Chapter61:Rhian's 18th Birthday

27 3 0
                                    

"Rhian's POV"

It's already 5 in the afternoon.Todo ayos ang aking mga beshies at kasama nila si Jon at Jus.Si Kuya naman to do ayos din.Sa tables and chairs nag-asikaso ang aking mga beshies.Sa lights and sounds naman si Jon at Jus. Si Kuya naman ang nag-asikaso sa mga designs.Si Lolo at Lola naman ang bahala sa mga foodie.

Masquerade Party daw ang theme ng debut ko sabi ni Kuya.6pm ang start ng Party. Tinawag na ako nung make-up artist na kinuha ni Kuya para mag-ayos saakin.Bakit pa ba kasi may mga ganito pa?Magsusuot pa ako ng gown.Color silver yung gown na isusuot ko.

Ayoko na sanang magpamake-up pero pinilit ako nitong baklang ito.Si Sister Nelson.Bff yan ni Kuya.Okay fine, ipagkakatiwala ko na nga sa kaniya ang pagmumukha ko.

Inayos muna niya yung buhok ko. Ayaw na ayaw kong ipinapahawak ang aking buhok pero ngayon mahahawakan na ni Sis Nelson at kukulutin pa niya.Pero temporary na kulot lang naman.Wala kasing permanente sa mundo.

Very busy siya sa pagkukulot sa buhok ko.Chinichika din niya ako habang inaayusan.Dami ko ngang tawa sa kaniya.Sobrang daldal kasi niya,grabe.After niyang kulutin ang aking hairlalooo ay minake-up-an na niya ako.Kung ano anong kolorete at kaartehan ang pinaglalagay niya sa mukha ko.Red lipstick ang inilagay niya sa labi ko.Ito na nga ba ang sinasabi ko ko e,It's my own birthday. Hindi po ako magka-clown.Kakaloka naman.

After niya akong maayusan ay isinuot ko na yung white gown pero para siyang silver sa tuwing kumikinang kinang.Fitted gown siya pero pa-balloon siya sa may bandang tuhod na.Feeling ko ang sexy ko sa suot ko.Tinignan ko yung sarili ko sa napakalaking salamin. Infairness,nagmukha akong tao.

May hinire si Kuya na photographer kaya eto todo pose ako kasi kinukuhanan ako ng litrato netong si Kuya Jham daw?Yung Photographer. He's so Pogi but sorry my Mosh is more handsome than him.Isinuot ko na yung silver mask ko.

Malawak yung garden namin kaya dito yung venue ng debut ko.Wala nang pakilala pakilala.Ayoko na ng ganon.Masyadong pasossy.I'm just a simple girl with a simple dream.Si Kuya ang escort ko kaya inaalalayan niya ako.He also have silver mask. Pares kami.Nakakatawa nga eh, nakasuot si Kuya nang tuxedo.Umupo na kami sa may stage.Sa aming trono.I'm the princess and Kuya will be my Prince. But soon I'll be with my King together with our little prince and princess.We will be having our own happy family.

Marami nang bisita.Nakita ko na yung mga beshies ko kahit na naka gold mask sila..Ang galing din nila noh?Sa isang iglap lang nagtransform agad sila.Ang magiging Emcee sa debut ko ay si Jon at Cherie.Nag volunteer kasi sila.Well,relationship goals nila yan eh. Pero hindi pa pala sila.Kahit naman inlove yang si Cherie she's not easy to get.Alam ko ang mga itsura at pagkatao ng mga beshies ko kahit na nakagold mask sila.Nakikilala ko parin sila.

"Good evening..Yeah.Welcome to the Masquerade Party of our debutant Rhian Manalang Atienza!" pag-uumpisa ni Cherie.

"Please all stand for our opening prayer that will lead by Jon!" pagpapatuloy nito.

Tumayo na nga kaming lahat at iniyuko namin ang aming mga ulo. Pinangunahan na nga ni Jon ang prayer.Ang alam ko nga nagtalo pa sila ni Jon tungkol dito eh.Kasi ayaw ata ni Jon magprayer,pinilit lang siya ni Cherie.After ng prayer,tinawag ako ni Cherie, mag-ispeech daw ako. Pumunta nga ako sa kanila.Inalalayan ako ni Kuya.Kinuha ko nga yung mic.

Pangarap Lang Kita(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon