O13

173 20 3
                                    

"Naks, may bracelet. Kanino galing?" Usisa ni Minghao. Tiningnan ko naman ang bracelet ko at napangiti. "Naks, anong nginingiti-ngiti mo diyan? Lumalandi ka na ah." Punyeta 'tong hawot na 'to.

"Gago ka betch. Hindi ako malandi, tulad niyo Junhui." Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit ba kasi siya lang ang vacant ngayon? Jusko, Junhui nasaan ka na ba? "Sagad-sagaran katigangan niyo, magpabasbas nga kayo kay Jisoo."

"Aba'y gago." Pinakyuhan pa ako ng kawayan na 'to. "Kanino ba galing 'yan?"

"Kay Mingyu,"

Ngayon ko lang napag-isip-isip, hindi pa pala nila nakikilala sa Mingyu. "Kim Mingyu?" Tanong niya naman sakin. Tumango ako. "Ha? E siya 'yu--" Naputol ang sasabihin niya nung biglang tumunog ang cellphone niya.

"Si Junhui pala, wait." Sabi niya. Kahit na kating-kati akong malaman kung ano 'yon, hinayaan ko na siya kausapin si Junhui. "Wonwoo, uuna na ako. Tapos na klase ni Junhui. Ingat!" Kinuha na niya 'yung bag niya at hindi ko man natanong kung ano 'yon.

Ano si Mingyu? Eto na naman ako, nagiisip ng kung anu-ano. Dahil ako lang mag-isa ay pumunta na muna ako sa library, malamig kasi dun saka makakapag-basa ako. Nung nakarating ako sa library ay pumipili ako ng mga libro na babasahin ko.

"Ba't may ganito dito?" May nakita akong isang pilas ng dyaryo na naka-sipit sa isang libro. Tiningnan ko naman 'yon, medjo hindi na kita 'yung ibang nakasulat pero medjo kita pa naman 'yung iba.

I saw the date, "2 years ago?"

HEADLINES

Recently, there is a news that spread like wildfire on the whole campus. On the 17th of January, time of 2:13 PM, a student's body was found on the school's entrance gate. The boy's body was covered by his own blood. It is said that--

"Ano 'yan?"

Agad naman akong napalingon dahil may bigla nalang susulpot sa likod ko. "Tangina Kim Mingyu. Ayan ka na naman!" Pabulong kong sigaw sakanya, baka mapagalitan kami ni Librarian. Napakasungit pa naman nun.

"Hehe. Sorry na." Binalik ko na 'yung hawak kong libro at 'yung nakasipit doon. "Kanina mo pa kaya time, Misis ko." Napatingin naman ako sa relo ko at nanlaki ang mga mata ko.

"Puta oo nga! Sige una na ako. Mamaya nalang." Hinalikan ko ang pisngi niiya dali-daling lumabas sa library. Bakit ba kasi ako pumunta pa sa library kung alam kong konting oras nalang naman ang hihintayin ko?

Aish, Jeon Wonwoo.

Sa kabilang banda, naiwan si Mingyu doon sa library. Kasalukuyang hawak ang isang pilas ng dyaryo na kaninang hawak ni Wonwoo, "Bu'ti nalang at naabutan kita Wonwoo. H-hindi ko kayang masaksihan na malimutan mo ako." Nilukot niya ang papel at tinago sa bag niya.

"Tatlo nalang, tangina naman kasi, bakit ang bilis ng araw? Ng oras?" Muli na namang may naramdaman si Mingyu na kirot sa kaliwang dibdib niya. "Bakit hindi nalang ako pagbigyan na makasama ko siya ng matagal?"

"Napakapait lang ng kapalaran naming dalawa,"

----

"Wow, malapit lang pala dito 'yung lugar kung saan magha-hiking tayo." Sabi ko kay Mingyu. Nandito siya sa bahay namin, sleepover daw siya dito. Bukas, aalis kami para sa one day hiking.

Gusto ko muna kasing lumayo muna sa mga toxic, social medias, saka kung anu-ano pa. Gusto ko muna sa kalikasan, "3 hours ang aabutin natin bago matunton 'yung peak." Sabi ni Mingyu habang nakaharap sa laptop ko.

Butterfly's Wish | meanieWhere stories live. Discover now