Chapter65:Rehearsal

23 2 0
                                    

"Rhian's POV"

Narito ako sa Principal's Office. Magsusulat dapat ako ng speech ko for the graduation tomorrow.Kaso makikiusap ako na ako nalang bahala tutal dapat kabisado..Tinatamad kasi akong magsulat eh.Bukas na ang graduation.Ang bilis ng araw.Ngayon na yung last rehearsal namin.Ngayon na din ibibigay yung toga namin. Magmo-monologue nalang ako.Keri lang naman yun.Haha,charowt.Hindi pala monologue tawag don kasi madami akong audience.Ah basta.Ako na ang bahala.Nasabi ko na kay Mr.Shon yung gusto kong sabihin at pumayag nama ito.Pumunta na ako sa quadrangle. Umupo ako sa assigned seat ko.Sa unahan kami.Sa harapan kasi yung mga special awardees. Nagsimula na nga ang practice.Mag-e entrance muna kami sa labas tapos maglalakad kami paloob at pupunta sa mga assigned seat namin.

"Jon's POV"

Natapos na ang rehearsal.Pumunta kami sa mga kani kaniya naming rooms.Ibinigay na nung adviser namin yung susuotin naming toga bukas.Lumabas na ako ng room after kong mareceive yung toga ko. Hanggang ngayon hindi parin ako kinakausap at pinapansin ni Cherie. May tampo parin siguro saakin yun. Ang mga babae talaga masyadong moody.

Pumunta ako sa room nila.Tinanong ko siya sa mga classmate niya.Sabi nila wala daw siya rito at baka nasa Principal's Office siya.Dali dali akong tumakbo papunta doon.Nakita ko naman siyang kakalabas lang don kasama si Rhian at Jazz. Nagtatawanan pa sila.Napatingin naman sila saakin.Naging seryoso na ang mukha ni Cherie nang makita niya ako.Nginitian naman ako ni Jazz at Rhian.Hinawakan ni Cherie ang kamay ni Rhian.Mukhang senyas niya ata yun na huwag siyang aalis.Kaso inalis ni Rhian ang kamay niya sa kamay ni Cherie.Ngumiti si Rhian kay Cherie at tinuro niya ako sa gamit ang kaniyang nguso.Hinila naman ni Rhian si Jazz at umalis na silang dalawa.Humakbang paatras si Cherie nang akmang humakbang ako palapit sa kaniya.Napsandal nalang siya sa pader at napabuntong hininga. Lumapit ako sa kaniya ng sobrang lapit.

"Huwag mo naman akong layuan. Paano na ako kung wala ka.Alam mo naman na nasa iyo ang puso ko diba?" seryosong sambit ko.Hindi ito nagsalita.Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko.Tsss,don't do this to me Cherie.Talk to me please.Tumingin ako sa mata nito.Nakita ko sa mata nito ang pangungulila.Malamang siguro namiss niya ako.Napangiti ao ng bahagya ngunit nagseryoso din ako  agad.

"I'm S-~-~-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikanRamdam ko ang napakalambot nitong labi.This is our first kiss.Tumugon ako sa halik na yun.Siya na ang unang kumawala sa halik na yun dahil mukhang mauubusan na siya ng hangin.Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Oo nagtampo ako pero hindi ako galit.I will never get mad on you. Sorry kung hindi kita pinansin at kinausap.I just want space that time.Nag-alinlangan kasi ako eh.Nung time na inaasar mo ako, oo masaya ako nun pero natatakot ako.Naisip ko kasi na baka iwan at saktan mo lang din ako.But I'm wrong.Mali ako nang akala.Jon,I promise hindi na ako mag-aalinlangan.I'll fight for us no matter what.I love you Jon.Sinasagot na kita!" umiiyak nitong wika.

Pangarap Lang Kita(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon