SK 20: last chapter

Comincia dall'inizio
                                    

"Thank you." She mouthed, hindi naman nahiya si Derron na halikan siya sa labi kahit nandoon ang kanyang mga magulang.

"No, I am more thankful."

Kahit gaano pa kasaya, hindi niya maiwasan dalawin ng takot. Alam niyang nanahimik lamang si Derron, imposibleng hindi nito nalaman ang dahilan bago siya itinakbo sa hospital. Ikinatatakot niya ang oras na magtanong ito at wala siyang magagawa kung hindi ang umamin.

"He's so tiny." Iyon agad ang kanyang nasabi ng ibigay sa kanyang bisig ang kanyang anak. Akala niya wala na siyang isasaya pa, meron pa pala. Holding their little angel makes her hurt flutter, isang linggo rin halos na nakukuntento lamang sila sa pagtingin sa kanilang baby, ngayon nahahawakan niya na.

"He's so handsome." Komento niya, umupo si Derron sa kanyang tabi, ito rin ay nakatitig sa kanilang anak, nabibighani sa munting anghel na nagawa nila.

"Kanino pa ba magmamana?" proud na sabi nito." Dylan makes our life so complete, wala na akong mahihiling pa. Pangako sa inyo na lamang dalawa iikot ang aking mundo." Naramadaman niyang nakatingin ito sa kanya kaya naman nilingon niya ito, she can't deny the pain in his eyes, hindi niya kayang isalin sa salita ang pag-aalala sa mata nito. Alam niya, ramdan niya na may bumabagabag dito. Sana lamang ay hindi gawin ni Ceres na kausapin ang kanyang asawa, o baka naman nagawa na nito. Natatakot siya, natatakot siyang mawala si Derron at si Dylan pero alam niyang siya ang responsable sa sinapit ni Ceres.

"I just wish I will not lose you both." Sumiksik ito sa kanyang leeg, ang kanyang isang kamay ay humaplos sa buhok nito. He looks so tired, pakiramdan niya nga ay bumaba ang timbang nito. Ang mga trabaho niya kasi sa kumpanya ay ito na ang siyang gumagawa, that must be too much for him,considering how of a free man he was before he took everything seriously.

"You will not lose us, both." Sa sinabi niya ay naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito, her heart ache too.

Nang madischarge sa hospital ay hindi muna pumasok sa opisina si Derron , mas gusto nito na silang dalawa ang siyang mag-alaga kay Dylan. They both wanted to learn things while raising their baby. Derron made sure that she eat healthily lalo na at nagpapa breastfeed siya. She can tell how a good of a father he is, proud na proud pa ito sa mga kaibigan, hindi lang ilang beses na pinagmamayabang nito ang kanilang anak, minsan nga siya na ang siyang nahihiya.

"Ma'am, may bisita po kayo sa labas." Napalingon siya sa kanilang kasambahay, nandoon ang pag-aalinlangan sa boses nito. Mula sa paglalaro sa kanilang anak ay napalingon din si Derron, nakakunot ang noo nito, tumingin din sa kanilang kasambahay pero hindi nagtanong.

"Sige bababa na po ako."

"Sige po," lumingon siyang muli sa asawa, par asana magpa-alam pero hindi na siya nakapagsalita dahil tinawag ni Derron ang kasambahay, may iiutos daw sa kasambahay.

"Sige, bumaba ka na. Harapin mo na ang bisita mo." Malamig na utos nito.

Wala na siyang nagawa kung hindi ang umalis, sabi ng kasambahay ay nasa labas ang kanilang bisita. Hindi na siya magtatanong kung bakit hindi ito pinapasok, hindi rin naman niya ibig na makita ito ni Derron sa loob ng kanilang bahay.

"What are you doing here?" tanong niya rito. Lumingon naman ito, may bitbit na prutas , hindi nga kinuha kaya naman binaba na lamang nito.

"They didn't let me in. Nakalabas na pala kayo? I'm sorry , hindi kita nabisita sa hospital but I was there, hindi lang ako pinapasok ng asawa. " Ceres chuckled, hindi niya makita ang humor sa sinabi nito, alam niyang kilala ito ni Derron, imposibleng hindi." He was so jealous, hindi ko pa nga lang sinasabi ang plano ko nagseselos na siya, paano pa kaya kung nalaman niya? I am just curious on what will be his reaction once he realized that you just gave him a child so that you can leave him? Siguro magwawala iyon, what do you think?"

