[11] UNDECIM

1.1K 51 0
                                    

Nang makauwi na kami sa apartment na tinutuluyan ni Oriana, agad na sumalubong sa kanya si Caleb. Naningkit ang mga mata ko nang may hawak pa itong mga bulaklak.

What the fuck? Sana para sa burol niya ang mga 'yan.

"Tagal mo, ah! You got me worried."

At nginitian niya ang dalaga. Kung nakamamatay lang siguro ang tingin, kanina pa ako nagkakape sa lamay ng isang 'to. Sa pagkakaalala ko, wala namang okasyon ngayon. Oriana looked surprised but accepted the flowers anyway. "Um... Thanks. Aalis pala ako mamaya. My bastard of a brother demands my presence at our grandmother's house."

Umirap ako nang banggitin ang kuya niya.

Caleb laughed like he understood and the two talked a little more than necessary. Naiinip akong umupo sa may sopa at pinasadahan ng tingin ang mga bagay sa paligid. Wala akong makitang pwedeng maging murder weapon kung sakali mang guluhin na naman ng lalaking 'yon si Oriana.

I need a plan.

Nang matapos na ang pag-uusap nila, tinapunan ko muna ng masamang tingin si Caleb na papasok na sa kwarto niya. Bahagya siyang napahinto sa paglalakad at parang kinakabahang lumingon sa paligid. Bakas ang pagtataka at takot sa mukha niya kaya mabilis niyang isinara ang pinto. I heard him lock the door afterwards.

Buti naman nararamdaman niya ang presensya ko.

When I entered Oriana's room, kinuha ko ang bulaklak ang sinilaban ang mga ito gamit ang lighter na nakapatong sa cabinet.

"Sebastian?!"

Itinapat ko sa mukha niya ang nasusunog na bulaklak. The scorching flames barely grazing her pale skin. I saw the embers reflected in her shocked eyes as I stared at her reaction. In a matter of seconds, naging abo na ang mga bulaklak. I don't even give a damn kung mahal ang bili ni Caleb sa mga 'yon. He should be thankful I didn't turned him into ashes in its place.

"Bakit mo ginawa 'yon?"

Nginitian ko siya. "Sa pagkakaalala ko kasi, hindi naman Araw ng mga Patay para alayan ka niya ng mga bulaklak. So, I did you a favor and dispatched them. You're welcome."

Napanganga siya sa sinabi ko.

What? Wala naman akong maling ginawa, 'di ba?

-

Noong dumilim na ang langit, naghanda na si Oriana sa kanyang pag-alis. She'll be staying in her grandmother's house for a while, iyon ang sinabi niya sa akin. Caleb was still in his room. Maybe he's asleep, maybe he's dead.

Oriana turned to me with her backpack slung over her shoulder. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang siya ang dating batang uhugin na natatakot sa dilim. She's changed so much over the course of time. She matured physically and mentally, I gotta admit.

Ano kaya ang pakiramdam na maging tao?

I pushed those thoughts away when she asked, "Hindi ka ba sasama?"

"Do you want me to come with you?" A playful smile crept on my lips.

She rolled her gorgeous brown eyes. "Quit playing around, Sebastian. Alam ko namang hindi ka hihiwalay sa'kin, eh. Tara na."

Pero imbes na sumunod sa kanya, I shook my head. "I have to meet a friend. Mauna ka na. I promise I'll be back by midnight." Sa sinabi kong 'yon, napailing si Oriana. "Sebastian, kailan ka pa nagkaroon ng ibang kaibigan maliban sa'kin?"

"I should ask you that. Kailan pa kayo naging magkaibigan ni Caleb?"

She didn't respond, much to my dismay. Wala na siyang nagawa at nauna nang pumunta sa bahay ng lola niya. Not before telling me to "behave" myself, of course. Natawa ako sa naisip. Ako? Magbe-behave? That's bullshit. Once a killer, always a killer. Nang naiwan na akong mag-isa sa sala, naramdaman ko ang mga matang nakatitig sa'kin sa likod.

"You have the guts to follow us back here, bastard."

Humarap ako sa lalaking nakaputing maskara na para bang aliw na aliw sa'kin. Hindi ko maiwasang mairita. I felt my hands ball into fists. He was casually sitting on the sofa with his feet on the coffee table, as if he owned the place. May hawak siyang cleaver knife sa kamay niya at prente niya itong pinaglalaruan.

The sharp object glistened under the flourescent lights.

Napansin kong may bahid ito ng dugo.

"So, you left her alone just meet up with me? Tsk. Wrong move."

Tumayo siya't naglakad papalapit sa akin. Akala ba niya matatakot niya ako?

"What do you want?"

Napahinto ito at sandaling nag-isip. His dark eyes then glimmered with the answer, "Aside from killing the girl, I came here to get my favorite dagger back." Sabi ko na nga ba. May kutob akong babalikan niya talaga ang patalin na 'to. A fetish with knives, perhaps?

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko. Nang matansya kong tama na ang distansya naming dalawa, I grabbed the gas lamp on my right and poured the flammable liquid on him.

Mabilis ang mga pangyayari at bago pa man siya makakilos, agad kong kinuha ang lighter sa bulsa ko at hinagis sa kanya.

And just like that, his body was on fire.

"You can get this dagger back once you returned from hell," I mocked.

The flames devouring him with every passing second, and I just sat back down on the sofa and watched him burn. This is more entertaining than television.

---

✔ Killer in the AtticWhere stories live. Discover now