O1O

171 21 9
                                    

"Paano ba kasi 'to?" Napakamot nalang sa ulo si Mingyu dahil sa nirereview niya sa math. Malapit na kasi ang exams ng bawat course. Kakaiba nga e, isang araw lang.


"Patingin," Inabot niya sakin 'yung reviewer niya at tiningnan ko naman ito. After analyzing it. . . wao big word. Analyzing daw e no, pwede namang inintindi. "Halika rito,"


Tinakip niya naman ang kanang kamay niya sa bibig niya, "Halikan na?" Napakamanyak. Tinakip ko sa mukha niya 'yung reviewer.


"Ulol. Asa. Mag-review ka mag-isa mo. Bahala ka bumagsak,"


"Bumagsak sayo?" Hindi ito ang oras para kiligin Jeon Wonwoo!


Conceal! Don't feel!


Failed#


"Bahala ka na nga dyan," Tinalikuran ko na siya. Bwisit na poste. Grr.


Hindi ko na siya pinansin. Anyways, nandito kami ngayon sa apartment niya. Nag-aya siya dito e. Dito daw mag-review. It's pretty neat, nasabi niya sakin na ayaw niya ng makalat. "Wait, kukuha lang ako makakain."


Umalis muna siya sa kwarto. I decided to take a look. Hmm, wala siyang gaanong mga pictures dito. Not until a noticed a picture frame, nakataob ito.


Out of curiosity, tumayo ako at tiningnan 'yon. Bakit naman niya kasi itataob diba? Hmm. Unti-unti akong lumapit doon at itinayo ang frame. Biglang nanlamig ang kamay ko. "Ano. . ."


Biglang tumunog ang pinto at nakita ko si Mingyu na nakatulala lang sakin. "A-ah! K-kain na tayo!" Mabilis niyang nilapag ang dala niyang pagkain sa table at hinawakan ang likod ko. "Masarap 'yan! Ako nagluto niyan!"


Hindi ko nalang pinansin 'yon. Pero hindi talaga mawala sa isip ko.Tahimik na ang paligid namin ni Mingyu at hindi pumapasok sa isip ko ang pinag-aaralan namin ni Mingyu.


Sinubukan ko naman na pagtagpi-tagpiin lahat. Nung nakaraan, nakita ko silang dalawa na magkausap, narinig ko 'yung part na kailan daw ba sasabihin, dapat sabihin na, o ano pa man. Pero ang dinahilan lang nila, nagkasalubong lang sila at nagpaturo ng daan papunta sa library si Seokmin?


Seokmin knows the way. Saming magkakaibigan, mas gamay niya ang university dahil bago pa kami magkakilala nun ay matagal na siyang nagaaral sa pinapasukan namin ngayon.


I swear, something's off.



Tapos ngayon, ngayon na nakita ko 'yung picture frame. Si Seokmin at Mingyu, may date sa likod. It was 2 years ago. Magkaakbay sila at parehas na nakangiti.


Naghihinala na ako, sobra. Talagang may mali. Mingyu. . . who are you? Really?


----

"Exams? Natapos ka din! Saka na ako kakabahan kapag nagbigyan na ng papers." Nag-inat pa si Mingyu. Loko talaga. Since half-day lang kami ngayon, napagdesisyunan namin na pumunta sa pet cafè.

Butterfly's Wish | meanieWhere stories live. Discover now