[9] NOVEM

1.2K 56 0
                                    

Another killer in town, huh?

Tulog na si Oriana. After having dinner with that Caleb---who was a little too fucking friendly and touchy for my taste---she immediately went to bed. Syempre bago na naman siya natulog, ipinaalala na naman niya sa'kin na hindi dapat ako pumatay, naniniwala raw siyang mabuti ako, blah blah blah.

Does she really think I have a conscience at this point? How cute.

Hindi ako tao, kaya wala akong konsensiya. I wanted to reason that with her pero tinulugan na niya ako kanina.

'Knowing you sleep peacefully is all that matters,' I thought.

Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya, hindi ko maiwasang isipin ang mga maaaring mangyari sa mga susunod pang mga araw. She hasn't given me an answer yet about what she's going to do to me. Sana naman hindi niya maisipang ikulong na naman ako sa bahay ng lola niya. Halos kaibiganin ko na ang mga daga roon dahil sa pagkabagot ko.

As I was contemplating these things, I heard a soft "click" coming from inside the room.

Naalerto ako at agad kong napansin ang nakabukas na bintana. Umihip ang malamig na hangin mula sa labas. I started walking towards the open window when I noticed something on the floor.

My eyes narrowed in suspicion.

"Footprints?"

Hindi ako maaaring magkamali. There were muddy footprints on the carpet. At nang mag-angat ako ng tingin, I saw a man in a black jacket and white mask standing before me. Staring at me. Kumunot ang noo ko. He can't possibly see me! Si Oriana lang ang nakakakita sa'kin, 'di ba?

But the guy just stared at me for a whole minute before pulling out a combat knife from the back pocket of his jeans.

Nanlaki ang mga mata ko. "Drop that knife, you son-of-a-bitch. Get out of her room, I'm warning you."

Pero imbes na pakinggan niya ako, he hurriedly walked towards Oriana's bed. Shit! Nagmamadali akong sumunod sa kanya at hinatak siya papalayo sa natutulog na dalaga. Nagpupumiglas siya sa hawak ko at nang maagaw ko na sa kanya ang patalim, agad niya akong itinulak papalayo hanggang sa tumama ang likod ko sa pader.

What the hell is happening here?!

"Bakit mo ako nakikita?!"

I frustratedly whisper-yelled at the man. Ayokong magising si Oriana. She's tired and needs her beauty sleep. Nonetheless, his heavy footsteps created noise inside the room. Nakatitig ang walang buhay niyang mga mata sa akin.

"Doesn't matter. I'm not here to chit-chat," sagot nito sa malalim at nakakakilabot na boses.

I growled at him. "You killed that boy on the news, am I right?"

Natawa ito.

Yup. He's insane.

To my horror, he turned his head again to Oriana who was still sleeping soundly. I felt a murderous aura as he studied her and that made me want to get an axe and whack him on the head. Subukan lang niyang lapitan ulit si Oriana!

Nakaramdam na naman ako ng galit at kagustuhang pumatay.

It's in my nature, I guess.

Nang makahanap ako ng pagkakataon, nakuha ko ang patalim mula sa lapag at ibinato ito sa ulo niya. He turned his head a split-second too late and just like that, the hard metal embedded in his right eye. Kitang-kita ko ang pagbaon ng kutsilyo sa mata niya, pagkabasag ng maskara, at ang pagdaloy ng dugo mula rito.

Blood dripped on the floor.

I smirked.

Pero natigilan ako nang walang ekspresyon niyang tinanggal ang patalim na at hinagis ito palabas ng bintana. Napaawang ang labi ko nang mapansin kong hindi man lang siya nasaktan sa ginawa ko. Walang pagdadalawang-isip ko siyang sinugod at sinakal pero wala pa rin siyang reaksyon sa ginagawa ko kahit na halos baliin ko na ang leeg niya.

Marahas niyang kinalas ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa kanya at binulong. "Bantayan mo siyang mabuti... because she's my next target."

What the fuck?

After I regained my composure, I laughed at what he just said.

"I'd love to see you try."

And I mean it. Hindi ko siya hahayaang magtagumpay. Wala akong pakialam kahit si Satanas pa ang kaharap ko ngayon, I'll make sure I'd rip him into pieces and burn his body in the fiery pits of hell if he ever attempts to harm her again.

Nabaling ang atensyon ko nang biglang umungol sa pagtulog si Oriana. She was mumbling things again.

Must be another nightmare.

Pero nang tingnan ko ulit ang lalaki, naglaho na pala ito.

Whoever that bastard is, I'll find a way to kill him.

Marahas kong isinara ang bintana at ni-lock ito bago ako bumalik sa tabi ni Oriana na parang binabangungot pa rin. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari.

Somehow, that "other killer in town" seems as lifeless as a corpse. All too foreign yet alarmingly familiar at the same time. No conscience, no remorse. And just then, one horrific conclusion came to my mind.

"Hindi rin siya tao."

That might be the only explanation. Pero ano naman ang kailangan niya kay Oriana?

---

✔ Killer in the AtticWhere stories live. Discover now