CHAPTER 17

2.8K 259 14
                                    

CARA'S POV

*Tok*

*Tok*

*Tok*

Nagising ako ng may narinig akong kumakatok sa pintuan, napahaba yata ang tulog ko?

"Ma'am Cara.. pwede na po kayong bumaba ng makakain na po kayo ng agahan."

Isa lang pala sa kasambahay, akala ko si aviva na naman, sabagay hindi naman marunog kumatok ang isang yun.

"Sige po bababa na po ako... mag-aayos lang po ako."

"Sige po Ma'am."

Naghilamos agad ako at nag toothbrush pagkatapos ay nagpalit ako ng damit hindi naman ako makapaligo dahil nga namamaga pa yung balakang ko.

Napa-aray pa ako ng magshort ako... Ang sakit talaga niya kahit konting kilos lang ang gawin ko.

Kaya't dahan-dahan lang din ako sa pag baba ng hagdanan.

Pagbaba ko agad na sumalubong sa akin ang mga kasambahay na kanya-kanyang naglilinis.

Talaga pa lang pinabalik na sila dito sa mansion at nadagdagan pa ang mga kasambahay.

"Magandang umaga po Ma'am." Bati nila sa akin.

"Magandang umaga din po sa inyong lahat."

Dahan-dahan pa rin ang paglalakad ko papuntang kusina.

"Magandang umaga po sa inyo Ma'am Cara." Bungad sa akin ni manang fe.. Ang mayordoma sa mansion.

"Magandang umaga din po sainyo Manang fe."

"Ehem!" May tumikhim.

Kaya napalingon ako at nakita ko agad si aviva na nakatingin pala sa amin ni manang fe at yung babaeng masungit naman ay abalang kumakain.

Nakakahiya... makakasabay ko pa sila mag agahan parang gusto ko nang umalis at bumalik na lang ulit sa kuwarto, pero huli na para bumalik sa kuwarto namin ni don diego... dahil sa pagtawag sa akin ni manang fe.

"Ma'am Cara dito po kayo maupo."

"Salamat Manang fe."

Umupo naman ako kung saan ako pinaghila ng bangko ni manang fe... Sakto naman na nasa harapan ko nakaupo si aviva at yung babaeng masungit habang silang dalawa naman ay magkatabi.

Paano kaya ko makakakain ng maayos nito?

"Manang pakuha naman po ng strawberry juice ko." Si aviva.

"Señorita ubos na po ang stack ng strawberry juice."

"Ganon po ba sana manang hindi na maulit to alam niyo naman pag nandito ako sa mansion ay kailangan laging may strawberry juice or any kind of strawberries naiintindihan niyo po ba yun?."

"Opo Señorita hindi na po mauulit."

"Vav's that's enough please." Si sungit.

Paborito talaga siguro ni aviva ang strawberry...

"YOU!" Nguso sa akin ni aviva "Bakit nakatunganga ka lang diyan at hindi ka kumakain?"

"A-aah heto kakain na." Ayun lang ang nasabi ko.

Nakita ko naman na inirapan ako ng babaeng masungit.

Konting kanin lang kinuha ko baka hindi ko maubos, lalo na't nasa harapan ko sila aviva... egg, bacon, ham, hotdog, rice, cheese, bread, ayan yung mga nakahain sa mesa... kaso hindi ko hilig ang mga nakahain, buti na lang at may hotdog pa, yun nga lang... isa na lang pala l ang nasa plato.

Tutusukin ko na sana ng tinidor yung hotdog, ng makipag unahan sa akin yung babaeng masungit.

"Oooops! That's mine." Sabi niya.. sabay kagat sa hotdog ng matusok niya Ito.

Hinayaan ko na lang... tutal madami pa namang ibang pagkain.

Itlog na lang siguro ang kakainin ko.

Inaabot ko yung plate ng egg pero nakipag-unahan na naman ung babaeng masungit.

Nananadya na siya...

"Oooops! I think na bitin talaga ko sa egg."

"Kimmy what are you doing?." Tanong ni aviva.

"Doing what?."

"Yang ginagawa mo ngayon! Ano yan?"

Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa.

"Huh?."

"Paano ka naman mabibitin sa egg eh hindi ka naman kumakain niyan dahil sa allergy mo right?."

Nilakihan naman niya si aviva ng mata na parang sinasabing wag siyang maingay.

Sabi ko na nga ba, dapat umalis na ako dito kanina pa.. at hindi na ako sumabay sa kanilang dalawa.

"Me?." Turo niya sa sarili niya. "May allergy sa eggs? wala kaya vav's." Sabay subo niya ng sunod-sunod sa itlog, Pero parang kinakabahan siya...

"See... I can easily eat an eggs."

"Kimmy stop that! you may be ashamed of what you are doing." Inis na sabi ni aviva.

"Don't worry.. nothing can happen badly to me vav's."

"Tch! ewan ko sayo... you're so stubborn."

"Ma'am Cara heto po ang hotdog... nagpaluto po ulit ako. Kain na po kayo Ma'am Cara." Sabi ni Manang fe.

"Maraming salamat po Manang fe." Natigil naman si aviva at ung babae na masungit sa pag-uusap nila.. dahil sa biglang pag sulpot ni Manang fe.

"Manang fe siya nga pala, diba ho marunong kayong manghilot?." Si Aviva.

"Opo Señorita marunong po ako.. bakit po señorita.. mag papahilot po ba kayo?."

"No! not me.. actually si Cara po.. namamaga kase yung balakang niya."

Napatigil naman ako sa pagkain ng marinig ko yung sinabi ni Aviva.

"WHAT? how did you know that vav's?." Gulat na gulat na sabi niya.

Pero hindi naman siya pinansin ni Aviva.

"Sige po Señorita pagtapos na lang po kumain ni Ma'am cara tsaka ko po siya hihilutin."

Isang tango lang ang isinagot ni Aviva kay Manang fe... napangiti naman ako dahil wala na siyang toyo ngayon.

Isang katahimikan naman ang namayani sa aming lahat at ni isa wala ng nagsalita.

Ngunit isang napakalakas na tili ang bumasag sa katahimikan namin lahat.

"O.M.G WHAT'S HAPPENING TO MEEEEEE?."

My Boss Mommy (GirlxGirl) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon