CHAPTER 9

8.4K 171 7
                                    



Ngayong gabi na ang house party. Simpleng damit lang ang suot ko dahil sa poolside lang din naman ng bahay namin ito gaganapin. Noong una nga, gusto pa ni mommy na magsuot ako ng dress na kumikinang-kinang. Sabi ko naman, simpleng selebrasyon lang naman ang gaganapin at hindi ko naman birthday kaya okay na sa akin ang simpleng dress.


Marami nang bisita sa labas pero nakatayo pa rin ako dito sa living room namin. Nagsidatingan na rin ang mga kaibigan namin kanina. Inimbita rin ni ate ang mga kaibigan niya kaya naman nandiyan na rin siguro sila sa labas. Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran ko kaya naman napalingon ako.


"Late ba ako? Sorry."


"Hindi. Maaga lang talaga silang dumating. Bakit hindi ka pa dumiretso sa labas?"


"Kasi nagtext si tita Remy. Sabi niya hindi ka pa daw lumalabas. Hinihintay mo ako 'no?"


"Gumawa ka na naman ng sarili mong assumption. Haha. Sandali. Di mo ba kasama si Aidan?"


"Hindi pa ba nasabi ng ate mo sa'yo? Ay, oo nga pala. Hindi nga pala siya nagsasabi sa'yo. Hindi makakapunta si Aidan. Noong isang araw pa kasi sila nasa beach ng barkada niya. Pasensya na daw, naka-schedule na kasi 'yung sa kanila bago pa siya masabihan ng tungkol dito sa party mo."


"Okay lang. Naiintindihan ko. Biglaan din kasi ito eh. Tara na sa labas."


Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumakad palabas ng bahay at papunta sa poolside. Napakalakas ng tugtog at nagsasaya ang mga bisita. Ang iba, naliligo pa sa pool namin. Pagdating namin doon, sinalubong kami nila Vogurt at Yogurt.


"Hi Rainie! Hi Ma-...este Aidan pala. Haha."


"Ano ka ba 'teh! Nangako tayo sa kanilang wala tayong ibang pagsasabihan ng tungkol soon."


Agad namang humingi ng paumanhin sa amin si Yogurt. Napagkasunduan kasi naming Aidan ang itatawag namin kay Matt pag kasama namin si ate at ang schoolmates namin. Tatawagin naman namin siya sa totoo niyang pangalan pag kami lang ang magkakasama o pag kasama namin ang mga magulang ko. Sana lang walang magkamali sa amin.


"Anyway, uy girl, congrats ha? Grabe! Hindi ko talaga alam kung anong mahika ang ginagamit mo para makapag-aral ng mabuti! Ang tataas na naman ng grades mo!"


"Masipag at matiyaga lang talaga siya. Pinilit nga rin ako nitong gawin ng maaga 'yung requirements ko kaya maaga rin akong nakapagpasa eh."


"Ay oh. 'Yung boyfriend na talaga ang sumagot. Haha. Oh siya. Habang nilalanggam kayo diyan, paparty na kami, Rainie. Pupunta na kami sa refreshments ha? Tom jones na kami eh. Lalafang muna kami."

University of Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now