JC's POV
Nandito ako ngayon sa playground. Kanina ko pa hinihintay si Amber, mukhang di na naman ata sya papayagan ng mommy nya na lumabas ng bahay nila. Bakit ba kasi sobrang higpit sa kanya ng parents nya. Siya lang kaibigan ko kaya no choice naman ako kase wala namang ibang bata ang gustong makipaglaro sakin.
Naglakad lakad na lang ako sa buong playground.
Dito ko na lang sa playground inuubos yung oras ko. Wala naman kasi akong kasama sa bahay kung hindi si yaya. Tapos lagi pa syang busy sa mga katext nya kaya di naman nya alam na umalis ako ng bahay.
"Bitawan nyo na kase ko please, Tama na" Narinig ko habang naglalakad ako, dahan dahan akong sumilip sa likod ng puno kaya naman kitang kita ko yung batang nakaluhod pero may dalawang batang nakahawak sa kanya at yung isa naman eh patuloy syang binubugbog.
Aalis na sana ko kasi ayoko namang madamay sa away nila pero parang bigla naman akong nakaramdam ng konsensya.
Paano kapag napatay nila yung walang kalaban laban na bata? Kakayanin ba ng konsensya ko na iwan na lang sya dun kung kaya ko naman syang tulungan? Kaso paano kapag ako naman yung sinaktan ng tatlong bata na yun ? anong laban ko dun e tatlo sila at isa lang ako, higit sa lahat lalaki sila tas babae pa ko.
Hindi ko pa nasasagot yung mga tanong sa isip ko ng bigla na lang parang may sariling isip yung mga paa ko at kusa na lang silang tumakbo papunta sa kinaroroonan ng apat na batang lalaki.
"hoy! anung ginagawa nyo sa kanya ha ?" lakas loob kong sigaw sa tatlong lalaki. Bakit ngayon ko lang napansin na puro malalaki pala silang tatlo ? at parang mas matanda sila sakin ng apat o limang taon.
"Bakit ? sino ka bang payatot ka ha?!" Nagsimula silang humakbang palapit sakin kaya naman nagsimula na kong kabahan. Ano ka ba naman kasi JC! Kahit kailan napaka pakielamera mo! Naramdaman ko na nagvibrate yung phone ko sa bulsa kaya naman may naisip ako kung paano namin matatakasan tong nga dambuhala nato! Sana lang talaga umepekto *Sigh*
"Mom? Where are you ? Tumawag ka ng police now na, merong tatlong batang-" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla na lang silang nagtakbuhan.
"Ano bang pinagsasasabi mong bata ka ? Asan ka na naman ba JC? Tinakasan mo na naman ako" Rinig kong mahabang Linya ni yaya. Hindi ko na lang sya pinansin at binaba na yung phone. Hindi ko pa rin mapigilan yung tawa ko dahil sa reaksyon nung tatlong lalaki na yun haha.
"huhuhu" Bigla naman nawala yung tawa ko ng marinig na umiiyak pa rin yung batang binubugbog kanina.
"Bata ayos ka lang ba ?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. Unti unti naman syang nag angat ng tingin at nakita ko na may dugo sa may gilid ng labi nya.
"Sa-salamat s-sayo" Humihikbing sabi nya. Dinukot ko naman yung panyo sa bulsa ko tsaka ko inabot sa kanya pero di naman nya pinansin at patuloy lang sya sa pag iyak.
Lumuhod ako sa harap nya para magpantay yung mukha naming dalawa. Ako na yung nagpunas ng labi nya kasi mukhang wala syang balak tumigil sa pag iyak.
Bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko ng magtama yung tingin naming dalawa. Anong nangyayari sakin? May sakit na ba ko sa puso dahil sa takot ko kanina sa tatlong bata na yun?
Umiwas na lang ako ng tingin at tinigil ko ka din yung pagpupunas ng labi nya. Mukha namang huminto na yung pagdurugo eh.
"Tahan ka na, malayo naman sa bituka yan eh" Sabi ko sa kanya baka sakaling gumaan yung pakiramdam nya.
Hindi nga ako nagkamali at unti unti na syang tumahan at nagpunas ng luha nya gamit yung panyo ko.
"Maraming salamat bata" Sabi nya ng nakangiti na ngayon. Bakit ang gwapo nya ? Ngayon ko lang napansin kase mukha syang ewan kanina eh. Singkit sya at matangos ang ilong, hanggang ngayon namumula pa rin yung ilong nya dahil sa pag iyak. Mapula yung labi nya kaya di naman masyadong halata yung naging sugat nun sa gilid dahil sa tatlong batang bully na yun.
"na-naku w-wala yun" nauutal kong sagot. Bakit ba ko nauutal sa kanya? Jusme
"Ako nga pala si-" Hindi na nya natapos yung sasabihin nya dahil may babaeng bigla na lang sumulpot sa likod nya.
"Jusko namang bata ka, alam mo bang kanina pa naghahanap at nag aalala sayo yung mommy at daddy mo? San ka naman ba kasi galing?" Sabi ng babae na siguro yaya nya dahil na lang din sa suot nito.
"Sorry yaya" Hingi naman nya dito ng paumanhin at nagsimula na silang maglakad palayo.
Nanghinayang naman ako ng bigla na lang silang sumakay sa kotse. Hindi ko man lang natanong yung pangalan nya. Wrong timing din naman kasi yung pagdating ng yaya nya eh.
Naalala ko yung panyo ko, di nya naibalik sakin. Paborito ko pa naman yun dahil regalo yun sakin ni mama.
Para sakin kase sobrang espesyal nun eh. Yun kasi yung huling regalo nya sakin. May pangalan ko pa na nakaburda sa gilid nun. "Joanna" Nanggilid naman agad yung luha ko ng maalala ko si mommy.
hayyy makauwi na nga lang. panigurado sesermunan na naman ako neto ni yaya eh.
Maglalakad na sana ko ng may mapansin akong bagay sa pwesto kung san mismong nakaupo yung bata.
"Kwintas" nasabi ko na lang ng madampot ko na yun. May word na nakasulat sa pendant ng kwintas kaya naman pinagmasdan ko yun ng mabuti.
"William?" basa ko sa nakasulat. So william pala yung pangalan ng bata na yun? Bigla naman akong napangiti. Ewan ko ba pero bakit natutuwa ako ng malaman ko yung pangalan nya.
Gusto ko sya ulet makita. Siguro mas kailangan ko pa dalasan yung pagtakas ko kay yaya para mas madalas akong makapunta dito sa playground.
Sana hindi ito yung huling beses na makikita ko sya.
Sana makilala ko sya.
Sana maging magkaibigan kaming dalawa.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Truth Untold
Fiksi PenggemarNung nakilala ko sya nagbago yung buhay ko. Binigyan nya ng kulay ang mundo ko. Mahal ko sya una pa lang naming pagkikita. Ramdam ko naman na mahal nya ko. Mahal namin ang isat-isa. Pero bakit ganun? Bakit hindi nya nagawang pakinggan ako? Minsan ka...
