CHAPTER 10

3.2K 341 2
                                    

AVIVA'S POV

Maghapon na akong naghihintay pero wala pa rin si surot nakalimutan na yata niya ngayong hapon ako ma-ddischarge.

Saan naman kaya siya pumunta? humanda siya sa akin pag nakita ko siya titirisin ko siya na parang kuto.

Hindi kaya magkasama pa rin sila nung doktora?

Nag-igting ang aking mga bagang sa inis.

Para siyang walang asawa kung makagala akala mo dalaga wag lang siya magkamali na lokohin si dad manghihiram talaga siya ng mukha sa surot.

Naiinip na ako dito sa hospital gusto ko nang umuwi argh!

Pero paano ko gagawin yun kung hanggang ngayon wala pa si surot.

Kamalasan naman talaga uuwi na nga lang sa london tsaka pa ako nagkasakit siguro hinintay ako nila tita sa airport.

Paano ko sasabihin na hindi ako natuloy at nandito pa rin ako sa pinas at kasalukuyan na nagpapagaling sa hospital tiyak ko nag-aalala na sila wala naman akong makitang phone dito para macontact ko sila.

Kaya ko naman nang kumilos, kung ako na lang kaya mag-isa ang umuwi... maganda na rin naman ang pakiramdam ko kahit pagsakit ng ulo ay wala na.

Dahan-dahan ako tumayo at nilibot ko yung kuwarto baka sakaling may damit ako dito.

"Thanks god!." Nagkasilbi din ang babae na yun tumaas naman ang kilay ko what the heck! balak niya bang tumira dito sa hospital at anim na malalaking bag na puno ng damit ang dinala niya... Moron talaga...

Dumeretcho agad ako sa cr para mag shower kumpleto naman ang dala ni surot.

Humanda talaga siya pag nakita ko siya.

Inuna niya pa yung harot niya... makakatikim siya sa akin.

Sabagay. bagay naman silang dalawa eh, isang SUROT at isang SINGIT.

Nagmamadali akong kumilos baka mamaya maabutan pa ako ng mga nurses dito eh wala pa yung release paper ko uwing-uwi na ako.

Simpleng white t-shirt at jeans lang ang sinuot ko then slippers, MYGOD! tsinelas talaga ang dinala niya para sa akin? Jeez!

Mabilis akong naglakad habang nakayuko pababa ng hagdanan ng bigla akong may nakabungo.

"I'm sorry I didn't mean it."

"Okay lang ms."

"Come on i will replace your clothes."

"Hindi na miss konting soup lang naman ang natapon sa damit ko."

"I can not leave you like that."

"Okay lang talaga ko miss."

"Fine! pero hayaan mo na lang ibili kita ng tissue."

"Sige na nga."

"Siya nga pala I'm Paul." Sabay lahad ko ng kamay. "And you?."

"Ako? ahh, ceady. Dy for short."

"So let's go!." Pag-aaya ko.

Malapit na kami sa mini store ng maalala ko wala nga pala kong pera shit! paano 'to!

Napansin naman niya na balisa ako.

"Okay ka lang ba?."

"Mmm" Kagat ko sa labi ko. "Ano kase paano ba 'to? w-wala pala kong dalang pera pambiling tissue."

Nagtaka naman siya sa sinabi ko.

"Gusto mo sumama kana lang sa akin para makapag explain na rin ako sayo kung bakit masyado kaseng mahabang kuwento."

"Hindi na Paul okay lang mauuna na rin ako baka kanina pa ako hinahanap ng kapatid ko."

"You sure?."

Tumango naman siya. "Sige na Paul mauna  na ako."

"Okay bye Ceady!."

Fuck! It's awkward...

My Boss Mommy (GirlxGirl) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon