Chance mom is wearing a sleeveless green dress na tinirnuhan nito ng perlas na alahas. She looks very sophisticated with her attire.

"Mom, Dad and Chase.. I want you to meet my eight months old, Son. Chester Louis McLenan." Chance introduced their child. Hindi na lamang niya pinansin ang apelyido na ginamit nito.

"Oh my God! We have a grandson!" Masayang wika ng Ginang at tumayo at lumapit sa kanila. Lumingon muna ito sa kanya. "I hope it's okay if I'll carry my apo!" Malumanay na wika nito. Makikita pa ang namumuo na luha sa mata nito. Bahagya siyang nagulat ngunit ngumiti siya at tumango.

"Damn, man! He looks exactly like us!" Tuwang saad ni Chester habang hinahawakan ang kamay ng bata. Lahat na ng atensyon nila ay nasa bata na. And good thing about Chester, hindi ito naiilang sa mga tao na nasa harapan nito. Tuwang-tuwa pa nga ito.

"Wait a minute... Bakit namumula ang ilong at mata ng apo ko? Did he cried?" Nagtatakang tanong ng Lolo nito.

Natawa siya ng bahagya. "Medyo nagulat po siya ng Uncle Leo niya. Unang pagkikita kasi nila kanina." Paliwanag niya.

"Oh! My poor little one. Don't worry we will scold him later." Saad ng lola nito.

Napailing na lamang siya. Poor Leo.

Iyong inaakala niya na awkward na dinner ay naging isang masayang dinner. Tuwang-tuwa ang lahat kay Chester. At ang bata naman ay todo ang pabibo sa lolo at lola nito at maging sa tito Chase nito. Hindi niya lubos akalain na tatangapin ng buong puso ng McLenan ang anak nila especially his mom... Alam niya na hindi din maganda ang relasyon nila noon ng mama ni Chance ngunit sa nakikita niya ay tanggap naman nito ang apo. And she was happy with that.

"Carly, would you like to come with me? I'm just going to the powder room." Malumanay na wika ni Mrs McLenan. Bahagya siyang nagulat at napalingon kay Chance na karga ang anak nila. He gave her an assuring smile kaya napatango na lamang siya at tahimik na sumama sa ginang.

Nang nasa powder na sila ay humarap ito sa kanya at ngumiti. Bagamat naguguluhan ay sinuklian niya ang ngiti ng ginang.

Mrs McLenan hold her both hands. "Carly... I know we are not in good terms before. Alam ko na naging magaspang ang ugali ko noong nalaman ko na binabahay ka ng aking anak. I'm just a little worried about him dahil iba siya sa kakambal niya na si Chase. Agresibo siya and I just want to protect him. And I know that is not a right excuse kaya I'm really sorry." Buong puso na wika nito.

Napangiti siya. Noong maging ina siya ni Chester ay naging mas malawak ang pananaw niya lalo na tungkol sa kanyang anak.

"Ma'am. Hindi po ako kailanman nagtanim ng galit sa inyo. Nauunawaan ko ho kayo lalo pa at ina narin ako at ang nais ko lamang ay ang ikabubuti ng anak ko."

Mrs McLenan smiled. "You ard such a grest woman. And please call me Mommy. I know your little secret so you can call me mommy." Wika nito.

Hindi na siya nagulat roon. Alam naman niya na sasabihin ito ni Chance sa ina kaya wala siyang problema.

Sabay silang bumalik sa loob at naabutan nila ang tatlong lalaki na hindi mag kanda-ugaga. Umiiyak si Chester habang pinapagpasahan ng tatlo. Lahat sila ay halatang kinakabahan at naguguluhan.

"My God! What happened here? Bakit umiiyak naman ang apo ko? Chester! Chase and you too, Chris! Anong ginagawa niyo!?" Galit na wika ng ina at lumapit sa tatlong lalaki nito na halatang gulat.

"I-I don't know what happened ma... Bigla nalang siyang umiyak." Sumbong ni Chase habang namumutla na nakatitig sa pamangkin.

Kinuha ng ginang ang apo at dinama at diaper na sout nito bago sinamaan ng tingin ang tatlo. "Oh you three! Hindi niyo ba naramdaman na puno na ang diaper ng apo ko?! Of course this little precious will cry! My poor apo. Let me chance your nappy okay?" Masayang kausap nito sa apo. Ang tatlong lalaki naman ay halatang nawindang parin sa nangyari.

Siya naman ay mabilis na lumapit sa Ginang. "Ma'am-" Napatigil siya ng tinaasan siya nito ng kilay. "I mean mommy... Ako na po ang bahala kay Chester." Wika niya.

Ngumiti ito at umiling. "Oh dear. Let me handle this and beside, matagal na akong hindi nakakapagpalit ng diaper. Its been 33 years." Natatawang wika nito bago lumabas ng kwarto. Wala siyang nagawa kung hindi sundan na lamang ang byenan.

Sa loob ng restroom ay inilatag nila ang changing table. Medyo nahiya pa siya dahil ang ginang ang nag palit ng diaper nito ngunit pansin naman niya na natutuwa ang ginang sa ginagawa.

"Oh! It's been years since I changed a diaper! How nice." Tuwang-tuwa wika nito habang pinupunasan ang apo. Mukha naman tuwang-tuwa si Chester na nakatitig sa lola nito. Napangiti na lamang siya.

"I hope you and Chance can sort things for my apo. Alam ko na dapat ay hindi na ako manghimasok but at least try to reconcile with my son." Malumanay na wika ng ginang nang matapos nitong linisan ang apo. Binuhat ito ng ginang at hinalikan ang pisngi. She can see that Mrs McLenan is already inlove with Chester.

"Wag po kayo'ng mag alala. Pipilitin ko po maayos ito para kay Chester." pangako niya. Tumango ang ginang at hinaplos ang pisngi nito.

Nang makabalik sila sa loob ay sabay-sabay lumapit ang mga lalaki sa kanila.

"Is he o-okay already?" Mr McLenan asked. Namumutla ito at halatang kinakabahan. Ganoon din ang kambal na nakatitig kay Chester ba humahagikhik ang pumapalak habang nakatitig sa lolo nito.

"Oh Chris! Wala ka talagang kaalam-alam sa mga bata thas why. At ikaw naman Chance, you should know every gesture of your baby so you should know what to do." Sermon ng ginang sa mga ito.

Natatawa naman si Chase na nakatingin rito ngunit hindi rin ito nakaligtas. "You too, Chase! You should know this."

Nalukot ang mukha nito sa sinabi ng ina. "Why me?! As if I have a child!" Reklamo nito.

Sinamaan ito ng tingin ng Ina. "Bakit? Are you going to be single for the resr of your life? Balang araw ay magkaka anak karin." Sermon ng Ina.

Natahimik naman ito at humalukipkip na lamang sa isang tabi.

Billionaire's Secret (Billionaires Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon