon dahil sa butiking nasa paanan nito.

"Leya!" naiinis na sabi nito.

Doon na siya humalakhak at nagmamadaling lumabas ng kuwarto nito. "Buti nga sa 'yo!" malakas na sigaw niya. Saka siya nagtatakbo pababa sa hagdan para makalayo sa lalaki. Wew! Pinagpawisan siya sa nakita niyang hubad na katawan nito. He's a walking temptation. Beware Leya!

#VinceandLeyaForever (COMPLETED)Where stories live. Discover now