Hindi ko magawang mainis sa sinasabi niya, instead, naaawa ako. Pero hindi ko iyon ipinakita, baka mas lalo lang siya mabwisit.

"You really hate me that much don't you?"

"Hindi pa ba obvious? Oh tanga-tangahan lang? Gosh sana natuluyan ka noon pa."

She keeps on pushing my buttons and I won't let her. Kailangan may kalmado sa amin dahil kung paiiralin ko ang emosyon ko, wala itong patutunguhan.

"Nicole, can you just tell me exactly kung bakit ang laki ng galit mo sa akin? Hindi naman kita inaway? Gaya ng kwento mo sa kanila."

"Can't I hate you because I want to? Gosh next question."

"No you don't. Hindi 'yon ang naaalala ko."

"That's not my fault. Your memories are shabby, don't be delusional."

Napatingin siya sa hawak ko.

"You want some?"

They're apples. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Hector pero siya kasi yung pinabili ng pasalubong at talagang ito pang uri ng prutas.

"Tanga ka ba talaga? After what you've done?!"

"Bahala ka. Nagugutom ako." Naglabas ako ng isa at binalatan sabay deretso sa bibig ko.

"So, nagpunta ako dito para makipag ayos sa'yo." Mas maganda na siguro yung straight to the point. Lagi kasi akong binabara kaya ayan.

"Pfft. Hahahahaha!" Humawak siya sa kanyang tiyan at halos mangisay sa kama kakatawa. "Nice joke."

"I'm serious. Let's finish all of these. Hindi ka ba nagsasawa? You know, life is too short for humans but they make the most out of it while us," Ang weird lang talaga isipin na isa na ako sa kanila. "We live longer, both a privilege and a curse. Huwag natin sayangin. Ang daming hindi nagtatagal dito sa mundo pero ang karamihan, namamatay pa rin silang masaya. Don't waste your time hating me Nicole. Ang dami mo pang pwedeng gawin."

"It's my life. My rules. My decision. Kaya kung kasusuklaman kita habang buhay, desisyon ko 'yon. Please stop being a maria clara would you? Get out o gusto mong ako mismo magpalabas sa'yo? You know walang kwenta itong nakaharang, stupid humans ain't it?"

May switch off ba ng kamalditahan ng babaeng 'to?

"Well I guess, I can't make you like me." Hindi na yan malabo sa akin. Isinampal na niya sa akin yan. "Pero gusto ko lang sabihin sa'yo na pinapatawad na kita kahit hindi mo 'yon hinihingi. Maybe it's time to start a new life. I'm starting to accept what happened kahit na mahirap. You know I just want na magkaayos muna tayo para matahimik na ang loob ko pero mukhang malaki talaga ang galit mo sa akin pero ayos lang, basta nailabas ko na ang gusto kong sabihin sa'yo. Someday, maybe someday magawa mo din akong mahalin at mapatawad diyan sa puso mo. I'm saying these things para hindi mo isipin na may galit ako sa'yo. Malabo 'yon dahil kapatid pa rin kita at ikaw nalang din ang natitira kong pamilya. We love you, I hope you do well in the future." Sinabi ko lahat yan habang nakatitig sa kanyang mata. I just want to show how sincere I am.

"And no, this is not drama. I'm telling you the truth." Inunahan ko na siya. I know she's pissed.

"Whatever." She rolled her eyes. "Tapos ka na? You can leave and never come back."

"Yeah I'm done. Sana huwag mong kalimutan lahat ng sinabi ko."

"Oh yeah? Sa tingin mo mapapaniwala mo na naman ako? You were so good at acting. Naalala mo? You acted as if you don't remember everything pero yun pala pinagkaisahan niyo lang ako. I will never believe in you Nicca, never. Itatak mo yan sa isip mo."

Married to UnknownWhere stories live. Discover now