8

1K 26 0
                                    


"Sasamahan mo pa rin ako, 'di ba?" nakangiting pagsusumamo nito sa kanya.

Bumuga siya ng hangin saka mabilis na kinuha ang unan na nasa tabi niya saka mabilis na hinampas sa mukha nito na ikinadaing nito. "Oo na!" natatawang sabi niya.

"'Uy, masakit 'yon!" reklamo nito at akmang gaganti ito ay mabilis na siyang umalma.

"Subukan mo at hindi na ako sasama!" pananakot niya dito.

"Ang lakas maka-black mail! Humanda ka kapag natapos na ang pageant." Naiiling na sabi nito, natawa na lang tuloy siya.

NANG MATAPOS silang manood ng movies ay ito naman ang sumama sa kanya papunta sa bahay nila para maki-meryenda ngunit papasok na sila sa loob ng bahay nang may tumawag sa pangalan niya at sabay pa silang napalingon ni Vince kay Red na noon ay nakatayo sa harapan ng gate nila.

"Mukhang tinubuan na siya ng lakas ng loob para umakyat ng ligaw sa 'yo." Bulong sa kanya ni Vince, na hindi na niya pinansin dahil naglakad na siya palapit sa lalaki at pinagbuksan ito ng gate. Lumantad sa harapan niya ang isang bouquet of red roses.

Mabilis inabot ni Red sa kanya ang bouquet saka ito napangiti sa kanya. "Maaari bang manligaw sa 'yo, Leya?" anito.

Saglit siyang nagulat. Ito kasi ang unang beses na dinalaw siya ng isang manliligaw sa bahay nila mismo at may dala pang mga bulaklak. Hindi tuloy niya alam ang gagawin.

"Pasok ka, Red." Ani Vince na bigla na lang sumingit sa kanilang dalawa ng lalaki, saka mabilis na pinapasok si Red sa loob.

"Ano'ng ginagawa mo?" bulong niya sa kaibigan.

"Manliligaw daw siya! Alangan namang sa labas lang siya ng gate manligaw, 'di ba?" natatawang sabi nito.

"W-Wala pa sina mama at papa." Aniya, alas otso y media na no'n ng gabi at tiyak paparating na rin ang parents niya.

"Eh, di entertain mo muna sa loob tapos pagdating nila tito at tita sabihin mong manliligaw sa 'yo si Red, tutal kilala na din naman siya, e." ani Vince.

"Manager ka ba ni Red?" naitanong tuloy niya dito. Para kasing pinagtutulukan siya nito sa lalaki.

"Mas mabuti nang nanliligaw sa bahay kaysa sa kung saan-saan lang." anito.

"Lakas mong makapagsabi niyan pero sa hospital mo naman nililigawan si Maxine no'n at isang beses lang yata sa bahay nila, e." naiiling na sabi niya dito na binalewala din nito, kaya napailing na lang siya.

Kapagdaka'y pinapasok na rin niya sa loob si Red para paupuin sa sofa sa salas nila at painumin ng juice.

"Bakit mo nga pala ako liligawan?" tanong niya kay Red. Mabilis naman siyang napa-aray nang dumapo ang kamay ni Vince sa braso niya para tapikin siya nang magaan.

"Natural dahil gusto ka niya, ibang klase ka din, 'Eyang, e." naiiling at natatawang sabi nito. Bago ito tuluyang tumayo. "Aalis na rin ako para ma-solo n'yo ang isa't isa." Nakangiting tukso pa nito sa kanya.

"Huwag mo kaming iiwanan dito, ano'ng sasabihin ko sa kanya?" nalolokang bulong niya sa kaibigan.

Natawa naman ito sa sinabi niya. "Kaya mo na 'yan!" anito, saka na ito nagpaalam sa kanila.

Napailing-iling na lamang siya bago muling bumaling kay Red na noon ay nakangiting nakatitig sa kanya. "So, Red, ano bang nakita mo sa akin at bakit mo ako gustong ligawan?" tanong niya sa lalaki.

HABANG nakatitig si Vince kina Leya at Red na magkasamang nakaupo sa sofa ay parang nakaramdaman siya nang kakaibang damdamin na ngayon lang niya naramdaman. Jealous? Hindi niya alam. Hindin pa naman siya nagselos kahit kanino no'n e, maliban na lang kapag may bagong nagiging kaibigang lalaki si Leya na madalas nitong nakaka-jamming sa kantahan, since high school ay mahusay nang singer at instrumentalist ang kaibigan niya at isa nga siya sa mga tinuruan nito sa paggigitara, e, nasa banda daw kasi ang papa nito no'ng college ito.

Ngayon nga lang uli niya naramdaman na parang may maglalayo na naman kay Leya mula sa kanya—pero ang epic din niya e, 'di ba ginusto naman niya ito? Na maligawan ito ni Red dahil hindi pa ito nagkaka-boyfriend? At kahit papaano ay gusto niyang iparanas dito ang magka-first love pero parang ang weird nang nararamdaman niya lalo pa't nakikita niyang napapangiti na rin si Leya dahil sa kausap nitong lalaki.

Maganda si Leya pero madalas niya itong tinutuksong pandak na gorilya dahil ang cute nitong maasar, maganda ang kutis kahit morena ito at maganda ang mga mata nitong laging nakangiti. Minsan nga kapag nagkakalapit sila nito ay may something na siyang nararamdaman lalo na kapag nakatitig ito sa kanya na mabilis din niyang binabalewala—siguro nga kasi ay nadadala lang siya sa cute na characteristic nito.

At gusto niya kapag nagka-boyfriend ito, piliin nito ang mabait at mahal ito—at nakita niya ang lahat ng 'yon kay Red na matagal nang may crush sa kaibigan niya—marahil ay nasa two to three years na rin ang paghanga ni Red sa kaibigan niya at ngayon nga lang ito tinubuan ng lakas ng loob.

Dapat ay masaya siya para sa dalawang ito pero bakit parang nabo-bother siya na naguguluhan na hindi niya maintidihan? Napailing-iling siya. Baka siguro nami-miss lang din niya si Maxine at naiingit lang siya sa dalawa dahil wala siyang partner nang mga sandaling 'yon!

#VinceandLeyaForever (COMPLETED)Where stories live. Discover now