"Stop it Ceres!" pigil niya rito, walang basehan ang mga sinasabi nito. Ang mga taong naghiwalay sa kanila ay nagpabago ng malaki sa kanya.

"Why will I stop?" humakbang pa ito palapit sa kanya. How she admired her bravery before, but that was before. That was before she realize what her hearts truly desire.

"Ikaw ang nagpagulo sa mundo ko, hindi ba't dapat lamang na ikaw ang umayos nito? I won't leave this place unless you go with me. Hindi mo na ako maitatapon gaya ng ginawa mo noon." Bakas ang hinahanakit sa bawat salita nito. Hindi niya iyon sadya, hindi iyon ang kanyang intensyon. "Hindi mo ako kayang iharap sa pamilya mo dahil ikinahihiya mo ako, hindi mo ako kayang panindigan kahit tuluyang nasira ang buhay ko ng dahil sa iyo." Dinuro siya nito sa dibdib kaya naman napaatras siya.

"Tama na!" hinawakan niya ang dalawang kamay nito, nagulat siya ng bigla siyang halikan nito sa labi. Iyon at ang pagsigaw ni Derron sa kaniyang pangalan ang siyang nagpagulat sa kanya. Galit na galit na lumapit si Derron sa kanilang dalawa. Si Ceres naman ay nakangiti pa sa kanyang gilid.

"Lumayas ka sa bahay ko bago ko pa malimutan na babae ka pa rin." Banta ni Derron dito, hinila siya papunta sa tabi nito. Si Ceres naman ay matapang pang nanghahamon sa kanyang asawa.

"I was just claiming what's mine."

"Walang sa'yo, Yuri' s mine, we have a son, wala kang puwang sa aming dalawa." Humihigpit ang kapit ni Derron sa kanyang pulso, sa sobrang higpit ay malamang magmarka na.

"Okay, nandito na rin tayo, might as well reveal the truth about your secret."

"Let's go Yuri." Utos nito sa kanya, bago pa man sila makapasok sa loob ay nakuha na naman ni Ceres ang kanyang atensyon.

"Bakit ayaw mong malaman nya? You're scared right? Alam mong kami noon, alam mong kami ni Yuri bago pa man kayo mapag-kasundo. You knew I am special to her, kinausap kita, pero anong sinabi mo sa akin? The unfortunate will lose. I'm bored so I will invest my time and change her, after all isa naman siyang malaking challenge, hindi na ako talo sa kanya. She's rich even though tainted " Bumitaw siya sa kapit ni Derron, tumingin siya sa mga mata nito.
Her heart wanted him to deny Ceres accusation, kahit pa man nangyari iyon noon, sana walang ganoon. Sana niloloko lamang siya ni Ceres.

"Shut up!"

"Bakit di mo masabi kay Yuri, na –challenge ka sa pagiging lesbian niya at sa pagkakagustuhan namin kaya pinili mo na sirain kami. You pushed the marriage for the both of you to happen, at inanakan mo pa talaga? Your time is up, binabawi ko na si Yuri sa'yo!"

"It's that true?" Tanong nya sa kanyang asawa, maligalig ang mata nito, hindi alam kung patitigilin si Ceres o magpapaliwanag sa kanya.

"Yuri mahal kita." Iyon lamang ang siyang lumabas sa bibig nito. Ang mga akusa ni Ceres ay nangyari noon, nang mga panahong hindi niya pa mahal ang kanyang asawa pero bakit masakit?

Bakit sobrang sakit na malaman na isang challenge lamang pala siya para rito? Paano kung hindi naman pala totoo na mahal siya nito? Paano kung kasinungalingan lamang din iyon?

"Please believe me , I love you." She was crying with no sound. Hindi niya alam kung paanong nauwi na nakasakay siya sa sasakyan na minamaneho ni Ceres. Hindi niya alam kung paano iyon nangyari, wala pang isang oras nasa bisig niya si Dylan habang masaya sa kanyang tabi si Derron, pero ngayon, iniwan niya na ang dalawa.

"Don't worry, Yuri, we will be happy, like always, like before." Hinawakan ni Ceres ang kanyang kamay, mainit ang haplos nito.

Nakakalungkot  dahil hindi na ito ang haplos na hinahanap niya.

Satellite Kiss : EscapeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora