41

767 12 0
                                    

       Jessica's POV

               Nandito na ako sa bahay... at nakita kong lumalakad na rin si jacob papaalis.... Hinatid na naman nya ako dito dahil natatakot syang may mangyari na namang kasama O hindi maganda....

        Binuksan ko na ang pinto at nang pumasok ako sa loob ng bahay ay nakita ko sina auntie at uncle na naka upo sa sofa.... at may babae ring Nasa tapat nila.... nakatalikod sya kaya hindi ko alam kung sino ba ang babae...

       Mukhang mayaman ang babae... halata sa suot nyang kulay violet na fitted dress... na curious ako Kaya nilapitan ko sila.... at nakita ako ni auntie ana...

         "Jessica.... " wika nya... at biglang lumingon sa direksyon ko ang babae... at nagulat ako...

        "Ma?!"

    Halos hindi na maipinta ang itsura ko ngayon dahil sa mga luhang tunutulo galing sa mga mata ko... nanumbalik lahat lahat ng mga nangyari sa amin sa cebu mula nang bumalik sya galing sa ibang bansa....

    "Jessica! " wika nya at nilapitan nya ako tsaka niyakap.... "kumusta ka na darling?" Dagdag nya.... nakangiti sya sa akin habang inaayos nya ang buhok ko....

      Iba na ang itsura nya... Mas bumata sya ngayon, iba na ang itsura at ayos nya...dahil na rin sa make up na nilagay nya sa kanyang mukha... pati ang tono ng pananalita nya, nag iba na... wala na syang punto....

       "Ma...."

     Napatingin ako sa direksyon kung saan dadaan patungong cr at may nakita akong babae na papunta dito... at tinawag nyang mama ang mama ko....

    "Oh! Megan..." wika nya...

    "Sya na ba ang daughter mo?" Tanong nya habang naglalakad papunta sa amin... nang makalapit sya sa amin ay ngumiti sya... "your mom is right... Youre so pretty.... ummm... You are.... Jessica right?" Tanong nya....

       Tumango naman ako.... at iniabot ny ang kanyang kamay sa akin... "I am Megan... your future step sister..." wika nya....

     Nakipag shake hands nya sa akin... pero nng marinig ko ang salitang step sister... Mas nawalan ako ng habang magsalita....

     Sandaling natahimik ang buong sulok ng bahay... at binasag naman iyon ni uncle ben...

       "Ah...Eh..... ma-mabuti pa... maupo na muna kayo...." wika ni uncle ben... kaya umupo na kami....

...

       "Paano mo ba kasi nakilala ang dad ni Megan ha?" Tanong ni uncle ben... 

       Nandito n kami ngayon, naka upo sa sofa... nasa bandang kanan ako at katabi ko si mama habang sa bandang kaliwa nya naka upo si Megan...

       "Ganito yon... nagkakilala kami sa cebu... kasi, nagtatrabaho ako sa hotel na pag mamay ari nya... hanggang sa naging kami... ay dinala na nya ako sa maynila... at nakilala ko iyong si Megan na kagagaling lang sa US dahil doon sya nag aral... at naging close kami...." masaya nyang winika....

      Nakita kong napa tango tango na lang si uncle ben... 

       "Ummm... Jessica darling... " wika ni mama nang humarap sya sa akin.... "gusto kang makilala ng Dad ni Megan... kaya kita pinuntahan dito... ummm... the engagement party will be held tomorrow at the Keys hotel... and invited kayo don..." Wika nya....

      "Ma, i cant believe na mom ka ni Jessica, parang sisters lang kayo..." wika ni Megan... 
Ngumiti si mama samantalang wala namang reaksyon ang mukha ko....

         "Ummm... kailangan na rin naming umalis ben... sige hija aalis na kami... see You tomorrow...." wika nila at naglakad papaalis....

        Nang makalabas na sila ng bahay ay nagdesisyon akong pumunta na muna sa kwarto ko....

        "Jessica.... ayos ka lang ba?" Tanong ni uncle ben... Tumango lang ako.... at lumakad na papunta sa kwarto ko...

...

         Nng Nasa kwarto na ako ay doon ako umiiyak... hindi ko mapigilang ang pagluha ko...

         Bakit ba puro na lang kamalasan at kabiguan ang nangyayari at dumidikit sa akin?!

         Umiiyak lang ako at di ko namalayang pumasok pala si auntie ana.. may nilapitan nya ako...

        "Hija..." Wika nya at niyakap nya ako...

        "Bakit ganon? Bakit lagi na lang nya akong sinasaktan! Nagpunta lang sya dito n para imbitahin tayo sa kung anuman... ni hindi man lang nya naisip ang mararamdaman ko...." wika ko habang umiiyak....

        "Sige lang.... iiyak mo lang yan... ayos lang hija... makikinig si auntie sayo..." wika nya....

     Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan nya ang mga luha ko... "nandito lang kami ng uncle ben mo..." wika nya at muli nya akong niyakap....

         "Salamat po.... Salamat po auntie..." wika ko....

          "Anak na ang turing namin sayo Jessica... kaya pag may problema ka O nalulungkot ka man, lumapit ka lang sa amin.... handa akong makinig sayo...." wika nya...

        Nang sinabi ni auntie ang bagay na yon, Naramdaman ko ang tunay na pagmamahal ng isang ina... sa kanya ko lang na fee ang Ganito... kasi parang wala naman akong importansya sa mga mata ni mama....

         Mabuti na lang at nandito sina uncle ben at auntie ana para sa akin......

................
    

100 days contract (COMPLETED AND UNEDITED)Where stories live. Discover now