Fifteen

1.6K 42 7
                                    

Kerry

Ilang araw na ang nakalipas at wala pa rin akong nakukuhang sagot. Hindi ko maintindihan ang mga kaibigan ko. Lahat sila hindi ko na naiintindihan.

Prente akong nakaupo habang nakikinig sa kausap ni Dad through phone call. They are talking about their business. Isang business na kailan man hinding-hindi ko maiintindihan.
While sitting, I am scanning some photos and documents of their business. Gusto ni Dad na pag-aralan ko na ang daloy nito.

I wasn't really paying attention to these things infront of me. Nang napansin kong natapos na si Dad sa kanilang pag-uusap ay umakto ako na pinag-aaralan ko ito.

"So, what can you say with our business? We are growing." Natutuwa niyang sambit sa akin.
He is even happy that this fucking business is growing?

"Dad, iyan lang ba talaga ang business na magpapabuhay sa'tin?! Paano na kapag kayo ay mahuli?" Hindi ko na kaya makapag-timpi. Everything is too much.

"Hindi tayo mahuhuli kung walang magsusumbong, Kerrian." Maotoridad niyang sabi sa akin at inilagok ang isang baso ng champagne.

"My gosh, dad! Nawala lang si mommy ganito na tayo?! We have a publishing house, isn't that enough?! Bakit kailangan pa kailangan ganito or kung ano man iyong pinagaawayan niyo!"

"Hindi sapat ang publishing house sa inyong magkakapatid. Your sister is in Harvard and your brother is on Brint, Kerrian. Baka nakalimutan mo!" He stood up and slapped me. Kusang tumulo ang mga luhang matagal ko ng pinipigilan. Kusa rin lumabas ang mga hinaing na matagal ko ng kinikimkim.

"That's why I stayed in a low cost school para hindi malaki gastusin! Why are you so blinded with money?!" I answered him.

"I want my children to have a happy life! I want all of you to get what you want! I don't want you to experience any hardships, like what I have been through." Nanginginig ang boses ni dad, hindi dahil sa niiyak siya. Kundi dahil sa kanyang galit.

When my mother left us, he turned into a monster. He's focused with his money than us. He even supports my brother's fucking bussiness.

"Money doesn't give me happiness. Your time and attention, dad. That things matters to me. Get what I want? It's all free. What I'm asking is all free."

Halos mapaluhod ako nang sinampal niya na naman ako...

Agad kong tinalikuran si Daddy at tumakbo patungo sa aking kwarto. Napaupo sa sahig nang naisarado ko ang pinto. Sabay ng aking pag-upo ang pagbuhos ng aking mga luha.

Ngayon lang ako napagbuhatan ng kamay ng aking ama. Ngayon ko lang naranasan na mailabas kung ano talaga ang gusto kong sabihin. Ayoko na. Ayoko na mabuhay sa ganitong paraan. Simula ng iniwan kami ni mommy, marami na ang nagbago. We used to be so close with each other, together with my siblings. But now? We even talk like strangers. That we're just connected because of money.

I have been keeping this pain for a long time, all by myself, because they showed me how insensitive they are. I learned how to be independent. I learned how to be considerate with others' feelings and opinions. I didn't want people to experience what I have been through. I want to hear them out unlike what my family has done to me.

Ito na ba ang karma ko? Ang hindi pakinggan ng aking pamilya?

Biglang sumagi sa aking isipan si Alessia. No one knows if she really ran away from us. No one knows the reason either. What if her family didn't hear her out? Kaya nangyayari ito. What if she got tired of us because she feels alone? I know her, she is undeniably delicate but she is also a tough woman. Isinantabi ko kung ano man ang nangyari kanina. My friend needs me, needs us.

Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang aking messenger. Hindi na ito gaya ng dati na maingay, ang last message ay kay Red na ni-seen ng lahat.

I requested a video call, ilang minuto rin ay may sumagot nito. Si Ara ang unang sumagot.

"Kerry, miss you!" Sambit niya sa aking habang kumakain, bahagya akong tumawa.

"Video call while eating, miss you more!" Bakit iba talaga ang pakiramdam kapag kausap ko sila? It feels like home. Ganiton ang nararamdaman ko noon sa pamilya ko noong buhay pa si mommy.

"Saan kaya sila? Dial ko sila ulit, mga kill joy nito." Sabi niya.

Tumayo ako at isinirado lahat ng bintana. Umupo ako sa aking kama at hinayaan ang lampshade na magbigay sa akin ng ilaw.

"Oy Renesse!" Rinig kong sambit ni Ara.

"Pasalihin niyo nga si Rielle rito." Seryosong sambit ni Reese sa amin, nakikita ko rin sa kaniyang mukha na may hindi siya nagustuhan at alam kong nakikita rin iyon ni Ara.

"Anong nangyari? May problema ba?" Tanong ko.

"Basta. Sasali lang ako ulit duto kapag narito na tayong lahat, lalo na si Rielle. May dapat pa siyang sabihin sa atin." Ano na naman ba ang nangyari?

"Reese, kailangan ba sa lahat ng bagay ay dapat nating malaman?" Kahit video call lang ito ay ramdam ko na may magaganap na naman na away sa pagitan nilang dalawa.

"Ara, kailangan ba sa lahat ng bagay ay dapat kang sumasapaw?"

"Goodness! Magsitigil nga kayo! Tumawag ako para kamustahin ko kayo, hindi para magaway-away." Pangangaral ko sa kanila. They turned off their camera kaya phone call nalang kami ngayon.

"Listen guys, walang magagawa iyang pag-aaway niyo. Walang patutunguhan. Let's just meet tomorrow here in our house. I'll text what time. Pag-usapan natin ang dapat nating pag-usapan. We trust each other, right? Let's just sort things out." I told them. Wala akong narinig na response kaya I ended the call.

I want to tell them everything about me. I'm tired of pretending. I always believed that if I pretend that everything is okay, it will be okay. But as the day goes by, it only got worse than I thought.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon