Hanggang ngayon ayoko parin siyang pag-usapan. Ayoko munang marinig ang pangalan niya sa ibang tao.

--

"MARTIN baka gusto mo dito muna sa bahay tumuloy may isa pa namang vacant room. Atsaka parang uulan na din eh" Nag aalala kong sabi. Sabi kasi ni Nanay na may paparating raw na bagyo.

"Nah, dont worry. Kailangan din kasi ako ni Lola, Veanice. Mauna muna ako" Tumango na lang ako. Pumasok na siya sa kotse niya at umalis na.

Tumalikod na ako at bumalik sa loob ng bahay. Pagpasok ko ay nakita ko si Timothy na nakatayo sa harap ng bintana. Seryoso ito at tumitipa sa cellphone niya. Napailing na lang ako at dumeretso papasok sa kwarto ko.

Hanggang ngayon may koneksyon parin ang Rio sa pamilya ko. Ito ang pinakaayokong mangyari. Ang magtagpo ang landas namin.

"Ate?" Lumingon ako at nakita si Timothy na seryosong nakatingin saakin. "Bakit?" Takang tanong ko.

"May ibibigay ako sayo" May inilahad siyang isang... invitation card?

Agad ko naman itong kinuha at tinignan. Ang nakikita ko lang ay date at lugar.

"Ano to Timo?" Tanong ko. "Inivitation po" Umirap ako.

"Para san?" Tanong ko ulit.

"Basta ate. Punta na lang kayo. Alis na" Kumaripas agad siya ng takbo paalis sa kwarto ko bago ko pa siya tinanong... ulit.

Tinignan ko ang invitation. Kulay gold ito. Walang kahit anong laman tungkol kung saan. Basta ang nakalagay lang ay:

Where: Craenis Bar
When: June 2 ****, 7PM

Craenis Bar? Sa pagkakaalam ko bar ito ni Blaize. And speaking of Blaize, kamusta na kaya yung babaitang yun. Matagal na din simula nang makita ko siya. Minsan na din kaming nag-skyskype pero madalang na lang nang lumipas ang mga taon.

Natutulog na ata sila Nanay. Si Venice naman ay kasama raw ni Tristan sa Baguio. May ginagawa sabi pa ni Victoria. Ni hindi man lang sinabi saakin kung anong ginagawa nila.

Talaga namang wala akong alam sa mga nangyayari. Gusto ko maka cope up agad. Maybe I should speak to Blaize tomorrow?

Tatanungin ko na lang si Timothy bukas kung nasaan si Blaize ngayon. Magpapahinga muna ako.

In-off ko na ang ilaw at agad humiga. Di nagtagal ay nakatulog na din ako ng mahimbing.

"Veanice..."

Natuptop ko ang bibig ko. Pinipigilan ko ang maiyak. Sa wakas ay makakakita na siya. Si Craize. Ang mahal ko.

"You are so beautiful.." Rinig kong sabi niya. Napangiti naman ako at napaiyak. Maganda. Oo tama ka Craize. Maganda si Veanicequa.

Oo, si Veanicequa ang nakikita niya ngayon. Habang ako ay pinili na lang manatili sa labas. Nakadikit lang ang tenga ko sa pinto para marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Finally hon. You can see me now" Rinig ko ang boses ni Veanicequa.

"Hon?" Takang tanong ni Craize. Nanlaki ang mata ko. No.. No... Hindi ko tinatawag na hon si Craize.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang bumukas ang pinto. Nakita ko si Veanicequa na nakatingin saakin.

"Tell me everything now" Tinaas niya pa ang kilay saakin. Umiling ako.

"What?!" Hinila niya ang braso ko at pumunta kami sa malayo. Alam kong ayaw niya kaming marinig ni Craize na nag-sasagutan.

"Anong ayaw mo?! You are my substitute so tell me everything you know about him!" Sigaw niya.

"No! Ako lang ang dapat makakaalam! Kahit substitute ako, ako naman ang minahal ni Craize at hindi ikaw!"

Tumalikod ako at tumakbo palayo. Rinig ko ang boses niyang tumatawag saakin. Pero hindi ko yun pinansin.

Napabangon ako at agad binuksan ang lamp na nakapatong sa bedside table ko.

Napatingin ako sa kamay kong nanginginig parin.

My nightmares, bumabalik na naman sila. Ayoko, ayoko na.

-

RHEAlisticFantasy

I Can See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon