Chapter76:Biggest Dream

29 3 0
                                    

"Rhian's POV"

Hindi na siya nagpaparamdam saakin.Siguro nga nagtampo yun ng bonggang bongga.Si Tita Kate napabisita dito sa bahay, nakokonsensiya tuloy ako kasi hindi niya ako makausap ng matino.Nakwento ko na rin sa kaniya ang lahat.Nasabi ko narin kay Kuya yung totoo at nung una sumama ang loob niya pero napatawad din niya ako.Tinanggap ko na yung offer.Narealize ko na mali ako.Tama si Julian,kailangan kong ipaglaban ang mga bagay na gusto ko at magpakatotoo.Susundin ko siya.I will choose again my dream gaya ng lahi kong ginagawa.Tinanggap ko na yung offer at okay na ang papeles ko.Next week na nga ang alis ko eh.Kaharap ko ngayon si Tita Kate."Rhian,gusto mo ba puntahan natin si Julian?"tanong nito.Oo naman.Gusto kong puntahan siya kaso ayun nga baka ayaw niya akong makita."Huwag na po Mommy,baka po kasi ayaw niya akong makita."malungkot kong tugon.Nagulat naman ako nang hilain ako ni Tita Kate at isinakay sa sasakyan niya.Nagmaneho na ito."Hindi ko akalaing marunong po pala kayong magdrive.Mommy,saan po ba punta natin?"saad ko."Oo marunong akong magdrive pero inilihim ko lang at ngayon willing na ulit akong magdrive.Hija,pupuntahan natin si Julian.Minsan mo na akong tinulungan dati kaya this time Ikaw naman ang tutulungan ko."seryosong sambit nito."Pero Mom------Kasi ano eh...."hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil wala akong maisip na dahilan para tanggihan siya.Sabagay,nagmamalasakit lang din naman siya.Wala namang masama kung tulungan niya akong kausapin si Julian.Nakarating na kami sa office nila Julian at pumasok kami ni Tita doon.Ang bilis ng tibok ng puso ko.Pakiramdam ko may kakaibang magaganap.

"Julian's POV"

Pinapunta ko si Krystal sa office ko dahil sobrang excited akong ipaalam sa kaniya ang magandang balita.Narito na ang mga papeles na magpapatunay kung sino ang totoong magulang niya.Pagkarating palang niya,umupo na agad ito sa client's seat at iniabot ko sa kaniya yung envelope.Excited niya itong binuksan.Tinignan niya ang papeles na patunay kung sino talaga ang magulang niya.May litrato rin ang magulang nito."Kate at Danny ang name ng real parent ko.Ang pogi at ang ganda naman ng parent ko!"mangiyak ngiyak pa nitong sambit at napapangiti.Natutuwa akong makita siyang masaya.Nabuhayan ang loob ko.Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng office ko at nakita ko si Rhian kasama ng isang babae.Yung babae kamukha niya yung nasa picture.Hindi ako pwedeng magkamali siya nga,siya yung nasa picture.Siya yung Kate.It means siya yung mommy ni Krys?

"Rhian's POV"

Pagkabukas ko ng pinto, bumungad agad ang mukha ni Julian at Krystal.Nakaupo si Julian sa may boss seat at sa client seat naman si Krystal.Napatingin sila saamin ni Tita Kate at halos matulala sila nang makita si Tita.Si Tita Kate naman mangiyak ngiyak na lumapit kay Krystal at niyakap niya ito.Hindi ko maintindihan.Anong nangyayari?

Pangarap Lang Kita(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon