Nang makalapit ay kay Manong Arman siya pumunta. Our car was tinted but not darker enough to hide myself inside. Kaya diretso ang mga mata sa akin ni Conrad pagkatapos niyang kausapin si Manong Arman.

Nag-iwas ako ng tingin. Tumungo ako at pinagmasdan ang mga daliri kong nanginginig dahil sa takot at kaba. This was the first time I saw him again in person. And instead of excitement, I felt fear and anger at the same time.

Kinatok ni Conrad ang salamin ng aming sasakyan. Manong Arman was confused. Hindi naman siya nangealam sa ginagawa ni Conrad.

Tumikhim ako at pinilit mawala ang mga nagbabara sa aking lalamunan. Ilang beses din akong kumurap upang iwasan ang pagtulo ng aking luha. When I was ready, I opened the window for him. Hindi ako lalabas.

"Elaine," magaspang ang pagbanggit niya sa aking pangalan. "Kailan ka pa nakauwi?" tanong niya sa tonong haluhalo ang emosyong maririnig.

"Yesterday," I simply answered.

He cleared his throat. Tiningala ko siya. Wala sa akin ang tingin niya. Kung saan saan siya bumabaling. Tila manghang mangha sa nangyayari ngayon.

"You didn't call me," utas niya, gulat ang nakarehistro sa kaniyang mukha.

"Do I have to?" I answered back.

Nangunot ang noo niya. Umawang din ang bibig niya at walang naisagot sa akin.

Nanginig ang mga kamay ko sa nerbyos. Nararamdaman kong muli ang pagbabara sa aking lalamunan. Ngayon, ang gusto ko na lang ay magkatotoo ang excuse ko kay daddy. Sana pala sumakit na lang talaga ang tiyan ko at nagpaiwan ako sa bahay. It was really wrong to come here. I knew this might happen but I was hoping that it won't. Hindi natupad ang inaasahan ko.

Umangat ang kamay niya. Lumagpas iyon sa bintana ng sasakyan at nagulat ako sa pag-abot niya sa lock ng pinto. He opened the door. I gasped when he climbed in.

"Conrad, baka makita ka ng security! You're breaking the rules!" I exclaimed. I looked around to see if someone saw him.

"I don't care!" he said, frustrated.

Mabilis ang paghinga ko. Dumadapo ang balat niya sa braso ko at hindi ko makayanan ang simpleng pagdampi niyon. Umurong ako at mas dumikit sa kabilang pinto. Conrad took my hand.

"'Wag kang lalabas," bulalas niya.

"Hindi ako lalabas. Ano bang ginagawa mo? Matatapos na ang breaktime ninyo," suway ko sa kaniya. Si Manong Arman na nasa labas ay halatang naguguluhan ngunit hindi siya nangealam. Kilala niya si Conrad at hindi niya ito pagbabawalan gayung wala naman itong ginawang masama.

Nilingon ko si Conrad. Nang makitang magaspang ang pagtitig niya sa akin ay iniwas ko ang aking mga mata.

"Please get out, Con. Mapapahamak ka sa ginagawa mo," malamig ang aking tono kahit ang totoo ay gustong gusto ko nang magwala at umiyak dito.

"I don't care," he repeated what he said.

Bumuntong hininga ako. Binalingan ko siya. Sa wakas ay nasa harap na ang kaniyang mga mata.

"Sinong kasama mo?" tanong niya nang tingnan akong muli. Sa hitsura niya ay para bang gulong gulo siya at hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon. Nakatitig lamang siya sa akin.

"Si daddy. Nasa loob siya. He was arranging some of my documents for school. Magpapasukan na kami sa susunod na buwan," usal ko.

Naririnig ko ang paghinga ni Conrad. Hindi iyon kalmado. Nahihimigan ko ang pagod doon.

Ilang segundo pa ay naririnig ko na siyang tumatawa. "Stupid," he uttered. Muntik ko nang akalain na para sa akin iyon ngunit sinundan niya ng paliwanag. "I thought you came back to stay here for good," aniya sa sarkastikong tono.

Could Have Been Better (Crush Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن