[21] VIGINTI UNUS

911 37 0
                                    

It was past seven in the evening when the heavy rains poured.

Dark clouds seemingly made the night sky another shade of gray while monstrous lightning struck senselessly. Sa kasagsagan ng mapaminsalang ulan na ito naabutan sa pagmamaneho si Manong Fernando, ang butihing family driver ng isang mayamang pamilya. Pabalik na siya sa Eastwood para sunduin ang mga amo niya nang bumuhos ang ulan.

The road was slippery and the darkness blurred his vision every once in a while. Hindi rin nakatulong ang nasirang windshield wiper ng sasakyan.

"Kapag minamalas ka nga naman."

Kumaliwa ang matanda para makaiwas sa trapiko. Dahil dito, nadaan siya sa liblib na parte ng bayan. Mula sa kanyang kanan, nasulyapan niya ang isang gusaling tila ba pinasabugan. May mga pulis sa lugar at ilang sandali pa, para bang nagsisisi na siyang dumaan dito.

Something felt different, even though he was at a safe distance from the scene.

He then remembered what he read in the newspaper. May serial killer daw sa bayan na 'to at kilala ang demonyong iyon sa pag-iiwan ng itim na laso sa bangkay ng kanyang mga biktima---o kung anumang parte ng katawan ang naiwan sa kanyang biktima. The photos he's seen were chilling and disturbing. Pakiramdam nga ni Manong Fernando, babangungutin siya dahil sa mga larawang 'yon.

At last, he reached the highway but the rain roared ferociously at this point. When he glanced at the rearview mirror, pakiramdam niya naubusan siya ng hininga.

Wala naman kasi siyang natatandaang nakasakay sa likod.

Pero mayroon na ngayon.

"H-Hoy! Sino ka?!"

Isang puting maskara.

Nanginginig na ang buong katawan ng matanda nang mapansing tahimik lang na nakamasid sa kanya ang taong nasa backseat. Nakakapangilabot ang presensya nito. The driver forced himself to avert his eyes on the road but the man behind him slowly pulled out a dagger.

Kasabay ng pagtama ng kidlat ay ang pagkinang ng talim nito sa dilim.

Fear infiltrated his system. Nararamdaman niya ang paglakas ng kabog ng kanyang dibdib dala ng takot pero hindi niya magawang magsalita o sumigaw. Walang lumalabas na boses mula sa bibig niya. Ni hindi na rin siya makapag-isip nang matino.

At sa mga sandaling iyon, habang nanatili ang mata ng manong sa rearview mirror, hindi niya namalayan ang pagkabig ng manibela.

He was now driving on the wrong lane.

Isang malakas na kulog ang narinig sa paligid. Para kay Manong Fernando, tila ba hinuhudyat nito ang katapusan niya. Ramdam niya ang pagiging mapanganib ng lalaking nasa likuran niya ngunit ang ipinagtataka niya, bakit hindi pa siya pinapatay nito? Para saan ang kutsilyong hawak nito?

Just then, the masked man pointed his knife in front.

"Keep your eyes on the road, old man... if you can."

BEEEEEEEEEEEEEP!

Natatarantang ibinaling ni Manong Fernando ang kanyang mga mata sa kalsada. Halos atakihin siya sa puso nang makita ang paparating na sixteen-wheeler truck sa direksyon niya. Malamig at hinampas ng malalakas na hangin at ulan ang sasakyan ngunit naramdaman niya ang pagtulo ng pawis sa kanyang noo.

He was about to have a nervous breakdown.

His feet hurriedly landed on the car's brakes, but it was no use. Too late. Manong Fernando was terrified when he saw the wirings cut. Kinakapos-hininga niyang sinilip ang lalaking nakamaskara sa rearview mirror. Ngayon alam na niya kung saan ginamit ang kutsilyo.

BEEEEEEEEEEEP!

Alec then grabbed a black ribbon and brutally tied it over the driver's eyes.

"See you in hell."

Hindi na nakapalag ang lalaki at ilang sandali pa, isang nakabibinging tunog ang umalingawgaw sa highway kasabay ng nakakapanindig-balahibong aksidente.

Sa bilis ng mga pangyayari, namalayan na lang ng mga tao ang pag-ibabaw ng truck sa kotse at pagkaladkad nito sa katawan ng driver. Everyone gasped when they saw the dead body in smashed between the massive wheels. Kung saan-saang direksyon nabali ang mga buto nito ngunit hindi pa rin tumitila ang ulan na animo'y lumakas pa.

Blood all over the wet and slippery road.

Well, the rain won't stop for anyone, will it?

Mula sa nagkalasog-lasog na kotse, bumangon si Alec. Nagtungo siya sa kabilang bahagi ng kalsada, malayo sa kumpulan ng mga tao. He removed his clothes earlier to make him invisible again. A victorious smirk on his lips when he spotted Sebastian leaning against a tree.

"Let's see how long the police can make it look like an accident," he commented.

Ibinato ni Sebastian kay Alec ang isang supot na naglalaman ng bagong mga damit. Medyo nainis pa siya dahil inutusan pa talaga siya nito. "They can't. Nag-iwan ka ng black ribbon at mga damit, 'di ba?" Mabuti na lang talaga hindi sila tao kaya hindi ma-ti-trace ang fingerprints o DNA nila.

Alec laughed. "Hahaha! Yeah. By the way, saan mo nakuha 'to?"

Sebastian shrugged and started walking back to the direction of their new hideout. "Stole it from a boutique."

"Let me guess, you killed the owner?"

"Yes, and the cashier."

Actually, Sebastian skinned them alive, but Alec doesn't need to know that, right?

---

✔ Killer in the AtticWhere stories live. Discover now