CHAPTER 8

3.3K 347 2
                                    


CARA'S POV

Hanggang ngayon tulala pa rin ako simula ng umalis ako sa labas ng kuwarto ni Aviva.

Tumuloy nalang ako sa kuwarto namin ni Don diego at nahiga sa masters bed room feeling ko kase hihimatayin ako anumang oras sa pinaggagagawa ni Aviva.

Puputok na yata yung ulo ko kaka-isip kung bakit ba siya ganon? para siyang nasasapian ng ingkanto at pa iba-iba ang ugali at trip na trip niya kong sigawan buti nga na iwas ko agad yung mukha ko kanina sa pinto sinara ba naman ng napakalakas muntik-muntik na talaga ko don.

Nagtataka nga rin ako kung paano ko naiwasan yung pagsara ng pintuan? kung tutuusin sa bilis ng pagkasara ni Aviva hindi malabong masalpok ako ng pintuan pero nailagan ko pa rin.

Ang salbahe niya paano kaya siya pinalaki nila Don diego at nasirang asawa ni Don diego?

Parang pasan niya lahat ng problema sa mundo kung maka-asta kung tutuusin na sa kanya naman na ang lahat sayang naman yung maganda niyang mukha kung lagi lang siya naka busangot.

Hindi ko na nga lang siya papansinin ng maka-iwas na rin sa gulo.

Pababa na sana ko ng hagdan para kumuha ng tubig sa ibaba dahil sa labis kong pagka-uhaw ng may narinig akong malakas na kalampog sa silid ni aviva.

Napangisi na lang ako nagwawala yata ang damulag? baliw talaga.

Dapat ko sigurong gawin ay dedmahin na lang ang lahat ng puwede namin pagsimulan ng gulo para iwas gulo... sa isip-isip ko... at tuluyan na akong bumaba.

Pagbukas ko ng refrigerator agad akong uminom ng tubig.

Grabe yung refrigerator nila kung gaano kalaki ganun din ka dami ang laman hindi lang yun tatlong malalaking refrigerator ang meron sila.

Pag-uwi ng mga kasambahay magpapaturo ako magluto sayang naman yung mga pagkain dito kung hindi maluluto baka masira lang.

Para kung sakaling mabaliw na naman ang damulag at paalisin lahat ng kasambahay ay marunong na ako at hindi na din sunog ang mga ihahain ko sa kanya.

Aalis na nga pala siya dito sa mansion.

Hindi pa pala siya kumakain sa lahat yata ng damulag siya ang takot sa pagkain pansin ko lang tuwing kumakain kami lagi na lang niyang nilalayasan yung hapag kainan hindi niya ba alam yung salitang sayang.

Alaga naman niya yung katawan niya sa nakikita ko. Ang sexy-sexy pa nga niya para siyang isang modelo pero kung ganon ang istilo niya para gumanda ang kanyang pangangatawan hindi kaya siya nakakuha ng sakit non? walang kain-kain. Ibang klaseng babae siya.

Wala pang limang minuto ang panonood ko sa tv ay may kung anong bumabagabag sa akin parang kinakabahan ako at nag-aalala.

Napansin ko nalang na nasa harapan na pala ko ng pinto ni aviva.

Ano ba tong naisip ko at nandito na naman ako at lumalapit sa gulo diba nga sabi ko iwas sa na sa gulo at baka mapasubo na naman ako sa panibagong problema pag nagkataon.

Pero huli na ng mapansin ko na unti-unti ko na palang binubuksan yung pinto ni Aviva swerte na rin ako at hindi naka lock ang pinto para makapasok ako.

Wow unang bumungad sa akin ang kulay pink niyang kuwarto ang ganda hindi mo nga iisipin na kay Aviva 'tong kwarto kase ang naiisip ko sa kuwarto niya ay kulay itim na walang kabuhay-buhay bahagya pa kong natawa sa naiisip ko.

Hello kitty pala... Babaeng babae.

Nilibot 'kong muli ang aking mata pero hindi ko makita si aviva imposible naman na lumabas yun ng hindi ko napapansin.

Naglakad pa ako ng kaunti para hanapin si Aviva pero laking gulat ko sa nakita ko napatakip ako ng kamay sa bibig ko dios ko po ngunit walang lumabas na salita sa huli 'kong binigkas dahil sa gulat.

"DIOS KO PO AVIVA!" sigaw ko.

My Boss Mommy (GirlxGirl) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon