CHAPTER 16

2.8K 260 4
                                    

CARA'S POV

Pagbaba ko sa kitchen agad kong nakita yung babaeng masungit na umiinom ng tubig habang nakapamewang.

Grabe mukha talaga siyang mataray.

Napaharap siya sa akin ng mapansin ako sabay taas ng kilay sa akin manangmana siya kay aviva bagay talaga sila mga mukhang terror teacher.

Napangiti tuloy ako sa naisip ko.

"Hoy timang." Bigla siyang nagsalita.

Ako kaya yung timang na sinasabi nito?

"Hoy mukha kang timang." Ulit niya habang nakatingin sa akin, ako nga yung sinasabihan niya.

Grabe naman 'to sakin.

"Hoy mukha kang timang sabi eh!."

"Ha Ako?." Ayun lang ang nasabi ko.

"Oo ikaw nga na mukhang timang."

Nawiwili na 'to sakin ah...

"B-bakit?."

"Anong trip mo at bakit naka otso-otso ka diyan? may pa dance contest ba si mayora?."

Grabe 'to ha siya kaya mamaga yung balakang.

"Ah-eh" Ayan lang na sabi ko.

"What the fuck! hindi ka lang pala timang ngongo ka din pala." Sabi niya na parang matatawa na.

Grabe 'tong babaeng na to ah kanina pa siya ah.

"Hindi ah... hindi ako ngongo." Baka ikaw ang ngongo...

"So timang ka lang ganon?." Sabay salin niya ulit ng tubig sa baso.

"Hindi rin." Sabi ko... mas mataray pa siya kay aviva.

"Anyways, kahit ano pang sabihin mo i don't care... pero ito ang pakatatandaan mo, layuan mo si aviva kung ayaw mong masaktan. You don't know me!." Then she smirked.

Lumakad na siya papaalis, pero ng magtapat kami hindi siya nag dalawang isip na sanggain ako at may pahabol pa.

"MY EYES ON YOU, BE CAREFUL."

Ang lalakas ng sapak nila.

Naka tatlong baso din ako ng tubig bago ako umakyat.

Napapangiwi ako sa sakit habang umaakyat sa hagdanan.

Humiga na agad ako sa kama para marelax yung balakang ko... masakit talaga e.

Dadalaw pala ko mamaya kay dad kaso paano pag nakita nila na ganito ang kalagayan ko? tiyak 'kong susugod dito si ate... overprotective pa naman yun pagdating sa akin.

Naalala ko tuloy nung sinapak ako ni aviva halos hindi namin maawat si ate non buti na lang at hindi niya nakita si aviva kaya wala siyang ideya kung sino ang gumawa sa akin nun.

Ipapatingin ko na lang muna siguro 'tong masakit sa akin bago ko pumunta kay dad.

"SUROT."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si aviva...

Dahan-dahan akong bumangon sa kama habang nakangiwi sa sakit.

"Damn! wag ka ngang umarte ng ganyan, ang pangit mong surot ka." Sabay irap pa sa akin.

Bakit ayaw akong tantanan ng mga maldita...

"Ano bang kailangan mo sa akin?"

"Umayos kang surot ka ha!"

"Ano ba kase yun?"

"Are you out of your mind? anu yung ginawa mo kanina?"

"Ang alin?" Kunwari hindi ko alam yung tinutukoy niya, nakakainis na kase.

"What the hell! yung mala spiderman mong nalalamanano un? may patalon talon ka pa... ang taas-taas non, mukha ka namang palakang surot."

"Pacencia naman po mahal kong anak kase po ayaw po akong papasukin ni manong peter sa labas halos ilang oras na po akong nag hihintay sa labas ng gate mahal kong anak."

Naku, pikon nga pala siya...

"What the hell! anong anak anak ang pinagsasabi mo diyan? baka gusto mong kilabutan."

"At wow! so may lakas loob ka pang umuwi dito pagkatapos mo kong iwan sa hospital! ang kapal mo rin noh?"

Sabi na eh magagalit siya.

"May emergency lang akong pinuntuhan Aviva... Pacencia ka na."

"Emergency? baka sabihin mo busy ka sa doktora kanina, kumusta harutan niyo? ayos ba?"

Pinagsasabi neto?

"Maniwala ka Aviva may emergency lang kanina."

"Wag ka lang papahuli sa akin na niloloko mo si daddy, humanda talaga kayo sa akin ng doktora na yun."

Pati si doktora dinadamay na niya...

"Pasensiya kana talaga aviva."

"TCH! may magagawa pa ba ako? at siya nga pala habang nandito pa kami puwede ba lumayo ka sa dinadaanan namin, wag kang paharang-harang... lagi kana lang nakakalat eh... kala mo ang ganda ganda mo para kumalatkalat."

"A-aaaray!" Hindi ko napigil dumaing, bigla na lang kumirot yung balakang ko.

Para naman akong nakakita ng awa sa mukha ni aviva.

"What's wrong with you?." Tanong niya.

"Wala to kumirot lang yung balakang ko."

"May i see?"

Huli na bago ko pa tanggihan si aviva hawak-hawak na niya yung dulo ng damit ko at dahan-dahang itinaas sa kalahati.

Para naman siyang tuod na tulala lang sa akin at parang natuyuan ng laway.

Problema nito?

Pero napalitan agad yon ng ibang reaksyon ng bumaba yung tingin niya sa balakang ko.

"My god! namamaga siya." O.A niyang sabi.

"Humiga ka muna diyan wag kang gagalaw." Sabi niya.

May kabaitan din pala 'tong tinatago.

Nakita kong siyang naglakad papunta sa mini table ni don diego.

"HELLO! Manang Fe puwede na po kayong bumalik dito sa mansion, pakisabi na din po sa ibang kasambahay... thank you."

Narinig ko na sabi ni aviva, pagtapos ay lumakad na ulit siya pabalik sa harap ko.

"I can't take care of you Cara, pero pinauwi ko na sila Manang Fe kaya kung may kailangan ka sakanila kana lang magsabi okay?."

"Pero hindi pa tayo tapos dalawa, pasalamat ka at injured ka ngayon." Sabay labas ni aviva.

Sana lagi na lang siyang mabait mas bagay pala sakanya, hindi siya mukang dragon na hindi pinapakain ng ilang taon. Sabi ko habang nakatungo sa itaas ng kisame.

Sa tagal kong nakatungo sa itaas ng kisame hindi ko namalayan na tuluyan na rin akong nilamon ng antok.

My Boss Mommy (GirlxGirl) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon