Chapter 27:Enrollment

30 3 0
                                    


Nagpunta na kami ni Jon sa School.

Nauna na kanina si Kuya.

Pagkarating namin don,nagpalista na agad kami.

Pumunta kami ng Canteen tapos kumain kami ng spaghetti at uminom ng soft drinks.




Inaya ko ng umuwi si Jon kasi wala ako sa mood mamasyal.

Wala naman kasi yung lalaking gusto kong makasamang mamasyal.

Miss ko na siya.

Gustong gusto ko na siyang makita.

Habang nasa biyahe,tahimik lang kami.

"Sama kayo ni Kuya Eman sa paghatid ni Tita saakin sa airport ha?" saad ni Jon.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

Ayokong maging unfair sa kaniya.

Siya ang kasama ko pero malungkot ako.Kaya dapat lang na ngitian ko siya para kunwaring masaya akong kasama siya.

At tsaka nagdecide ako na umuwi nalang kasi ayaw ko na magselos na naman si Julian.

Ayaw kong maging unfair sa kanilang dalawa.

Parehas silang mahalaga saakin.

"Sige,magpapaalam muna ako kay Kuya!" tugon ko.

"Pumayag na siya.Sinabihan ko na siya kanina!" saad niya.

"Ang lakas mo talaga kay Kuya!" natatawang sambit ko.

"Ganon talaga kapag pogi!" pakindat kindat pa niyang sambit.

"Kaya pala~~~" hindi ko naituloy yung sasabihin ko dahil about kay Julian yun.

Kaya pala nakaclose agad ni Julian si Kuya kasi diba pogi naman siya.

Pangarap Lang Kita(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon