The Memories_01: "Villa fuente Academy"

307 51 57
                                    

§•KABANATA 01•§

♡☆♡《¤_¤》♡☆♡

*Dimithri Ski POV

I am leaving England for Philippines. I hate traveling as much as I hate leaving the country that I'm used too, but dad needs to see me so I can't refuse him, not even once.

Bumaba ang matipunong lalaki na kasing edad ko lamang sa isang black and outrageous Limousine na siyang sumundo sa akin nang makababa ang eroplanong sinasakyan ko sa airport.

"Welcome back master!" Bati niya sa akin nang lumapit ito sa akin. Pinakatitigan ko siya ng deretso. Hindi dahil sa hitsura niya, kung hindi dahil sa sinabi niya na ayaw mag sink in sa kaibuturan ng utak ko.

Hindi ko maiwasang pagkunutan siya ng noo. "Welcome back?" Sa pagkaaalala ko this is my first time to be on this country. "I have never been here BEFORE!" diniinan ko ang before para mas lalong sumiksik sa utak niya. "So cut the crap young man!" Kapag kuwa'y ngumisi ako sa simpleng paraan na makakaya ko.

Bumahid sa mukha niya ang alinlangan at mukhang natigilan, ngunit kaagad na nakabawi at tumaas ng bahagya ang gilid ng kaniyang labi. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaksyon niya, sa halip ay matakot siya at manginig sa kaba mukhang ako pa yata ang nakaramdam ng kakaiba sa bampirang ito.

"I apologize master..." Maging ang paghingi niya ng tawad ay parang alinlangan na sinabayan pa ng hindi makapaniwalang iling.

Like hell is that?!

"It's okay! Dad is waiting the hell for me, shall we go, then?!" I said in a simple way at bahagyang ngumisi.

"This way master!" Iminuwestra niya ang daan at sa nakabukas na pintuan ng sasakyan.

Pagkasakay ko, siya rin kaagad na sumakay sa driver seat at pinaandar ang sasakyan. Pinahinga ko ang ulo sa sandalan ng sasakyan at pumikit. I felt that he was already driving so I opened my eyes, napaismid ako nang makita ang nagtataasang puno sa dinaraanan namin. Hindi pamilyar sa akin ang lugar at hindi ito ang inaasahan ko na daraanan namin gayong hindi naman ganito ang kinasanayan ko sa England. Although there are trees there but well planted and trimmed, maging ang mga damo ay hindi aabot sa balakang ng isang nilalang, unlike here na para bang nasa kabundukan na ako. Nagkibit-balikat nalang ako at muling pumikit.

"Are we not there, yet?" I asked as I opened my eyes again and check the place.

"We're almost there, master!" Sagot niya sa pinakamalamig na tono.

"Like the hell we're out of nowhere!" I murmured as I look outside the window again."Did dad tell you to never call me names? I'm fine with Ski, by the way!" I said as I look at him in the rear mirror.

Marahas ang buntong hininga niya at mas lalong inapakan ang gas upang mas lalong bumilis ang takbo ng sasakyan, hindi ko batid kung naa-annoy ba siya or nahimasmasan lamang sapagkat mula pa kanina ay mukhang may galit na sa akin ang bampirang ito ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil wala naman akong pakialam.

Naging mas kampante na ako nang pumasok ang sinasakyan namin sa isang napakalaking gate at may simbolo na "VA". I guess, this is the Villa fuente Academy dad mentioned on the phone yesterday. He drive through and stop in front of a big fountain.

Umibis ako ng sasakyan matapos niya akong pagbuksan. Inayos ko ng bahagya ang aking itim na leather coat at maroon scarf na nakalaylay lang sa leeg ko bago ako lumakad. Isinabit ko rin ng maayos ang backpack sa balikat ko habang kami ay naglalakad na. Nagpatiuna ang bodyguard ni dad at nakasunod lang ako sa kaniya kung saan man siya pumaroon.

The Story Of A Pure Blood Vampire: "The Memories"Where stories live. Discover now